Chapter XVII

30 0 0
                                    

|TOBY JOSHUA KILBY'S POINT OF VIEW|

Ang tagal naman sumagot nun ng pintuan. Kumatok ulit ako. 

"Wait lang!" sigaw niyang sagot sa kabilang side ng pinto.

"Nginingiti-ngiti mo jan?!" tanong niya habang nakataas yung kilay.

"Wala lang. Ehe." sabay usisa sa kanya. 

Hmm.. Hindi naman talaga katangkaran tong babaeng to e. Di pa siguro siya lalagpas ng 5 feet. Pero... Witweeew. SEXY!!! Hahahah

"Huy! Di ka ba papasok?" bigla kong naalala na nasa labas ako ng apartment niya. Pumasok na ako at umupo sa couch sa living room. 

"Saaab! Graham balls!!! Please" sigaw ko sa kanya habang kumukuha siya ng inumin at pagkain namin sa kusina.  

Ilang buwan na din kame, pero lately, hindi na kami masyadong nagkikita dahil umuwi sila mom para sa birthday niya, birthday ni Miranda at birthday ko. Hindi ko alam kung all in one celebration yun o isa-isa. Ah. Ewan. Basta ako, sa birthday ko. Si Sab ang kasama ko dapat!

"Oh. Yan ser! Yung graham balls nyp PO tapos yung cold milo mo PO! Tsk. Ikaw nga, bawas-bawasan mo yang kakakain mo ng matamis. Magka-diabetes ka niyan sa ginagawa mo eh!" 

Napangiti naman ako "Uyyy.. Concerned siyaaaaa" asar ko sa kanya at tinusok-tusok yung tagiliran niya nung nakaupo na siya sa tabi ko.

Bigla naman siyang namula at inirapan ulit ako, eto talaga! Masyadong mapangmata "Hmp! Ewan ko sayo!" binalig niya na yung atensyon niya sa mga DVD na nasa harap namin.

"Ano bang papanuorin natin ngayon? Gusto ko yung Thai ah. Nagustuhan ko dati yun Hello! Stranger e" pagkatapos ko sabihin nun eh, sumubo ako ng isang napakalaking graham ball na gawa niya.

Pinapanuod ko siya habang isa-isa niyang inuusisa yung mga DVD sa harap niya. Uminom naman ako ng cold milo ko. Hahahaha. Parang di naman ako bente-dos neto! Hinding hindi maipagkakaila na si Sab maganda talaga. Simple, pero maganda.

"Aha! Eto, maganda daw to e." kinuha ko naman yung DVD sa kanya para tignan kung ano na naman ba yung mga napili niya. "Crazy Little Thing Called Love?" patanong kong binasa yung title.

"Akin na! Yan na ha? Thai naman yan e." inayos na niiya yung pagpapanuoran namin habang ako, kain lang ng kain. Hahahahahahaha. Ako boss e.

Nung naiayos na niya yung TV at yung DVD player, sinara niya na yung ilaw at tumabi saken. Iniikot ko naman yung kamay ko sa balikat niya, habang yung ulo niya nakahiga sa balikat ko. Ganon lang pwesto namin kadalasan ng oras habang nanunuod. Yung plato na pinaglagyan niya ng graham balls, kinandong na lang niya sa hita ko. 

Gaya ng sabi ko, ganun lang kame, Magkatab. Magkakahawak ng kamay. Paminsan-minsan, kapag hindi ko na mapigilan ang sarili ko hinahalikan ko yung buhok niya. Ang bango niya, ang ganda niya at higit sa lahat, mahal na mahal ko siya. 

Nung natapos na yung pinapanuod namin, si Sab, umiiyak ako naman gusto ko na din sana umiyak e. Pero ayaw lumabas ng luha. Hahahahaha. Joke.

"Toby! Ang sweet nila. Ang gwapo pa nung bida" mejo di ko pa maintindihan pagkasabe niiya dahil barado yung ilong niya kakaiyak.

"Masgwapo naman ako dun no!" 

"De ah!" tumayo siya at pumasok ng kwarto niya. Pagkalabas niya, suot na niya yung isa kong hoodie. Sinadya ko talagang iwan sa kanya yung hoodie ko na yun. 

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon