|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|
Ok. Alam kong mali. Alam naming hindi tama. Alam naming balang araw, sisipain din kami ng karma. Pero alam nyo ba yung katagang "fools in love"? Dalawa ang pwedeng maging ibig sabihin nyan e:
Una, dalawang taong nagsasaya at hinahayaan ang ibang tao dahil mahal nila ang isa't-isa.
Hindi kami yon.
Kaya eto kami, nasa pangalawang kahulugan. Dalawang taong nagpapakatanga at nanloloko dahil a pag-ibig.
After naming magka-aminan ni Toby, naging kami na. Oo. Kami. Habang engaged sila ni Miranda. Alam ko na ang lahat. Alam ko ng pinilit lang sya ng parents nya na ligawan at magpropose kay Miranda. Kasi daw, magbestfriends yung parents nila. "Destiny" daw.
Aaminin ko ding mali ang ginagawa namin. Maling mali. Hinding hindi ko naisip na magiging kabit lang ako. Hindi ako pinalaki ni Dad ng ganito. Eh, history repeats its self nga di ba? Kung sa kwento ng Mom at Dad, si Mom ang napilitin, dito naman, si Toby, at saken dapat sya.
Si Tita Yenyen, si Carlo, si RJ at si JK.. Alam nilang kami, alam nila yung situation namin.
Nagtatatalon nga sila sa tuwa e. Nagpa-party. Kulang na lang pagkain at parade para sabayan yung putukan ng labi at sigawan ng mura nung nalaman nila. Lalong lalo na kela JK, Toby at Carlo.
"Sino bang kapatid matutuwa sa ginagawa mo?!" tanong yan saken ni JK habang dinuduro-duro ako. Ang nakakahiya pa, sa bahay ni Tita Yenyen.
"Tol, kahit na kapatid mo si Sabrina wag mo syang dinuduro-duro!" paghaharang ni Toby saken at humarap kay JK.
"Wag ka ngang epal, at wag mo kong i-ttol!" nagpipigil na sabi ni JK
"Eh pano kung gusto kong umepal?!" hamon ni Toby.
"Gusto eh no?! T*ngina mo rin e. Wala ka man lang kahiya-hiya at talagang pagkakalat mong manloloko ka at ikakabit mo yang eengot-engot kong kapatid." Dito na ako humarap sa kanya.
"Shut up JK! Hindi naman nya desisyon yun eh! Ako nagdecide. Umamin sya saken pero hindi naman nya hiningi na magkapareho kami e"
"Yun naman pala e! Kung mahal ka nyan, makikipaghiwalay yan sa girlfriend nya!"
"FIANCE! Hindi nya lang basta-basta girlfriend yun! FIANCE nya!"
"Ayan! Galing na rin sayo Misa! FIANCE! Ikakasal na yang boyfriend mo. Anong gusto mo?! Pa-shot ako?! Ok lang sana e, pero hindi naman sayo ikakasal!" masakit na nga na alam kong panandalian lang itong meron samin, pero masmasakit na ipinapamukha pa sayo.
"SO WHAT?! EH ANO NGAYON KUNG HINDI NGA SYA SAKEN IKAKASAL. ANO BANG PAKE MO?! IKAW BA MAHIHIRAPAN?! IKAW BA MASASAKTAN?! IKAW BA PAG-UUSAPAN NG IBANG TAO?! IKAW BA MASISIRAAN NG PANGALAN?! HINDI NAMAN DI BA?! AKO LAHAT YUN!" and that did it, umiyak na ako. "JK.. Please naman.. Hayaan mo na lang kame.. Hayaan mo na lang ako.. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito para sa ibang tao eh.. Alam kong anjan naman kayo ni dad para saken pero sya.." sabay akap kay Toby, niyakap naman nya ako pabalik. Hinarap ko ulit si JK "he's my prince charming. Please naman JK."
Huminga sya ng malalim tapos pinikit yung mga mata nya, yung kamay nya, naka-fist pa rin. "Bahala ka kung anong gusto mong gawin.."
Nagsimula na syang maglakad palayo. Hiniwalayan ko naman yung akap ko kay Toby at hinabol si JK. "Thankyou!" niyakap ko sya habang nakatalikod sya saken
Bumuntong hininga ulit sya, pero hindi gumalaw sa posisyon namin. Akala ko haharapin na nya ako pero bigla na lang syang nagsalita, mahina pero parang naka-megaphone sya nung sinabi nya saken yun "Sa huli, ikaw din ang iiwan. Ikaw ang masasaktan. Ikaw ang kawawa. Ikaw ang masisira. Siguraduhin mong lahat ng yan, worth it sa ginagawa ninyong kalokohan ng put*ng inang tarantadong lalakeng yan"
kinalas nya yung hawak ko sa kanya tapos, tuluyan ng umalis. Si RJ naman, susundan na dapat sya pero yinakap muna ako. "Kakausapin ko sya ok? I'm sorry. He'll understand. Mahal na mahal ka nun. Sa sobrang mahal nya sayo iniisip ko incest na nga yung feelings nya eh!" natawa naman ako. "Promise Misa, i-coconvince ko sya. I love you!" and with that, sinundan na nya palabas si JK.
Si Carlo at tita Yen umakyat. Masyadong napagod ata si Tita kakaiyak! Ano ba yan! Ang dami kong kasalanan!
"I'm sorry" sabi ko kay Toby. Magkalayo pa rin kami.
"Ako nga dapat magsorry e. Totoo lahat ng sinabi ni JK. I don't deserve you" natakot ako. Oo, natakot ako. Baka dahil sa mga sinabi ni JK, hindi pa kami masyado nakakasimula, maghiwalay na kami kaagad.
"No! Gusto ko naman to eh. Tanggap ko naman. And I won't expect much from. Kahit second priority lang ako." lumapit ako sa kanya tapos yinakap sya.
Bumawi sya ng yakap at hinalikan yung noo ko. Nagkatinginan kame "I love you ok? Ikaw lang. Miranda and I.. Walang kame.. Lahat ng meron samen, scripted, planado. Walang love. Alam kong biglaan pero mahal talaga kita e. Ibang klase tama ko sayo" ngumiti na sya "ngayon pa lang, promise ko na sayo, yung puso ko iyong iyo na" napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Kaya pala nilalanggam ako kanina nung andito pa sila JK e"
Nagtaka naman sya bigla "Huh?
"Ang sweet mo eh!" tapos tumawa naman sya.
"Joke ka nga!" pilit nya bigla saken. Paanoo, kapag magkasama kame, di na ako nawalan ng joke na saksakan ng korny.
"Ayoko! Parang kanina di ako umiiyak tapos ikaw naman parang di ka nabugbog"
"Sige na!" tapos nagpout sya.
"Yuck! Itsura mo hoy! Mukha kang susong di nasipsip ng maigi!"
"Ulol! Sipsipin ko mukha moo eh!" alam naa!
"Manyak." tapos binatukan ko sya.
"Joke na ah kase.." nag-whine na sya. Ay! Parang bata.
"Oh, akina yang palad mo!" inabot naman nya saken.
"Hawakan mo ng maigi yan ha? Mundo ko yan" tapos kinuha ko yung isang kamay nya at ipinwesto na akala mo may hawak syang gamit at hawak nya ng dalawang kamay.
"Babanat ka ba o magjjoke?" ganun pa rin sya pero tinaasan na nya ako ng kilay.
"Tumahimek!" nilakihan ko sya ng mata. "Akin na nga yang mundo ko!" tapos kunwari kong kinuha at nilayo sa kanya.
"Uy! Balik mo na. Please. Akin na mundo mo" kunwari naman akong nag-isip pero binalik ko sa din sa kanya.
"Hawakan mo ng maigi ha!" bilin ko.
"Yes po. Anong gagawin ko dito?"
"hawakan mo ng maigi tapos i-shake mo" shinake naman nya. At ako etong parang tanga, kunwari na-oout of balance kase shinake nya yung mundo ko. Nag earthquake kase e!
"Psh! ang korny mo talaga" tapos natatawa-tawa sya. Pero di gaano.
"Whatever! Akin na!"
***end***
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..