Chapter XXVII

48 0 0
                                    

|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|

"Ano ba Toby?!" kanina pa kami naghihilaan ng baso.

"Anong ano ba? Eh lasing ka na nga! Anong gusto mo ako pa mismo magpainom sayo?" 

"May sinabi ba akong ganon? Tsaka laseng? Pinagsasabe mo? Baka ikaw??" tanong ko sa kanya sabay taas ng isang kilay sa kanya.

Umiling-iling sya tapos hinila ulit palayo saken yung basong iniinuman ko. "Ewan ko sayo!" tapos siya na yung uminom nung iniinom ko. INIINOM KO YUN!

 (FLIGHTLESS BIRD - IRON AND WINE)

Bumuntong hininga na lang ako. Kinuha ko yung purse ko at nag-walkout papuntang lounge. Buti na lang hindi nakatingin yung epal na yun. Umupo ako sa table sa bandang dulong likod tapos nag-order. Tinext ko si dad para kamustahin sila ni Rye. 10 na, dapat tulog na yung batang yun. Tinext ko naman sila RJ na nasa lounge ako at kung mahal nila ako wag nilang isasama si Toby.

Nakinig na lang ako sa bandang tumtutugtog para maka-relax. Alam ko tong kantang to e. Paborito ko rin to. Hahaha. Lahat na lang paborito ko. Pangarap ko kaseng maging singer dati pero frustrated singer ako hangggang ngayon.

"Ma'am yung hot choco niyo ho" nilapag nung waiter na kamukha ni Bamboo yung mug na may hot choco.

"Thanks Francisco!" tapos tumango lang siya saken.

"Andito ka lang pala e, buti na lang nakita ko si Bamboo, babatiin ko sana tapos ikaw pala yung sinerve"

Naupo siya sa upuan sa tabi ko. Ano na naman bang.. At ano?! Si Bamboo?! Yung si Francisco?!

"Si Bamboo yun!?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga" tapos ngumiting aso.

"Weh! Di nga! Eh bat nagwe-waiter na lang siya?!" 

"Trip lang" trip?! Sa dami ng pwedeng i-trip... Road trip, food trip, power trip, song trip... Magwaiter pa naisipan niyang gawin.

Di ko napansin na napalapit na pala yung katawan ko kay Toby "Luh! Di na siya kumakanta? Di na siya magcoconcert? Di na siya magbabanda? Bakit ganun?"

Bigla namang tumawa si Toby kaya napaupo ulit ako ng maayos. "Anong nakakatawa?"

Nung nahimasmasan siya, dun lang niya ako sinagot. "Slow naman ng pick up mo. Di ba yung waiter na yun? SI Francisco, kamukha ni Bamboo. Ang totoong pangalan ni Bamboo, Francisco. Simula college ang tawag na namin sa kanya Bambo."

"Ang korny naman! Dahil dun lang natawa ka na? Babaw!" eh ang korny naman talaga. Ano kaya yun?

"Slow mo lang talaga pumick-up. Ano ba yan! Akala ko pa man din matalino ka."

Ayun! Sapul. Ilang beses din ako pinagsabihan ni JK jan e. Akala matalino ako pero bakit ganyan.. Bakit ganto.. Bakit ganun... Tapos yung rason kung bat ako nasabihan ng mga yon, yun din sasabihin saken. "Akala ko din e" hindi ko maitago yung tono ng pagkainis sa boses ko.

Iniwasan ko na lang siya ng tingin tapos nagconcentrate sa panonood nung bandang tumutugtog habang umiinom ng hot choco ko.  Linshak talaga tong lalakeng to kahit kelan. "Uy, okay ka lang?"

Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay. Okay lang ba ako? Eh kayo? Kung yung ex niyo... Na nagpakabit kayo... Tapos may anak kayo... At hindi niya alam... Magiging okay lang ba kayo? Minsan talaga tong taong to, walang common sense! Tanga lang. Pero hindi nga naman niya alam na may anak kami.

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon