Chapter XX

27 0 0
                                    

 (After three years) PRESENT 

"Mhieeeeeee!" sigaw niya habang dahan dahang tumatakbo palapit saken.

"Hello, baby!" nung nakalapit na siya binuhat ko na siya pagkatapos hinalikan ko yung pisngi niya. Isang araw pa lang akong wala sa tabi niya, na-miss ko na agad siya.

"Mhie! How school?" tanong niya saken.

"Hmm.. T'was okay lang, baby. You? What did you do today?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papuntang living room. Nakita kong nandun si RJ at si JK. Haay. Pagtingin ko kay Marienne, nag-iisip siya. Yung isang kamay niya naka-ikot sa leeg ko habang yung isang kamay naka-palumbaba.

"Tito and tita taught me my name." sabay ngiti na kitang-kita yung maliliit na ngipin niya. 

Umupo ako sa couch katapat ng inuupuan nila RJ at kinandong si Marienne. "Sige nga Rye, tell me your whole name" she beemed at me tapos tumango isang beses. Huminga siya ng malalim tapos binanggit dahan-dahan ang buo nyang pangalan.

"Mah-ri-yehn... J-Jow-sh-wa... Keeeeel-beeeeee!" nung nabanggit niya na ng kumpleto yung pangalan niya, pinalakpakan niya ang yung sarili niya. 

"Ang galing naman ng baby ko" sabay halik sa pisngi niya. "What else pa did you learn today, baby?" 

Ngumiti siya pero tago yung ngipin na para bang may tinatagong sikreto.. "I saw my papa today!" nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi pa niya nakikilala o kahit man lang nakikita yung tatay niya. Ni hindi ko din nababanggit sa kanya. Tinignan ko sila RJ at JK, kapareho kong nanlaki ang mata sa sinabi ni Rye. 

                                                      ***********************************

(Three years ago)

"Misa, ok ka na ba?" tanong sa'ken ni RJ. Ever since nalaman namin na buntis ako two weeks ago, lumipat na siya dito sa apartment para samahan ako. Siya pa lang yung nakakaalam. Pinilit ko siyang wag na muna niyang babanggitin sa iba, lalo na kay JK.

Nung nakasipilyo na ako at nakapaghugas ng mukha, sinagot ko na siya "Yepp! RJ, patimpla naman ako ng milo. Tas yung kape mo ha! Sa canteen ka na lang magkape, lalo lang akong masusuka sa amoy nun e!" 

Pinuntahan niya ako sa banyo at sumandal sa door frame, "Ewan ko ba kung anong meron sa mga buntis, bat ang daming arte sa buhay" 

Inikot ko yung kamay ko sa kamay niyang nakapamewang tapos hinila na siya papuntang kusina "Ganun talaga. Ikaw din ma-eexperience mo to.. Kay JK! Ayeee" asar ko sa kanya.

"Tigilan mo ko Misa at baka hindi matuloy yan ah. Sabihin mo na kase kela tito!" ang kulit talaga. Haaaay.

Nung nakaupo na ako sa harap ng dining table habang nag-aayos si RJ ng agahan inulit ko na naman yung litanya ko sa kanya ng dalawang linggo "Di ba nga? After graduation. Sa tingin mo ba pagtatapusin nila ako kung nalaman nilang buntis ako? Hindi naman siguro masyadong mahahalata na buntis ako kapag graduation na di ba? Please. Please naman RJ." nagpout ako sa kanya.

"May magagawa pa ba ako?" umupo na siya sa tabi ko tapos kumain na kami.

                                                      ***********************************

PRESENT

"Muh-mhieeee!!!" sigaw ni Rye kaya natauhan ako. Tinignan ko siya "Hungry na." sabay pout at hawak sa tiyan niya.

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon