Chapter XXIX

24 0 0
                                    

If you're a fan, skip this. Wala lang. Papansin lang ako dun sa censored part. Mwahaha.

|ALIYAAH RIVERA CUERVA'S POINT OF VIEW|

"Pambihira!" malakas na bulong ni Carlo at dahan-dahan akong binuhat at nilapag sa couch sa living room. Hinalikan nya ulit ako bago sagutin yung door.

Tsk! Sino naman kaya yung istorbo na yun. Nakakainis. Mood killer. Tinanggal ko sa pagkaka-mute yung TV at naghanap ng pwedeng panuorin. 

"Babe.. Si TJ" rinig ko habang papasok yung magbestfriend.

"Uy! Hello Teej. Galing ng timing mo a" medyo sarcastic kong sabe sa kanya.

Nakita kong masama din ang tingin ni Carlo sa kanya. Si TJ naman napakamot na lang sa batok habang pilit na tumawa. "Sorry na. Eh.. Excited lang naman ako magkwento" 

"May magagawa pa ba kame? Oh, upo" sabe ko sa kanya habang tinuro yung space sa tabi ko gamit ng nguso ko.

Napansin kong ngumiwi sya kaya binato ko nga ng unan! "Ulol! Nabitin nga di ba? Walang dumi yan. Masmalinis pa yan sa utak mo."

Mukhang wala naman na syang magawa kaya umupo na sya. "Babe, kuha lang akong tubig ha? Anong gusto mo?" tanong ni Carlo. 

"Milk please babe!" sagot ko naman tapos nag-flying kiss.

"Huy! Tol, hindi mo ba ako tatanungin kung anong gusto ko?" 

Tinignan lang ni Carlo si TJ tapos pumunta na ng kusina. "Problema nun?" tanong ni TJ sa sarili.

"Kung ikaw ba dinistorbo namin di ka magagalit?" hinarap ko sya.

"Oo na nga!" tapos tumahimik na sya. Saktong dumating naman na si Carlo.

"Oh? Ano namang pinunta mo dito?" sumiksik si Carlo sa tabi ko kaya tumayo ako. Pero pinat nya yung lap nya kaya umupo ako dun. Hmmmmm.. Ang sweet talaga neto.. Gusto lang pala ako kandungin. Kaya ayun, kinuha ko yung dalawang kamay nya at pinalibot sa bewang ko.

"Ok na kami ni Sab" sagot ni Carlo habang umiinom. Ay. Dinalhan din pala sya ni Carlo ng tubig.

"Oh tapos?" sagot ni Carlo.

"Pare naman! Ok na kami. As in, ok na. Alam na nya na alam ko yung tungkol kay Rye. Yung divorce namin ni Miranda."

Napakunot naman ako ng noo "Kelan nangyari to?" tanong ko.

"Kanina lang? Kagagaling ko lang sa kanila bago pumunta dito. Ayaw ko pa sana umuwi pero may pasok na daw bukas si Sab e."

"Ah so sa tingin mo ako walang pasok?" 

"Liyaah.. Sorry na. Tsaka para mas worth it yung paghihintay." tumawa pa. Ay gagu!

Kaya ayun, knwento nya yung nangyari at yung kinagabihan. Pati yung mga nangyari kanina. Haaaay.. Akala ko forever ng kawawa si Misa. Tsaka kawawa naman si Rye kung forever nyang hindi kilala yung daddy nya. Pero kahit alam kong ok na lahat, bat pakiramdam ko may mali. O may mangyayaring mali. Alam nyo ba yung ganung feeling?

|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|

Miss ko na baby ko! At hindi si Toby ang tinutukoy ko. Si Marriene ang namimiss ko. Ehh.. Naiinggit ako. "Okay. Pass your papers."

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon