|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|
"JK!!!" sabay yakap ko sa kanya pagkatapos na pagkatapos kong buksan yung pinto. "Anong ginagawa mo ditoo?"
Nagbuntong hininga sya nung pinakawalan ko yung pagkayakap ko "Di mo ba ako papapasukin?" tanong nya na may halong pagka-uyam sa boses nya.
"Hihi" maloko kong tawa sa kanya at saka sya pinapasok sa loob. Tinulungan ko din syang ipasok yung mga gamit nya sa loob.
Tuwing andito si Jean Klyde, dun sya sa isang kwarto natutulog. Haaay! Ngayong andito na si JK, lagi na ring andito si RJ. Tsk. Pero at least masaya. Kahit palagi silang maingay kapag magkasama, at lagi akong inaasar, sumasaya naman ako lalo.
Umupo ako sa kama nya at hinayaan kong matumba yung pang itaas na bahagi ng katawan ko "Anong ginagawa mo dito? Alam ba ni Dad na nandito ka?" tanong ko sa kanya at isinara ang mga mata ko.
"Tss." Kahit hindi ko nakita, alam kong inirapan nya ako. Naramdaman ko ding lumubog yung kama, umupo sya sa tabi ko. "Binibisita ka. Alam ni Dad".
Nagkwentuhan kami, kung anong bago samen. Si Dad. Yung mga tao sa bahay. Kung may nililigawan sya, kung may nanliligaw saken. Syempre, kinwento ko din yung tungkol kay Toby at lalong-lalo na yung kay Carlo. Maya-maya, nakatulog na pala ako. Pagmulat ko, nakatulog na din sya. Nagulat na lang ako nung biglang may nag-doorbell at sya naman, nagising
Bumangon ako "Ang bilis naman ng balita, wala ka pang isang araw dito, alam na agad ni RJ na nandito ka" hahaha. Bigla syang napatayo at nag-ayos ng sarili. Matagal na pa lang gusto ni JK si RJ, pero di ko nababanggit sa kanila na gusto nila ang isa't-isa. Pinapanood ko lang syang magpagwapo. Hahahaha.
"Tama na! Malalagas na yan" sabi ko habang walang tigil nyang nilalagyan ng hair moose yung buhok nya at inaayos sa kung saan sa tingin nya ay gwapo sya.
Tinignan nya ako ng masama at sinabihan na sagutin na lang yung pintuan.
Magsasalita na sana ako pagkabukas ko ng pinto pero ibang mukha yung bumungad sa harap ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Titignan ko lang sa--"
"Sab! Wala na bang ibang shampoo?" pagtingin ko sa likod, si JK, walang pangtaas. Yung pantalon lang suot nya. Pagbalik ko ng tingin ko kay Toby, kumunot yung noo at tinanong si JK.
"Sino ka?"
-----------------------
|TOBY JOSHUA KILBY'S POINT OF VIEW|
"Sino ka?", tanong ko sa lalaking nasa likod ni Sabrina na walang pangtaas. Hoo! Hanep!
"Eh ikaw? Sino ka?" lumapit sya tapos umakbay sya kay Misa. Nagtaas pa ng kilay na akala mo kung sino. Tsh. Akala mo kung sinong maganda yung katawan. Edi sya na may pandesal sa katawan! Sus ak-- Huh? Umakbay?! Tinignan ko ulit dalawang taong nasaharap ko. Tama nga yung nakita ko, nakaakbay sya kay Misa. Naguguluhan ako. Bat sya nakaakbay kay Misa na wala pang damit pangtaas? Sino ba to? Ano sila? Anong meron? Akala ko ba wala syang boyfriend? Eh, sigurado ba akong boyfr--
"Huy Toby! Sabi ko si Jean Klyde" rinig kong sabi ni Misa.
Pagtingin ko, inaabot ni Jean Klyde yung kamay nya saken. Para siguro makipagkamayan. At kakaiba yung ngiti nya. Ngiting nakakaloko. Ngiting may ibig sabihin.
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..