Chapter XII

35 0 0
                                    

|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW| 

Ok. Ok. Ok. Exams. Last day  kanina ng prelim exams. Madali lang naman yung mga exam e.. SANA! Kung di pala panay date ang inatupag ko. Tsaka napadalas na din kase yung pagsama namin ni Carlo. Madalas nga din sya tumambay sa bahay e. Tapos close na din sila ni JK!!! 

And speaking of...

"Sab! Si RJ ba dito kakain?" eto na naman po tayo..

"Talaga? Tinatanong mo saken yan?" tinignan ko na sya habang nakatayo sya sa pintuan ko.

"Naniniguro lang!" 

"K." tapos nahiga na lang ulit ako at sinaksak yung earphones sa teanga ko. Ewan ko ba dun sa dalawang yun. Uso pa ba yun sa edad nila?! 20 at 21 years old, may M.U. M.U pang nalalaman! Buti pa nga sila e nagkikita. Palibhasa yung si Toby di na nagpakita saken. Kinukulit ko sya KUNWARI kung sino yung susunod ko na date, lagi lang nyang sinasabi wala na daw syang kilala. Bwiset! Tapos kapag pupuntahan ko sya sa condo nya, si Miranda laging andun! Nakakainis!

|CARLO MIGUEL CUERVA'S POINT OF VIEW|

"Toby, puntahan mo na lang kasi sya" two weeks na after nung "date" namin ni Isabel. After nun, di na nagpakita tong mokong na to kay Sasa.

"Tol, bakit pa? Ok naman na kayo di ba? Problem solved na tol!" problem solved daw! Ang laking problema nga neto e.

"Labo mo naman e! Problem solved pero ganyan ka. Pati saken umiiwas ka. Ano bang meron?" hahaha. Kunware na lang di ko alam. Tsk! Eto na nga ba sinasabi ko e. Manhid at torpe.

"Tss. Akala mo lang yun. Tsaka, malamang, binibigyan ko kayo ng oras. Alangang umepal pa ko" umupo na sya sa sofa.

"Salamat ha?" umupo ako sa tabi nya at tinapik yung balikat nya "Pero sobra na yung oras na binigay mo. OA na nga e. Kulang na lang patirahin mo ko dun sa kanila kakaiwas mo saken. Alam mo namang ayaw kong umuuwi samen tapos kapag pupunta ako dito, laging anjan si Miranda" di ba? Alangang ako naman yung umextra sa kanila.

"Dun ka kay Tita Cheyenne" pinapaalis na ako!

"Nakakahiya na!" kunwari lang yan, Dun pa rin ako kay Tita Yen tumutuloy. Hahaha. Syempre, tactics!

"San banda tol?" tapos kunwaro pa syang naghahanap

"Ulol! Sige na kaseeee... Joshuaaaa.." pikit sabay kindat.

"P*ta! Bading. Huy! Umayos ka nga." eto kase ayaw neto e.

"Babee.. Please.." tinaasan ko yung boses tapos kumapit ako sa kamay nya at hinaplos yung braso nya.

"T*ngina! Dugyot!" sabay tanggal ng pagkakapit ko sa kanya. 

"Babe naman.." kumapit ulit ako sa braso nya. Oy! Di ako bakla ha? Para lang mapilit ko sya. Tsaka may bakla pa to saken. Lalong lalo na sa text. 

"Bume-babe pa amp*ta. Oo na, tigilan mo na lang yan!" tumayo na sya tapos pumasok sa kwarto nya. Para siguro maligo at magpalit? Pinapapunta kame ni Tita Yen sa bahay nya eh. Kaming tatlo. Hahaha. Basagan na naman to ng puso. T*ngina nga naman oh!

|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW| 

Ok. Ako na ang O.P. Shet. Naglalampungan yung dalawa sa harap ng pagkain. Hindi ba masama yun? Pero ano pa nga bang magagawa ko? Edi kumain at manuod ng live show. Hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Anime. Wala naman akong alam dun. Tsaka, ang tanda na nila nanunuod pa rin sila ng cartoons?!

**BZZT! BZZT**

Kinuha ko yung phone sa bulsa ko tapos in-open yung message.

From: Carlo Cuerva

Huy! Busy ka ba? Labas tayo.

Eh? Anong oras na kaya! 

To: Carlo Cuerva

Late mo mag-alok. Anong oras na din o.

Send! Kain na lang ulit ako.. Bigla namang nagvibrate dire-diretso yung cellphone ko. Ay peste!

Umalis ako saglit sa harap ng kainan kase, masama yung di ba? Ewan. Yun naman sabi nila. Hahaha. Wala namang mawawala kung susundan ko e. 

"Hello?!"

"Sama ka na. Ang KJ mo naman e" ako pang KJ.

"Nakakatamad, tsaka, anong oras na din oh!" ayaw ko namang pag-alalahanin si Dad. Syempre, kahit malayo sya nagpapaalam pa rin ako sa kanya no.

"Sige na! Kakain lang naman tayo e. Tsaka alam kong OP ka jan sa dalawa. Anjan ulit si RJ di ba? Sige na kase." ay wow! Memorize?

"Oo na. Pero kumain na ako ha? Maaga nagluto si JK e. Daanan mo na lang ako dito"

"Ok. Bye!" tapos binabaan na ako. Ako naman itong si uto-utong inubos na yung pagkain, naligo, nag-ayos tapos nagpalit. Nagpaalam na din ako kay dad.

Nung natapos ko na lahat gawin yun, dun lang napansin nung dalawa na aalis pala ako. Ang attentive! Grabe. "San lakad?" tanong ni JK. 

"Lalabas malamang." tumabi na ako sa kanila. Nanunuod sila ng anime! Jusmeyo! 

"San sa labas? Sinong kasama mo? Anong oras ka uuwi?" daig pa si dad. Hanep! Palibhasa ang sabi lang saken ni dad ingat, wag ka masyadong papagabi. Pahatid ka na lang sa kaibigan mo kung pwede.

"Si Carlo po, tapos ewan na" kinuha ko yung remote nung biglang inagaw saken ni RJ.

"Wag mo papakelaman! Yan na yung malalaman ni Light na may Shinigami eyes si Misa!" Misa? Ako yun ah!

"Pwede namang i-rewind!" sita ko.

"Misa! Anong oras ka uuwi?" tanong ulit ni JK na seryoso yung mukha. Uh-oh! 

"Hindi ko nga alam. Si Carlo naman kasama ko eh" kilala naman nya si Carlo. Close pa nga sila di ba?

"Oh tapos? Ex mo yun!" 

"Anong gusto mong sabihin?" loko to ah!

"Na ex mo sya" 

"Naman pala eh! Ex na nga di ba? Ibig sabihin, tapos na, past. NA-PAG-SA-WA-AN-NA!" mwahaha.

"Ano?!" Galit na yung itsura nya. 

"Napagsawaan ng mahalin! Utak po natin"

"Tss.. Tinanong lang kita ulit"

"Sinabi ko lang naman yung utak natin a" tapos ngumiti ako. Hehehe.

"Umayos ka nga Sabrina, batukan kita jan e!"

"Aba! Ikaw ang umayos! Maiiwan kayong dalawa dito mamaya. Gabi pa. Umuulan pa oh." pang-aasar ko. Eheeeeeee... Talo pikon. Pano, namula si JK! Tapos si RJ naman nag-sink sa lugar nya. 

"Umalis ka na nga! Ang tagal naman ng sundo mo! Mambbwiset ka lang dito e" badtrip na sya. Hahaha. Huli. Pero may tiwala naman ako jan e. Isa sa mga bagay na tinuro samen ni Dad eh yung respeto,

Sakto din namang bumusina na si Carlo. Kinuha ko lang yung susi ko sa apartment, yung phone ko at yung wallet ko. Di ako mahilig magbag e. Binuksan ko na yung pinto palabas, pero binalikan ko muna ng tingin yung dalawa "Kids.. BEEHAAAAAAAAAAAAAAAAVE" tapos lumabas na ako ng tumatawa. AHAHAHAHAH.

Paglapit ko sa sasakyan ni Carlo, bubuksan ko na sana yung passenger's seat sa harap nung biglang bumaba yung bintana. Sorry naman, tinted e. May tao pala.

"Dun ka sa likod" Eh??  

***end***

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon