|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|
Nasan ako?? Luh! Hindi ko to kama. Hindi ko to kwarto... At lalong hindi ko to damit!
"Daaaaaaaaaaaad?!" napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit.
"Sab? Ok ka lang ba?" nanlaki yung mata ko nung nakita ko kung sino yung nagbukas ng pinto.
"You!" kahit masakit yung ulo ko pinilit kong umupo sa pagkakahiga ko at tinuro sya. "Anong ginawa mo saken? Where am I?" sabay takip sa katawan ko gamit ng kumot.
Napataas ng kilay si Toby saken. Ngayon ko lang napansin naka-boxers lang sya at sando. Lumapit sya at tumayo sa tabi ko tapos...
"ANO BA!?! Masakit na nga yung ulo ko e!!!" sigaw ko tapos hinawakan ko yung ulo ko. Yung bandang binatukan niya.
"Ang aga-aga nag-iinarte ka. Akala mo naman ikaw lang tong masakit ang ulo no" tapos tumabi na sya sa tabi ko.
"Eh bat ganito suot ko? Shirt mo to di ba? Ang sabe mo saken may damit akong pwedeng mahiram ni tita Yen? Tsaka... Ano bang nangyare kagabe?"
Napakunot naman sya ng noo "Wala kang maalala?"
Tinignan ko lang sya habang minamasahe yung ulo ko "Magtatanong ba ako kung meron?"
Ngumiti naman siya ng pang-gagu. "Isipin mo nga Sab.. Yang suot mo, tong suot ko. Lasing tayong dalawa kagabe"
Nanlaki naman yung mata ko at napatigil ako sa pagmasahe sa ulo ko at hinigpitan ang kapit sa kumot. Napayuko ako at inisip ulit lahat ng nangyari kagabe. Ang naalala ko lang, after namin magkape sa lounge bumalik kame sa bar tapos.. Tapos... Nag-inuman kasama sila Carlo at si Mathan. Napakunot ulit ako ng ulo.. Wala talaga akong maalala!
"Hahahahaha-- aray!"
Buti nga "Anong nakakatawa?"
"Bat ka nanununtok?"
"Ano nga kaseng nakakatawa?"
"Wala! Eh bat ka nanununtok?"
"Wala lang! Bawal ba!?"
"Oo"
"Sabe nino?"
"Ten commandments. Constitution"
"Nerd"
"Nagsalita"
"Pake mo ba?"
"Madami"
"Tssss"
Tapos natahimik na kaming dalawa. Nakatingin lang kameng dalawa sa pintuan pero sinisilip-silip ko sya konti. Bumuntong hininga ako tsaka nagsalita. "Meron talagang nangyare?
Tumingin sya saken ng seryoso ang mukha "Wala. I respect you, Sab. Hindi mo lang alam kung gano kalaki ang respeto ko sayo."
"Eh bat mo sinabeng meron?!" nanlaki yung mata ko.
"Trip lang"
"Bwisit!"
"May sinasabe ka?"
"Wala"
"Ok. Kain ka na"
Tumaya na siya at palabas na ng kwarto pero tinawag ko sya "Toby" napalingon sya saken "may..." huminga ako ng malalim. "May pag-uusapan tayo?" tanong ko sa kanya ng mahina.
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..