Impt: This is chapter XIII, but in Toby/TJ's POV :)
|TOBY JOSHUA KILBY'S POINT OF VIEW|
"Dun ka sa likod" G*go din tong si Carlo eh no. Nanadya. Pero ba't naman sya mananadya? Hindi naman dapat ako naapektuhan di ba? Tsk.
Ayun, naupo sya sa likod at padabog na sinara yung pinto. Buti na lang hindi ko kotse yung ginamit, may lahing amazona din yang babaeng yan e. Badtrip talaga. Kung alam ko lang na pati tong si Sab pinapapunta ni mimi eh di hindi na lang sana ako sumama.
Buong byahe, silang dalawa lang nag-usap. Kapag kakausapin ako ni Sabrina, isang tanong isang sagot lang makukuha nya. Eh sa ayaw ko syang kausapin e. Nabbwiset ako.
Parang nungg tinanong nya kung bat di na daw ako dumadaan sa apartment nya, ang sagot ko lang 'busy". Totoo naman e, medyo. Try nyo ngang pang-gabi klase nyo, tignan natin kung di kayo mhrapan.
Nung nakarating na kami sa bahay ni mimi, edi yun! Talo pa ang radar ng Globe, lumabas na si mimi. "TJ! Buti naman naisipan mong pumunta!" sabay hug saken. Alangan namang tanggihan ko pa. Hinug ko din sya, tapos hinalikan sa pisnge. Di nyo lang alam, etong babaeng to ang nagpalaki saken. Kumalas kaming dalawa sa pagkakayakap tapos binati din nya si Carlo. Nung kumalas na din sila, dun lang nya napansin si Sabrina. Mwahaha. Biglang namutla si Sab, pano, in-up and down ni mimi.
"Tita Yen, yan pala si Isabel" pakilala ni Carlo sa kanya. "Isabel, si Tita Yen. Yung nagpalaki dito kay Toby". Nung nalaman ni mimi kung sino yung babaeng kasama namin, biglang nag-iba yung timpla ng mukha. Biglang sumaya na ewan na aaliw. Aning talaga. Bigla-bigla na lang yinakap si Sabrina.
"Good evening po." bati ni Sab kay mimi tapos nagmano. Wow! Eto ba talaga yung babaeng masungit na nagger na ma-- maingay?!
"Ikaw pala si Isabel! Yung kinkwento ni Carlo at ni netong si TJ" nanlaglag pa. Di ba sabi ko si Tita Yen nagpalaki saken? Oo nga, kaya nga close kami. Alam nyan lahat ng sikreto ko. Lahat sinasabi ko, maliban lang sa ginagawa kong pagdadasal kasama ang mga babae. HAHAHAHAHA. Naalala ko dati nung may nakita syang condom sa bulsa ng pantalon ko, nagkunwari pang aatakihin sa puso. Ang OA. Paano, yung baby boy daw nya... Siiyett! Tsk! Ngumingiti na naman akong parang engot. -.-
"O sya. Pasok na kayo. Malapit na maluto yung dinner." Naglalakad na sya papasok tapos... "At ikaw TJ, ngumiti ka nga jan. Nakabasungot ka. Ang pangit pangit mo." sabay batok saken! Namumuro na, tsaka, makadugo kaya tayo! Kung pangit ako, edi malamang may pinagmanahan yan.
"Mimi naman ehhh.." reklamo ko. Sumabay na sya sakin na maglakad. Nasa likod namin si Carlo at si Sab.
"Anong mimi mimi ka jan! Tanda mo na, mimi pa rin tawag mo saken."
"Ayaw mo yun? Buti nga mag nagtatawag pa sayong ganyan kahit old lady ka na"
"Anong old lady ka jan!" sabay kurot ng tagiliran ko. "Pero sige, pagbibigyan kita. Andito kasi si Sabrina" tapos ngumiti sya na kulang na lang mapunit mukha nya.
Tinaasan ko sya ng kilay "Oh ano naman ngayon?"
"Hay nako TJ, saken ka pa mag-iinarte ng ganyan"
"Hindi ako nag-iinarte. Ano naman ngay--" hindi na nya ako pinatapos -.- pumwesto na sya sa kabisera tapos pinaupo si Sabrina sa tabi ni Carlo, tapos ako naman nasa harap nya.
"TJ, dasal ka na" Hay!!!
Ano pa nga bang magagawa ko kundi magdasal. Kahit naman ganito ako, di ko sinusuway yung iba, uulitin ko, yung iba lang na pangaral saken ni mimi. Syempre, lalake din ako nuh! Tsaka, di ko din kayang sumuway ng sobra kay mimi, mahal ko e! Sya nga nagpalaki saken di ba? Sya na yung nanay at tatay ko. Mas matagal ko pa nga syang nakasama buong buhay ko kesa sa totoo kong magulang.
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..