Gegerahin ko sana si RJ pero naalala ko, hindi ko pala sya classmate ng research. Ibang class sya napunta. Eto pa yung last subject ko, hindi ko pa dala yung phone ko. Naiwan ko sa apartment. Nakinig na lang ako sa prof namin at nagnotes. Nung natapos na yung class, mejo nahuli ako sa paglabas ng room dahil kinausap pa ako ng prof, hindi ko naman na daw kailangan magresearch dahil nanalo na yung research project ko last year sa Regional Science Fair. Pero ayoko naman maging madaya, sabi ko na lang na ok lang, para din hindi sayang yung tuition. Haha.
Paglabas ko ng room..
Sh*t! Anong ginagawa nya dito?
Tapos naalala ko..
"Sunduin kita mamaya okay?"
"Sunduin kita mamaya okay?"
"Sunduin kita mamaya okay?"
"Sunduin kita mamaya okay?"
"Sunduin kita mamaya okay?"
Akala ko joke? At pano naman nya nalaman yung sched ko?! Iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya bago pa nya ako mahuli na nakita ko sya. Tama! Kunwari na lang hindi ko sya nakita. Diniretso ko yung tingin ko at naglakad. Naglakad. Naglakad. Mukhang di nya napansin na nalagpasan ko na sya. O, feeling lang ako? Feeling ko naman sinusundo nya talaga ako. Tsk. Assumera.
"Bat di mo man lang ako tinawag?" ay! Anak ng tipaklong.
"Para kang pimple!" napatalon ako sa sobrang gulat.
"Bakit? Kasi, in love ka?" super smile. Infairness, and cute nyang magsmile, may dimples. Pero..
"HIndi! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot! Pwede na ba? Uuwi na ako" kinuha ko na yung gamit ko sa kanya habang.. distracted pa sya.
"T*ngin*! Misa!!!" sigaw nya saken na may halong sakit sa boses nya.
*************************************
Pagkarating ko sa bahay, ang una kong ay buksan yung cellphone ko, baka kasi may text ang dad o si Klyde. Lagi pa namang nag-aalala yung dalawang yun saken kahit na wala naman dapat ipag-alala.
**BEEP!**
**BEEP!**
**BEEP!**
**BEEP!**
**BEEP!**
**BEEP!**
**BEEP!**
Dire-direstong dumating yung mga text saken. May isa galing kay dad, isa galing kay RJ, tatlo galing kay Klyde at ang pinakamasahol sa lahat ng nagtext eh yung bwiset na text ng text kanina na si TJ pala.. 10 messages!!!
Una kong binuksan yung text ni dad
From: Dad Hello baby. How are you? Bibisita daw jan si Klyde next week.
WAAAAAAAAAAAAH!!!! Yehey!!! Nagpindot-pindot pa ako para maka-reply agad kay dad.
To: Dad
Hey dad, ok po and sorry ngayon lang. Nalimutan ko dito sa apartment phone ko. Love you, dad!
Send!
Next naman na binuksan ko eh yung messges ni Klyde. Sabi lang nya na pupuntahan nga daw nya ako dito next week gaya ng sabi ni dad tapos bat di daw ako nagrereply at bakit patay daw cellphone ko! Ok! Siya na ang kuya. Yung message naman ni RJ, tinatanong lang ako kung ano daw ginawa ko kay TJ at galit na galit na hinahanap ako. Sabi ko na lang nasuntok ko sya ng di sinasadya. Nung bubksan ko na yung mga messages ni TJ..
+639********* calling...
"Ano na naman bang kailangan mo?!"
"Ikaw pa talaga may ganang manigaw eh no?"
"Aba, ikaw tong text ng text at tatawag-tawag para mang-istorbo, di malamang, ako talaga may ganang manigaw"
"Ayos ka din eh! Sira ulo ka din e"
"Ulol! Ako pa sira ulo ngayon. Anong kailangan mo?"
"Bat mo ko tinuhod?!" maslalong tumaas yung boses nya, galit nga sya.
"Kase kaya ko, at gusto ko. Pake mo?!" napapataas pa kilay ko kahit wala naman sya sa harap ko.
"Malaki pake ko, paano na lang yung future ko?!"
"Di ko na problema yun. ANo? Yun lang ba? Ibaba ko na"
"Hindi pa." biglang naging nakakaloko yung boses nya.. at sakto namann may kumatok sa pintuan ko.
"Ano pang kailangan mo? Dalian mo kasi may bisita pa ako!" naglalakad na ako papunta sa pintuan papasok ng unit ko
Pagbukas ko...
"Date.. Tara!" bago pa ako nakapagreact, hinihila na nya ako palabas ng apartment na yung cellphone ko nasa tenga ko pa. Nung nakarecover na ako..
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" hinila ko paalis sa hawak nya yung kamay ko. Masakit, pero mas-ok na yung kesa naman hawak nya ako.
Kinuha nya ulit yung kamay ko "Hindi pwede, kailangan mong makipagdate saken"
Binawi ko ulit yung kamay ko, ang sakit na talaga "Bat ko naman gagawin yun?!"
"Para makabawi sa ginawa mo saken" hinawakan nya ulit yung kamay ko at hinawakan ng maigi.. Hindi, mahigpit. Alam kong kapag hinila ko pabalik yung kamay ko, sobrang sakit na.
"Di ko na kasalanan yun! Alam mo, ikaw? Ang FC mo din kase e." tinuro ko sya gamit ng isa kong kamay "wala pa tayong sampung oras na magkakilala alam mo na buong pangalan ko, number ko, schedule ko at ang pinakamalupet sa lahat, alam mo kung san ako nakatira. Stalker ka ba??" tinaasan ko sya ng kilay "At pwede ba? yung kamay ko?!" tinignan ko yung kamay kong hawak nya. Binitawan naman nya sa wakas.
"Kaya walang tumatagal sayo! Tss.. Kaya pala nangaliwa si Carlo e. Ni isang hibla ng landi dyan sa katawan mo, wala ka!"
Anak ng..
"Anong sabi mo?" medyo nanghina ako, parang naging jelly-ace yung tuhod ko sa sinabi nya.. Anong ibig sabihin nya.. At yung tungkol kay Carlo..
Linapit nya yung mukha nya saken, buti na lang walang masyadong tao dito ngayon, karamihan siguro may klase pa o nasa trabaho pa. "Ang sabi ko..." humakbang ulit sya palapit saken "Buti na lang, natauhan yung kaibigan ko sayo.." humakbang ulit sya at yumuko, kaya ngayon, magkalapit na magkalapit na yung mukha namin.. Ang bango nya, ang kinis pa ng mukha nya.. Gwapo nga sya.. "at buti na lang, niloko ka nya" mahina yung pagkakasabi nya, pabulong na lang pero parang sigaw yung narinig ko sa mga salitang sinabi nya..
**end**
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomantikTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..