|TOBY JOSHUA KILBY'S POINT OF VIEW|
"Dad, pupunta ba kayo sa flower shop ngayon?" hindi ko alam bat ko pa tinatanong, wala namang nagbago dun. Ever since na nalaman nilang may anak kame ni Ysa lage na nilang pinupuntahan si Marienne(?), ano ba yan! Di ko pa sigurado kung anong pangalan ng anak ko!
"Oo, sasama ka na ba this time?"
"Di na muna, dad." pinatong ko yung siko ko sa paa ko tapos hinilamos yung mukha ko gamit ng mga kamay ko.
"Hijo, kelan mo ba balak magpakita sa mag-ina mo?" umupo sa tabi ko si dad.
"Hindi ko rin ho alam. Natatakot ako, dad. Iniwan ko na lang ng ganun-ganun si Sab. Ni hindi nga ako nakapagpaalam ng maayos e."
"Sinubukan mo naman siyang puntahan di ba? Pero siya na mismo yung umiwas." inakbayan ako ni dad "Ang importante, sinubukan mo"
Napailing ako "Hindi dad e. Sinubukan ko pero hindi ko ginawa yung pinaka kaya ko. Hindi ko man lang tinignan kung ok lang ba siya? Ni minsan, hindi ko tinanong kela Carlo kung kamusta na siya o kahit man lang may balita na sa kanya"
"Hindi mo kasalanan, TJ. Nasa ibang bansa ka na nun. May asawa. Inaalagaan mo yung asawa mo."
"Dad, three years! Halos three years lang akong nawala. Ni hindi ko man lang nalaman na may anak ako. Tinago mo saken, ni mom, ni mimi, nila Carlo. Lahat kayo alam ninyo maliban saken. Alam ninyong may anak AKO."
Bunumuntong hininga si dad tapos tinapik yung balikat ko "For all it's worth.. Nirespeto lang namin yung gusto ni Sabrina. Binilin niya kay Cheyenne na wag na ipaalam sayo. It was her decison, son."
Sumandal ako sa sofa at pinatong yung ulo ko dun at pumikit. "Una na kami, TJ. Nasa office na yung mom mo. Dadaan pa kami sa hotel mamaya."
Nung feeling kong malapit ng lumabas si dad ng bahay, nagsalita siya "Subukan mo lang dumaan dun, TJ. She's beautiful you know."
*************************
"TJ" nilapag ko yung mga tinitignan kong floor plans sa office desk ko tapos hinilamos yung mukha ko gamit ng kamay ko. Ano na naman ginagawa niya dito?
"Di ba sabi ko dadaan ako sa inyo mamaya? I just need to study these. Pinapagod mo lang sarili mo e" sabay kuha ng isang papel para makita niya.
Naglakad siya papunta sa harap ng desk at umupo sa isang upuan na nasa harap. "I want to go to another gynecologist."
Huminga ako ng malalim at hinawakan yung kamay niya na nasa table "Miranda, tama na. Please. I'm begging you. Alam kong pagod ka na, wag mo ng ipilit."
"It's not that easy, TJ. You want a child. I'll give you one. Anything. But don't leave me. Kung wala talaga, we can adopt."
"Hindi lang naman yun, Miranda. I love you. I do. I care for you, so much. Pero as a friend lang talaga. A good friend. Maybe even my bestfriend. I'm so sorry. God knows I tried so hard for us to be more, but I can't. My heart won't."
May tumulo ng luha kay Miranda. "I know. Pero ako din Teej e. I can't. I can't let you go."
Tinanggal ko yung hawak ko sa kamay niya tapos naglakad papunta sa kanya. Umupo ako tapos hinawakan yung pisngi niya. "I won't leave you. Kahit naman mag-divorce tayo, I'll still take care of you. Pero, Miranda, my daughter needs me. Si Sab, she needs me. Kahit hindi niya sabihin, I know they do. I can't imagine MY family without me."
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..