Chapter XXXII

29 0 0
                                    

|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW| 

Kakatapos ng final exams namin last week kaya andito kami ulit... ngayon.. sa resto ni Yen. Medyo ok na si dad at si Toby. Mejo, hindi pa ok na ok. Si dad kasi ang tigas ng ulo. Gusto na kami ipakasal ni Toby eh hindi pa nga pwede. Alam na din nya yung tungkol kay Miranda. Hindi nga sya masaya e. Syempre, sino naman magulang ang magiging masaya kapag nalaman mong yung anak mo e kerida! 

"Oh, anjan ka lang pala, batang to talaga. Kanina ka pa hinahanap nila Mark dun ah" lumapit saken si tita Yen.

Humarap ako kay tita "Tita--"

"Misa, ilang beses ko na ba sinabe sayo na mimi na rin ang itawag mo saken?"

Napairap na naman ako ng wala sa oras. Ilang beses na nya pinipilit saken na yung 'mimi' na tawag sa kanya ni Toby e, yun na din ang itawag ko! "Tita! Ayoko. Ang kulit naman e, tsaka ang baduy nun tita! Tshh. Kaya may pagkaisip pa yung alaga nyo kasi kinukunsinti nyo e"

"Aba 'tong babaeng 'to! Kung ayaw mo di wag, di na kita pipilitin" tapos ng.. POUT! Jusko! Tutubuan na ata ako ng white hair kay tita! Dinaig pa si Rye!

"Tita naman e!" tapos inakbayan ko sya "Wag ka ngang nagpa-pout, ano ka? May PeterPan Syndrome? Tsaka mamaya na ako papasok, kinakabahan pa ako"

Humarap saken si tita na biglang seryoso ang mukha "Misa, magugustuhan ka nila, ano ka ba? Sa tingin mo ba hahanapin ka nila ng halos three years tapos hindi ka pa nila magustuhan?"

Oo nga pala, alam ko na na sila yung suking bumibili kay dad sa flower shop. Astig nga yung mag-asawang yun e, araw-araw bumibili ng bouquet para lang makita si Rye. Wala pang tulong kay tita Yen yun ah! Tapos naitago din nila kay Toby. "Pero tita, hindi ko maiwasang maisip na may galit sila saken kasi hindi ko pinaalam sa kanila at kay Toby yungg tungkol kay Rye"

"Ano ka ba, naintindihan nila yun. Tsaka nakita naman nila kung paano mo pinalaki si Rye. Tignan mo nga yung batang yun, lahat ata ng tao kinakausap at lahat napapansin. Ang tali-talino pa. At sa edad nyang yun, ang daming naiintindihan. Tinanggap kaagad si Toby at sila Mark at Sab."

"Kayo nila dad yun, tita no!"

"Ewan ko sayo. Papasok na muna ako, balik ka na dun kaagad ha?"

"Oks tita!"

                                                       ****************************

Nasa gitna kami ng kain nung biglang may pumasok... Bigla naman napatayo si Toby at si Sye, pinsan ko sa side ni mom na umuwi galing sa Ireland.

"What are you doing here?" sabi ni Toby at kasabay nya si Sye na nagsabi naman ng, "Miranda, is that you?" eh? Paano sila magkakilala?

"Sier?" tinignan naman ni Miranda ng maigi si Sye. Nung nasigurado nyang siya nga yun, biglang nag-iba yung timpla ng mukha nya. Parang nanlambot sya. Maybe it was just for a second or two, pero I swear, nakita ko yung longing sa tingin nya sa pinsan ko. Hmmm.. I smell something fishy.

"Jo, what are you doing here?" lumapit si Sye sa kanya, si Toby naman papasukan na ng lamok yung bunganga. Halata rin sa tingin nya yung gulat at.... Pagka-amaze? Baka nakita din nya yung nakita ko kay Miranda.

Umiwas si Miranda nung malapit na malapit na si Sier sa kanya. "Jo.."

Napansin kong tumingin si Miranda kay Toby.. Teka nga! Bat ba Jo ang tawag nya kay Miranda?? Parang natauhan si Toby at biglang lumapit kay Sier. "Tol, leave her alone"

"Bro, wag kang mangealam, this is between her and me. Di porke ikaw ang tatay ng pamangkin ko, pwede ka na rin mangealam sa buhay namin"

"It might be between you and her but she's still my wife" Ouch! Ang sakit. Naramdaman ko yung tingin nila dad saken. Hindi ko sila pinansin. 

"Wa-wife?" naguguluhan na tanong ni Sye at tumingin saken na parang sinasabe nyang 'anong pinagsasabe ng lalakeng to? Asawa? Sira ka na ba? Gagaya ka ba kay tita?'. Tinignan ko saglit si Rye na tahimik na pinapakin ni JK habang halatang nakikichismis din.

Hinawakan ni Toby yung braso ni Miranda na parang saglit na lang e bibigay na sya at matutumba. "Yes, wife. You either sit and continue eating lunch or leave" Napansin ko yung pagka-protective ni Toby kay Miranda at ngayon ko pa lang nakita si Miranda na ganyan yung itsura. Parang hinang-hina at parang nakakita ng multo.

Humarap saken si Sye at biglang tinuro sila Miranda at Toby "Misa! Wife? You're boyfriend has a wife? Anong ginagawa mo jan? Why aren't you getting angry at him. Ni hindi mo ba sisigawan yang boyfriend mo?"

Gusto kong magalit sa kanila pero na-stuck ako lugar ko. "Hey! Don't shout at her! You think I'd invite my wife to my girlfriend's lunch date? With our families?"

"Tsh. Eh bro, sinong nag-imbita kay Jo? Si Misa?" humarap si Sye kay Miranda at hinila yung kabilang braso nya. Naghihilaan silang dalawa pero si Miranda, tahimik lang na nakatingin sa baba at umiiyak.

Dun ako natauhan. Tumayo ako at hinila si Miranda sa kanilang dalawa at dinala sya sa office ni tita Yen. "Misa, masakit" sabi nya

Hindi ko na napigilan at sinampal ko sya "Anong iniinarte mong masakit?! Kulang pa nga yan e. At anong ginagawa mo dito at paano ka nakilala ni Sye?"

Umiiyak lang sya, ngayon hindi na tahimik, talagang iyak na iyak na parang pusang kinakatay. "Sumagot ka! Anong ginagawa mo dito? You caused a seen para ano? Kaawaan ka namin at i-convince ako na iwan na naman ulit si Toby?!"

Umiling-iling sya na umiiyak. Yung dalawang kamay nya at takip na yung mukha nya. "EXPLAIN!!! WAG KANG UMIYAK AT I-EXPLAIN MO!"

Nung hindi pa din sya tumahimik, nawala na lahat ng pasensya ko at hinablot yung buhok nya. "HINDI KA BA TITIGIL SA KAIIYAK?! HA?! PINAHIYA MO AKO SA BUONG PAMILYA NAMIN NI TOBY TAPOS ANG GAGAWIN MO LANG JAN IIYAK?! P*TANG*NA NAMAN PALA, MIRANDA E!"

Parang natauhan ata siya kasi bigla nya din akong sinabunutan at sinigawan "HOW DARE YOU JUDGE ME! YOU DON'T KNOW MY F*CKIN' STORY KAYA WAG KANG MANGHUSGA! AND I WAS INVITED BY TITA YEN!"

"AS IF NAMANG MANINIWALA AKO SAYO!" kumalas ako sa hawak ko sa buhok nya at pilit na tinanggal yung kapit nya sa buhok ko.

"TSH! EH PAANO MO KILALA SI SIER? HOW DO YOU KNOW MY COUSIN?!"

Bigla syang napatigil sa sabunot nya saken at tinignan ako ng maigi "Cousin? Sier is your cousin?" tapos tumawa sya ng parang baliw ng ang tagal-tagal tapos bigla syang umiyak ulit na parang baby. Natatakot na ako, baliw nga ata to. 

"Huy! Miranda? Okay ka lang?" habang kinakalbit ko sya. 

Tinignan nya ako "I'll f*ckin' sign the divorce papers"

***end***

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon