|ALIYAAH RIVERA CUERVA'S POINT OF VIEW|
"Toby" napatingin naman ako sa direksyon na tinititigan ni Ysa. Saktong-saktong humarap yung mag-asawang kausap ni Dr. Morales.
Banal na tae ng kabayo!! Sila nga. Si TJ at si Miranbitch. Anong gagawin ko?! Shit! Shit! Ugh.. Tumingin-tingin ako sa paligid ko na parang may makikita ako para ma-distract si Ysa.
Pagbalik ko ng tingin dun sa mag-asawa.. LUUUH!!!!!!!! Palapit sila papunta samen. Omigad!! "Sabrina?" biglang lumapit na lapit si TJ samen.
"Oh, hello A--" anak talaga ng hipon tong babaeng to ibubuko pa ako..
"Ah, hello. I'm Aliyaah. Friend nitong si... Sabrina?" putol kong sagot kay Miranbitch. Napataas naman siya ng kilay tapos nag-smirk.
Siniko ko naman si Ysa "Uh, yeah. Liyaah, si Tob-- I mean TJ tas si Miranda.. Guys, friend ko si Liyaah" sagot niya. Woooooooooooo! Buti na lang hindi niya naisip kung ba't hindi ko kilala tong dalawang to palibhasa asawa ko yung bestfriend ni TJ.
"Hello?" tapos nakipagkamay sa akin yung mag-asawa. Si TJ lang pala. Yung si Miranbitch tinanguan lang ako.
"Uy, friends" okay, hindi ko maiwasang umirap nung sinabi ko yung friends, we are 23234567 miles away from being friends ni Miranbitch no "una na kami sa loob ha? Hinihintay na kami ni doc e" sabay turo gamit yung nguso ko kay Dr. Morales na naghihintay. "Sige, byeeeeee!" tapos kiladkad ko na papasok si Ysa.
Parang nabalik naman si wisyo si Ysa nung nakaupo na kami sa harap nung desk ni doc. Tinanong-tanong niya ako ng kung ano-ano. Hindi ko na masyado inintindi yung mga sinabe nila, si Ysa na lang bahala, nakikinig naman yan e. Ninenerbyos ako kase, migod!!! Hindi ako magaling magsinungaling! Tignan niyo nga yung kwento niya nung sa bar e. Nag-oo na lang ako. Ayun, tapos pinag-PT pa ako. Ganun-ganun. Tapos nag-positive daw ako sa PT. Tas kelangan ko daw magpa-ultrasound. Tas nagpa-sched na din ako ng prenatal chec-- HUWET!!
"Ysa? Positive? Preggy ako?" tanong ko.
"Nakikinig ka ba? Oo nga daw, kaya nga magpapa-ultrasound ka di ba, para malaman kung gano ka na katagal? Tapos nagpa-sched ka ng prenatal mo. Kaya nga umalis si doc saglit pinuntahan yung RadTech para patingin kung may mga nagpapa-ultrasound"
"Luh!! Ysa, eh. Holo!!" hindi ko maituloy yung gusto kong sabihin kase.. Holo! Eh, uminom kame nung Friday!
"Ano? Hindi ako mind reader" pagpipilit niya saken para matuloy ko sasabihin ko.
"Uminom ako nung Friday!! Baka mapano yung baby ko!" panic kong sagot. "Baka abnormal na siya. Holo. Baka hindi na siya nakakapit sa matress ko. Baka still birth lang to!"
"Liyaah! Hinga. In. Out. In. Out. In. Out." sinabayan ko ng paghinga ko yung pagsabi saken ni Ysa.
"Okay na?" tanong niya, tapos tumango ako. "Alam mo, hindi naman problema yun e. Alam mo ba yung si Rye 4 weeks ko na palang dinadala nung nalaman ko? Tapos 2 weeks akong inom ng inom. Kaya. Okay lang yun! Tsaka di mo ng naubos yung isang bote ng lights nun e" adik ba to? Ganun na lang.
"Eh, kelan ba.." pano ko ba itatanong yun ng di masyado nakakahiya?
"Kelan ano?" tanong niya.
"Kelan niyo ba ginawa si Rye?"
Nanlaki yung mata niya saglit pero tumawa din siya after "First week ng November yun eh, tapos nalaman ko second week ng December. Haha. Tas yun nga, inom ako ng inom bago ko nalaman kase.." biglang nag-iba yung timpla nung mukha niya.
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..