"Ang sabi ko.. buti na lang, natauhan yung kaibigan ko sayo.. at buti na lang, niloko ka nya"
Sh*t!
**PAKKKKK!!!**
Napahakbang sya sa palikod, at nakita kong nanlaki yung mata nya habang hawak yung kaliwang pisngi nya.. Ako naman yung naglakad papalapit sa kanya at tinuro ko sya.. "sabihin mo sa kaibigan mo bagay sila ng babae nya, pareho silang madumi, yung kalat ko na pinulot ng basurahang babaeng yon" iniwan ko sya at naglakad pabalik ng apartment...
*****************************************
Pagbalik ko ng apartment, nadatnan kong nandun si RJ. Lalapitan sana niya ako, pero tinignan ko sya ng masama kaya napag-isipan nyang umiwas na lang muna at sinabing magluluto na lang sya ng hapunan namin. Malaki pa rin ang atraso saken ni RJ, pero wala ako sa mood na magalit sa kanya.
Pumasok ako ng kwarto at humiga. Kinuha ko yung unan, pinatong ko sa mukha ko at sumigaw
"UUUUUUUUUUUUUUUUUGGGGGHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"
Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalakeng yun para husgahan ako. Idagdag mo pa na si Carlo may pakana ng lahat ng to!
"UUUUUUUUUUUUUUUUUGGGGGHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"
buti na lang, natauhan yung kaibigan ko sayo.. at buti na lang, niloko ka nya

F*ck!!!!
"UUUUUUUUUUUUUUUUUGGGGGHHHHHHH!!!!!!!!!!!!" sigaw ko ulit. Hindi ko na pwedeng gawin ang dati kong ginagawa para ilabas yung galit ko dahil wala naman ako sa amin. Sigaw na lang ang pwede kong gawin.
"Misaaa?" katok ni RJ sa kwarto ko. Dinig kong may halong guilt at pag-aalala yung boses nya. "Sorry..." mahina yung pagkakasabi nya, pero naririnig ko pa rin kahit may pintuan sa pagitan naming dalawa.
Yung bestfriend ko... Medyo, humanahon ako unti. Tinanggal ko yung unan sa mukha ko at tumayo para pagbuksan ng pinto si RJ. Nakatayo lang sya dun sa harap ng pinto at nakatingin sa baba. "Sorry talaga" mahina ulit yung pagkakasabi nya. Haaaay!!! Kahit pakelamera minsan tong babaeng to, mahal na mahal ko sya. Isa sya sa mga taong mahalaga saken.
Humakbang ako palapit sa kanya at hinug sya, "Kaibigan sya ni Carlo" gusto ko sanang umiyak dahil ang sakit ng mga sinabi nya saken, pero wala talagang luhang lumalabas. Mahina din yung boses ko, alam ko ding nangigninig ako sa galit? Hindi ko alam. Pwede ding sakit. Dahil sa di mabilang na beses, niloko na naman ako. Niloko sa pagiging manhid.
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..