|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|
"Ahhhh!!!!!!!! Ayoko naaa!"
"Anong ayaw mo na? Sira ka talaga. Alam mo ba kung ako yan, gaganahan ako."
"Nakakaloko naman na kasi. Ang dami-daming pinapagawa saken nila dad tapos etong kasal pa na 'to. Huhuhuhuhuhuhuhuhu"
Ay, binatukan ko nga! "Hoy Resmea! Tandaan mo, kapatid ko yang pakakasalan mo kung ayaw mo na e sabihin mo na. Magpa-plano lang ng kasal eh..."
"Misaaa.... KUNG IKAW KAYA TONG TAMBAKAN NG GANITO KARAMING BISITA! Hindi mo naman sinabe na ang dami-dami niyong kamag-anak. Pati sila dad ang dami ding gustong imbitahan. Tapos yang kapatid mo ang gusto pa niya sa November!? May na ngayon oh! Tas hindi man lang ako tulungan."
Hindi ko naman pala masisisi tong babaeng 'to. Hahahaha. Totoo nga naman kasi ang sinabe niya. "Sabihin mo kay JK. Ba't kasi payag ka ng payag?"
"Ikaw nga magsabi oh. Sige nga. Sige ngaa.. Tignan natin kung di ka mabulyawan nun"
Ekk!!! Ayoko nga. Hahahahahah "Sige, tutulungan na lang kita after ng exam namin. Hihihihih"
"Wag na. Ang intindihin mo e kung pano mo mapipilit si Miranda na pirmahan yung divorce papers nila ni TJ"
"Naman e! Ayoko na nga isipin yun. Hayaan mo na muna yun"
"Anong hayaan, anong gusto mo, kerida ka?"
"Sa papel lang naman yung kasal nila e"
Hinawakan ni RJ yung kamay ko at tinignan ako sa mata. "Misa, sa mata ng iba masimportante ang nasa papel kesa sa nararamdaman. Okay lang sayo na sabihin ka ng kung anu-ano? Si tito pa. Alam na ba ni tito yang ginagawa ninyo?"
Napasimangot ako. "Hindi pa nga alam ni dad e. Pero may anak naman na kami, RJ."
"Pero iba pa rin yung hindi nyo na kelangan magtago, di ba? Yung hindi lang sa resto ni Tita Yen yung pinupuntahan nyo, o kaya sa bahay nila, o kaya sa bahay nyo"
Napabuntong hininga na lang ako at maslalong napasimangot. Hindi ko naman pwedeng ipapatay si Miranda. Ang sama ko naman ata masyado kung ganun. Ayy!! sana magkaroon na lang ng change of heart yung babaeng yun!
"Osige. Male-late ka na. Pasok ka na. Hatid kita? Dala mo ba auto mo o nag-commute ka?"
"De okay lang. Magtataxi na lang ako. Ingat ka ha?" tumayo na ako at bineso siya tapos umalis na ako.
****************************************
Pagkarating ko ng bahay bigla akong nagulat kasi andun din si Toby. Ang sabi niya saken hindi niya ako masusundo ngayon kasi may lakad siya para dun sa construction ng bago nilang building.
"Huy! Anong ginagawa mo dito? Anong sinabe mo kay dad?"
"Boyfriend mo ko." Sabay tingin saken habang kandong pa niya si Rye.
"Anong boyfriend?! Anong pinagsasabe mo? Ano? Huh?--"
"Baby!" bigla naman akong na-stone. "Di mo sinasabe na may boyfriend ka na. Ang tawag pa nga sa kanya ni Rye, daddy. Kamukha pa nya ni Rye. Sya pala yung bata na kasa-kasama ni Cheyenne kapag nagpupunta sila sa farm noon?"
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..