Chapter VII

37 0 0
                                    

|TOBY JOSHUA KILBY'S POINT OF VIEW|

"Toby!" akala ko panaginip lang na tinatawag ako ni Sabrina, hindi pala. Kaya naman napangiti ako nung naisip kong andito sya ngayong umaga. Napanaginipan ko din sya kagabi. Sa three weeks na nakasama ko sya, naging malapit na kami ng husto.

"Mmm.." naramdaman ko din yung magshift ng weight ng kama. Pagtingin ko sa tabi ko.. Shit! Si Miranda. Napaupo ako agad at pinilit na gisingin si Miranda. Baka maabutan pa kami ni Sabrina dito na halos walang damit na suot. Shit. 

"Babe, gising" tinalikuran lang nya ako at sinubsob yung mukha nya sa unan.

"Babe, gising. May tao sa labas" inalog ko sya pero hindi masyadong malakas. Humarap sya saken at binuksan yung mata.

"So?"

"Miranda, you don't even care what other people think?"

"Why should I? I'm your bride to be, remember?" Shit! Kahit bagong gising talaga si Miranda ang sexy pa rin nya. Lumapit sya saken at kumalong. Sinimulan nya akong halikan. Di na ako nagdalawang isip na halikan sya pabalik. Tama naman sya, magiging asawa ko din sya. Binaba ko yung halik ko papunta sa leeg nya ng biglang..

"Tob-- Oops. Sorry!" kaagad syang namula na parang kamatis at sinara agad yung pinto. 

"Shit" napapikit ako sa sobrang hiya.

"Who was that?" Miranda

"Babe, sya yung kinekwento ko. Si Misa. Shit!"

"Ow!" sabay taas ng kilay. Nasa tono nyang naiinis sya. Hindi na ako magtataka dahil medyo nawalan ako ng oras para sa kanya simula nung deal namin ni Sabrina. Tapos, kapag magkasama naman kami, si Sabrina lang lagi kong kinukwento.

Umalis sya sa pagkakapatong saken at lumipat sa isang side ng kama. Ako naman, tumayo na, nagsuot ng shorts. Hindi naman siguro pwedeng boxers lang suot ko palabas tapos t-shirt at lumabas para puntahan si Sabrina.

Nakita ko sya sa tabi ng pinto palabas ng unit  at halatang nahihiya sa pagpasok nya ng walang paalam.

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga" tanong ko. Habang inaayos nya yung sarili nya dahil na rin siguro sa pagkailang, tinignan ko muna sya ng maigi.

Simple pa rin suot nya gaya ng mga suot nya kapag lalabas kami nila RJ o kaya kapag hindi nila uniform day sa school. Flannel shirt, maong shorts at converse. Yung buhok naman nya, nakatali na parang siopao. Maganda talaga sya.

"Ah.. Ano kase.. Balik na lang ako mamaya? Ah. Wala hayaan mo na lang. Alis na ako" pagdadahilan nya. Hindi pa rin sya tumitingin saken. Napangiti naman ako dahil ang cute cute nya kapag nahihiya sya.

Huminga sya ng malalim at tinignan na ako. Buti na lang hindi nya nakitang nakangiti ako.  "Uhm. Aalis na lang ak--" bago pa nya natapos nagbukas yung pinto ng kwarto ko at lumabas si Miranda papalapit samen habang nag-aayos ng buhok at suot yung t-shirt ko.

"Babe, sino yung babae... kaninaa?" bigla syang napatingin kay Sabrina at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Haay! Bakit ngayon pa?

Lumapit ako sa kanya, hinalikan sya sa pisngi at inakbayan sya sa bewang. "Babe, sya si Sab-- Misa. Yung ex ni Carlo. Misa, si Miranda. Girlfriend ko" sa karamihan ng tao, girlfriend ko pa lang si Miranda. Ayokong may makaalam na pakakasalan ko sya dahil, gusto ko pang i-enjoy ang sarili. Ganun din naman sya, pero minsan talaga. Sobrang selosa sya. 

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon