Chapter XVIII

26 0 0
                                    

|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|

Nagising ako kinabukasan dahil sa walang tigil na pagring ng cellphone ko. Kadalasan, naka-off to kapag matutulog ako. Pero merong something kagabe sa nagsabe sa sarili ko na wag i-off to. After ko makipaghiwalay kay Toby, umuwi na ako agad. Sinabe ko kay Carlo. Nung una ayaw niya kase hindi daw safe, pero naconvonce ko din siya na magtataaxi na lang ako. Naglock sa loob ng bahay at umiyak. After kong nakuha ko na na magligpit at mag-ayos, umiyak ulit ako. Iyak ako ng iyak ng hindi ko alam kung hanggang anong oras. Hanggang nakatulog na lang ako.

"Hello?" sinagot ko na yung cellphone ko pero hindi pa rin ako masyadong gising.

"Isabel?" huh? Sino to? Umupo ako sa kama pagkatapos e tinignan yung caller ID. Si Carlo.

"Oh? Carlo? Bakit?" 

"Isabel.. Si.. Si Toby" bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya.

"B-Bakit?" hindi ko alam pero gusto ko na naman ulit umiyak. May mali. May kakaiba. 

"Si Toby.." ngayon naman, para naman siyan mejo.. Naiiyak? Maslalo talaga akong kinabahan.

"CARLO NGA ANO!" hindi ko na napigilan, nasigawan ko na talaga 

"Si Toby naaksidente kagabi"

Nung sinabe niya yung salitang aksidente at kagabe, umiyak na naman ako. Pero hindi na yung pati sa sarili ko tinatago ko. Ngayon, inilabas ko na lahat. Hindi lang iyak ang ginawa ko, humagulgol ako.

"Sa... Saan?"

"Sa ************ Hospital. Nasa surgery siya ngayon. I don't, Isabel. I don't know what happend last night. Hindi ko din alam kung magiging ok lang siya. May tumawag na lang kagabe kela tita na nabannga daw ni Teej yung isang poste. Hindi naman daw sira yung breaks niya. Most probably, he was drunk."

Umiyak lang ako pero hindi pa rin pinutol ni Carlo yung line. Nung nakuha ko ng ikalma yung sarili ko.. "Carlo, nakipag-break ako sa kanya kagabe."

"No. No Misa, it's not your fault! Don't blame yourself." 

"Pero... Carlo.. Kung nakita mo lang siya kagabe. Nasaktan siya, pero iniwan ko lang siya dun. Maspinili ko yung sarili kong ginhawa kesa sa kanya."

"Isabel! Hindi mo kasalanan. My god! Isabel. Don't blame yourself!" huminga siya ng malalim. Umiiyak pa rin ako. All I could do was blame myself. Iniwan ko siya sa ere. "Mag-ayos ka na lang ok? Susunduin kita. I know you want to come."

Still crying, hindi pa rin niya ako binabaan. Instead, hinintay niyang kumalma ako. Okay na lang nasagot ko tapos binaba ko na yung phone. I calmed myself pagkatapos, nag-ayos na ako. Hindi ko din alam kung paano ko nakuhang tupiin yung kama ko, magsipilyo, maligo at magpalit. Hinintay ko si Carlo while I silently prayed to God na sana, ok si Toby. Na magiging okay siya. 

Tahimik lang kame buong ride papunta sa hospital. Kahit pa pinipilit kong sabihin sa sarili ko na magiging okay lang si Toby, pero habang nakikita ko yung mukha ni Carlo, hindi ko din makumbinsi sarili ko na magiging okay lang siya.

Nung nakarating kame sa ospital, dumeretso agad kung saan yung OR. Hindi na tinanong ni Carlo yung mga nurse, so I assumed na nanggaling siya dito kanina. Pagkarating namin dun.. Bumungad saken si Tita Yen na umiiyak. Katabi niya yung isang lalake na kamukha ni Toby, dad niya sa siguro. At yung nasa isang side ng dad niya, na katabi din ni Miranda ay kamukha naman ni tita Cheyenne. Mom ni Toby.

Napansin ni Miranda na dumating kame. Hindi siya umiiyak. Nung nagkatinginan kame, umayos siya ng upo. Nagkatinginan lang kame, hanggan sa tumayo siya. Not leaving eye contact, onti-onti siyang naglakad palapit saken.

"Miranda!!!" biglang tumayo yung mom ni Toby at tumakbo palapit samen. "Why did you do that?"

Naramdaman ko na may pumulupot na kamay sa mga balikat ko at tinanong kung okay lang ba ako. Habang hawak yung pisngi ko na sinampal ni Miranda, tumango ako kay Carlo.

"She deserves it, tita! She's the one to blame"

"Ano? Paanong it's her fault? And.." tumingin saken yung mom ni Toby "Sino ka ba, iha?" Sasagot na sana ako pero si Miranda na yung sumagot para saken.

"It's her fault kase, SHE broke up with HIM!" binaling niya na yung tingin niya saken. No trace of tears in her yes but it was full of hate.. And anger. "I was okay with the two of you fooling around behind my back kase I know na YOU make him happy. I was okay with it his temporary happiness kase in the end I know na he'll end up with me. If you think na you're the only one who's nagbubulag-bulagan with this whole set up.. Wake up miss!!! Ako din. I may not admit it to TJ, pero I love him. Stop your pity party and admit it to everyone that.. THIS.. Ikaw may kasalanan ng nangyare kay Teej. YOU'RE TOO SELFISH!"

Huminga siya ng malalim pero pulang-pula pa rin siya. "Shut up, Miranda!" sita ni Carlo. 

"No. No, I won't stop. Ans you Carlo, how can you let your bestfriend steal her away from you kahit alam mong he'll end up leaving her anyway! He'll end up hurting her. Isa ka rin e! Nakikisali ka sa pity party ng babaeng yan"

I had had enough of this. Pinilit kong ayusin yung sarili ko. Huminga ako ng malalim and straightened my face. "Nakipag-break ako sa kanya because of you. Hindi niya kayang pumili between you and me. Akala ko masmagiging ok sa kanya if I won't let him choose kaya iniwan ko siya. THIS may be my fault, but  I am not selfish! At lalong hindi ko kailangan ng awa mo"

Pinusan ko yung luha ko tapos tinignan yung mga tao sa paligid ko. Si tita Yen at Carlo nasa tabi ko, si tita, hindi pa rin tumigil sa kakaiyak. Yung mom at dad ni Toby, nasa tabi ni Miranda. Halata sa mukha nila yung pagkabigla sa nalaman nila. Sa nalaman nilang niloloko ni Toby si Miranda.

"Sir, Ma'am. I just came here to see kung okay na si Toby. Pero feeling ko pong mas-okay na lang na umalis ako." with a neutral face, tumango yung dad ni Toby habang yung mom naman niya, tulala pa rin. Nginitian ko si Carlo at yinakap si tita Yen habang sinasabi kong magiging okay lang si Toby. Hindi na ulit ako nagpahatid pauwi kay Carlo. Nagtaxi na lang ako. 

Buong byahe pauwi, nagdasal lang ako. Na sana maging okay si Toby. Na sana maging okay lang.

***end***

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon