|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|
Papatayin ko si Toby!!! Tama ba yon?! Yung iddate nya saken si Carlo?!
Of all people! Kailangang si Carlo Miguel Cuerva! Nak ng teteng naman oh!
"Hoy! Carlo, san ba tayo pupunta? Halos buong araw na tayo magkasama ah?" reklamo ko. Pataas na kami sa isang building. Wala pang elevator kaya eto, dinaig pa namin yung nag-hiking.
"Basta. Trust me, ok?" weh? Trust daw? Lelang nya. Niloko ako tapos trust. Anong akala nya saken? Uto-uto?
Tumigil ako sa pag-akyat ng hagdan kaya napatingin sya saken, "Trust? Eh last time na binigay ko yun sayo niloko mo ko eh?" anla! Biglang nalungkot yung mukha.
Hindi sya umimik. Anu ba yan, ang bait ko masyado. Na-guilty ako kahit hindi naman dapat. Tsk. Umakyat ako para maabutan ko sya sa hagdan tapos hinila yung braso nya "Ang guilty mo naman masyado. Di na ba pwedeng magjoke ngayon?" Ngumiti sya tapos hinatak ako pataas. Bahala sya, hindi sigura sya naniniwala sa kasabihang jokes are half meant true.
Ano pa nga bang magagawa ko kundi magpahatak kahit pagod na pagod na ako at amoy pawis ako. Bahala na. Bahala sya. Ayos lang to para ma-TO. Para matapos na tong kalokohan ng magkaibi--
"Ano to?" tanong ko. Nung nakarating na kami sa pinaka mataas na floor, napatulala ako. Ang ganda nung place. Alam mo yung parang mga tagong lugar sa gubat na maganda. Yung sa sobrang ganda wala kang masabi kasi walang salita ang makaka-describe ng lugar na yon. Tapos yung pakiramdam mo bigla na lang sumasaya. Ganun tong lugar na to. Yung gubat nga lang, yung city. Tapos eto yung lugar na tago.
"Sabi ko dati, dito ka dadalhin yung first love ko" sabi ni Carlo habang inabot saken yung isang bouquet ng.. WAAAAAAH!!! Purple carnation!
Shet. Speechless ako. Pero kahit speechless ako kinuha ko yung bouquet. Ang cute kasi e! Shemay. Kinuha nya yung kamay ko, nagpa-kuha naman ako. Hahaha. Dinala ako dun sa taas na part na parang barko yung design, tapos overlooking yung city. (next time na lang yung picture. upload ko muna :p)
Hinila nya yung upuan para ipaupo ako. Pagkaupo ko, dun lang naikot ng mata ko yung lugar. Masyadong maganda tong lugar na to. Alam nyo yung kasabihan na "too good to be true"? Ito yun eh. Ang ganda ng mga ilaw sa city. And this place! Ang ganda.. sobra! Parang ang hirap paniwalaan na may ganitong klaseng lugar dito. "Ah.. Carlo?"
"Hm?" sabi nya habang tinitignan yung menu.
"Pwedeng magtanong?"
Tumingin sya saken kasi tinitignan nya yung menu. Ni hindi ko man lang napansin na inabot ng waiter sa kanya yun. Ngumiti na parang naaaliw "Ano yun?"
"Pano mo nalaman tong lugar na to? Ano to? Ginawa mo lang? O matagal na tong andito?"
Tumawa sya tapos binaba yung menu. "Feeling mo naman ginawa ko to para sayo? Wag kang feeling no. Matagal na to dito no" tapos tumawa sya. Badtrip to ah.
"Kaya nga nagtatanong di ba? Tsaka, ikaw nag-assume nun." tapos inirapan ko sya.
"Joke lang! Bumawi lang ako sa trip mo kanina" tapos ngumiti sya. Edi nginitian ko sya ng pinaka-sarcastic na ngiti na pwede kong ibigay.
Tumahimik na lang ako hanggang makapili sya ng order namin. Nilibot ko na lang ulit yung tingin ko. Pero tinignan ko na ng maigi yung bawat sulok nung lugar. Sa baba, kung san ka papasok, may stage. Yung stage nila, maluwag, yung tipong pwedeng magkaron ng play dun. Haha. Tapos may mga guitara, beat box, amplifier, keyboard. Tapos yung design sa gitna, malaking malaking dream catcher. Ahh! Bsata! Maganda!
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..