|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|
Manic Monday. Yan ang phrase na makakapag describe ng Monday ko.
Una, napuyat ako! Ang kulit-kulit kase ni JK! Ang daming tanong! Kung hindi tungkol kay RJ, na alam ko namang natanong nya na lahat ng pwedeng maitanong kaya hindi ko alam kung san nya hinuhugot mga tanong nya, eh tungkol naman kay Toby. ANG WEIRD!
Kaya thank you Lord nung nag-volunteer si JK na ihatid ako at sunduin tapos sya na rin daw maglalaba at magluluto. Mwahaha.
Pero puyat pa din ako :|
Pagdating namin sa school na hindi naman kalayuan, nakita ko kagad si RJ. Nakita din nya ako, pano ba naman, tumakbo papunta samen. Ewan ko na lang kung ganyan pa yan pagnakalapit na ng husto.
"Miiiiiiiiiiiiiiiiisa--" hihihi "Uh, hi"
"Hi Jaquie" pa-cuuuute!!!
"Hi Klyde" isa pang pa-cute!!!
"Huy, JK! Uwi ka na. Maglaba ka na ha? Tas magluto ka na din. Dun na lang kami kakain ni RJ" Wow. Okay. Wala akong kausap. Ang sarap ng titigan nila.
Siniko ko sya. "Huuuuuuy!" biglang napatingin saken. "Ano?" henubeyen!
"Sabi ko, maglaba ka na. Tapos magluto ka ng tanghalian, dun na kami sa bahay kakain ni RJ." tapos hinarap ko si RJ na nakatingin pa rin kay JK "O, kain na lang tayo sa labas?" biglang napatingin saken si RJ.
"Hindi. Hindi! Wala din akong pera e. Hihi." pa-cute!!!
"Ok" sabi ko at iniwan na silang dalawa dun. Matatauhan din naman yung dalawang yun e. Sigurooo... kapag nag-bell na.
Pagkarating ko ng classroom biglang nagring.. Ni-reserve ko na yung upuan na tabi ko.. Mahal ko pa rin naman si RJ e.
After ilang minutes pumasok na yung instructor namin. Nagdasal kame, malamang. Tapos dun pa lang pumasok si RJ. Binati nya yung instructor tapos hinanap ako. Mehehe. Ang sama ng tingin saken.
"Bat mo 'ko iniwan?!" bulong nyang pagalit
"Eh di nyo nga ako pinapansin e. Tsaka, ayaw ko sirain moment nyo." Ay! Biglang humarap tapos namula. Hahahaha. Hangkyooooot!
Edi syempre, nag-lesson lesson lang yung prof. Tapos kami naman sulat lang ng sulat. Nagpapaka-uto-uto. Naniniwala sa sinasabi nya.
***KRIIIIIIIIIIING!!!***
Agad-agad nag-ayos si RJ. Pinagmamadali pa ako! Alam na..
"Teka lang naman po! Di naman tatakbo yung apartment ko e. Andun lang yun. Wag ka mag-alala. Dalawang linggo pa yun dito."
"Ano ka ba?? Nakakahiya kayang paghintayin yung tao. Tsaka baka lumamig yung pagkain, sayang naman."
"Alin ang sayang? Yung pagkain o yung effort nung nagluto?"
"Both. Hihi."
Naglalakad na kami papuntang bahay habang nag-uusap.
"Uy! Resmea!" tawag ko sa kanya.
"Oh?" kulang na lang mag-happy hop tong babaeng to. Harujuskoo.
"Bat ka nagblush kanina? Uyy!!! May moment talaga kayo no??" tumigil sya s paglalakad at nagblush ulit. HAHAHAHA.
"W-wala no! Dalian mo na nga." hinayaan ko na lang sya. Pwede ko naman malaman kay JK e!
Pag-uwi namin. Naghahain na ng kanin ang aking mapagmahal na kapatid.. Pwe!!! Kapatid daw?! Kumain kami ng tahimik.. Ako lang pala. Oo, ako lang. Kasi silang dalawa lang nag-uusap. Di din naman ako makasingit sa usapan nila kasi about sa Anime. Josko! Wala akong alam sa Anime. Nung tapos na akong kumain, natulog ako. Tapos nagising, nag-toothbrush at pumasok. Ang aking magaling na bestfriend at ang aking magaling na yaya eh.. ewan ko. Bahala sila sa buhay nila.
|TOBY JOSHUA KILBY'S POINT OF VIEW|
Andito ako ngayon. Malamang. Haaaay.. Andito ako sa resto ng tita ko. Kapatid ng mom. Dito kasi gusto gawin ni Carlo yung late night date nila ni Sabrina. Ang nakakabadtrip kasi dito eh ako dapat magdadala ng date dito e! Dito ko dapat idadala yung babaeng sobrang special sakin. Haaaaaaaay.. Pero wala akong magagawa, bestfriend ko. Inaanak ni tita. At.. para kay Sabrina. (picture at the side. obuder!)
BADTREEEEEEEEEEP!!!!
Isa pa yan e! Hindi ko din alam kung bat asar na asar ako na si Sabrina yung ide-date nya dito. Alam kong sabi din ni Carlo na babaeng special lang sa kanya.. Pero bakit si Sabrina!!! Ay ewan. Eto pa nga oh, pinapaayos ko na yung menu sa chef nila. Pati yung mga lighting, song selection at yung boquet. Anytime darating na yung dalawa. 8 na din kase.
Kung ako lang naman masusunod hindi ko naman na talaga ipapa-date si Carlo kay Sabrina e. Kasalanan ni Carlo kaya sila naghiwalay, masyado lang syang nag-eexpect kay Sab. Hindi din naman kasi typical na babae si Sabrina. Hindi sya yung tipo na babaeng needy, kaya nyang gawin kahit anong bagay na gusto nya ng sya lang. Madali lang naman syang i-please. Kaya lang naman siguro sinasabi ni Carlo na mahirap paamuhin yun kasi panay sosyal at mamahalin na bagay hinaharap nya kay Sab. Eh kung tutuusin, bigyan mo lang sya ng choknat kapag nag-away kayo ok na sya. Tsk.
Ang daming hindi alam ni Carlo sa kanya kahit na halos isang taon sila ni Sab. Maling approach kasi ginawa ni Car--
"Hello?" kinuha ko yung phone ko dahil nagring na.
"Toby? Pataas na kame" si Carlo.
"Sige." at binaba ko na yung tawag.
Hay, heto na. Sana lang di na gawin ulit ni Carlo yung pagloloko sa kanya. Kay Sabrina, sa babaeng.. Mahal ko..
***end***
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..