***Mehe. From this chapter lahat na po is during the PRESENT (2010). Siguro konting flashback-flashback. Yun po.
|MARIE ISABEL SABRINA MONTENEGRO'S POINT OF VIEW|
Hindi naman ako ganun ka-selfish na tao gaya dati. Hindi ko naman sinarili yung baby namin ni Toby. Malaki ang respeto ko kay tita Yen kaya hinding hindi ko kayang ipagkait si Rye sa kanya. Para naman may maiwang parte ni Toby kay Rye. Kaya ayun. Si Marienne, nasa lola niyang isa ring sobrang tigas ng ulo!
No, hindi si tita Yen ang nagsabi kay Rye tungkol sa papa niya. Gaya ng sabi ko, malaki ang respeto ko kay tita, isang dahilan na duon ang pagrespeto din niya sa desisyon ko na huwag MUNA ipaalam kay Rye kung sino yung papa niya. Sabe ko, ako na ang magsasabi sa kanya. Isa lang naman yung gusto ni tita e, na sana, pangalan ni Toby yung dalhin ni Rye, sinunod ko. Para kahit naman onti, maramdaman ni Rye kung sakaling dumating yung panahon, na mahal siya ng papa niya.
"Bakit nasisindak pa, sa t'wing naaalala. Matatauhan na wala ka na pala
Ako, sila'y andito na, ikaw na lang ang kulang
Anong lunod o lalim, ba't di na lang lumutang
Anong pait ang matamis, at aking susubukan
Anong silbi ng narito
Hindi mo na kailangan"
Bumuntong hininga ako. Kanina ko pa inaaral tong lintek na mga parasite. Hiniga ko yung ulo sa head rest ng office chair sa mini library dito sa bahay at pumikit. Pinakinggan ko ng maigi yung kantang lumalabas sa earbuds ko na na nakasaksak sa taenga ko
"Hindi nga nagtagal
Ang pagpapanggap na 'to
Kaliwa at kanan, harap at likod
Ano mang anggulo titigan ay bumibigay ako"
I love-hate this song. Alam niyo ba yung ganun na feeling?
"Damdamin ay kay bigay
Naisip na ang lahat
Wala na ba talaga akong magagawa pa"
Huling nakita ko si Toby yung araw na binigay niya saken si Rye, more than three years ago. Pero kahit ganun na katagal yun, siyang siya pa rin yung mahal ko. Ang lungkot nga eh. Parang naging secret ko na yung umaasa akong babalik siya.
Ako, sila'y andito na, ikaw na lang ang kulang
Anong lunod o lalim, ba't di na lang lumutang
Anong tamis ang mapait, at aking susubukan
Anong silbi ng narito
Hindi mo na kailangan"
Haaaaaaaaaaaaaaaaaay! Jusko. Tinanggal ko na yung earbuds sa taenga ko. Pupuntahan ko na lang si JK sa shop. Pagpasok ko sa kwarto namin ni Rye, na dati kwarto ko lang, tinawagan ko muna si tita para sabihin na sa shop na lang niya idala si Rye para na din makuha na namin yung order niya para sa opening nung bago niyang resto.
Nung nakabihis na ako at nakatuntong sa shop, naabutan ko naman paalis si JK, "Uy! Bat andito ka? Wala kang pasok ngayon?" tanong niya.
"Wow ha. Hello" sagot ko ng sooooooooooobrang sarcastic "Nababagot na ako sa bahay e, kaya yun. Ganun. Tsaka wala po, may something sa school. Ewan. Sa Monday na ulit pasok ko"
Natigil naman si JK sa pagligpit ng gamit niya sa cashier tapos tumingin saken habang nakataas yung isa niyang kilay. Tinaasan ko na rin siya ng kilay at nakipagtitigan. Hehe. Siya yung unang bumigay, siyempre. Bumuntong hininga siya tapos umiling "Ikaw na nga lang magbantay dito. Nagpapasama si dad sa farm e."
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomansaTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..