Chapter II

53 0 0
                                    

"Miss, pwedeng maki-upo?" sa totoo lang, gwapo sya. Sobrang gwapo.

Pero hindi ko type! Maporma nga sya, pero sa dating ng pag-approach nya saken halatang nagpapacute lang to. Ano ba yan. Nagtinginan kami saglit sa mata tapos tinanggal ko ang tingin ko at inikot ang mata ko sa buong cafeteria. Nakita kong madami ng bakanteng upuan. Tama nga, pa-cute na naman to. 

Binalik ko ulit yung tingin ko sa kanya at tinignan sya sa mata, after ng ilang saglit, ibinalik ko yung tinggin ko sa cellphone ko at hindi na ulit sya pinansin. Nilakasan ko na lang yung volume ng iPod para hindi na ako madistorbo pa.

From my peripheral view, nakita kong umupo sa tabi ko yung lalake. Hindi ko pa rin sya pinapansin. Kahit medyo naiilang ako sa kanya, patigasan na lang. Nakikisilip din sya sa cellphone ko, buti nga at hindi nangengealam sa nilalaro ko e.

Naramdaman ko na lang, may biglang kumakalbit saken sa kaliwa kong balikat, pagtingin ko, si RJ pala. Nakatingin lang sya Mr. Oh-So-Handsome. Tinanggan ko yung earbuds sa taenga ko at lumapit kay Rj "Galaw-galaw para di mastroke. Huy!" sinabi ko yung malapit sa taenga nya, hindi naman gaano malakas, pero narinig pa rin ni lalake.

"Sino yan??" tanong saken ni RJ pabulong, pero hindi pa rin nya tinatanggal yung tingin nya kay mister-i-don't-know-his-name.

"Ba malay ko! Bigla na lang umupo e" sinilip ko si mister tapos inikutan ng mata.

"Ah.. Hi, sino ka?" linapit ni RJ yung mukha nya kay kuya tapos ngumiti habang sinasabi yun. Hay nako. Basta gwapo.. 

"Toby Joshua Kilby. TJ na lang for short" sabay abot ng kamay kay RJ.

Inabot namn ni RJ yung kamay ni TJ, nagkamayan sila. Super smile naman tong si RJ, "Resmea Jaquie Clemente. RJ na lang. Tapos sya naman..." sabay turo saken "...si Marie Isabel Sabrina Montenegro, Misa nickname nya" tinignan ko lang sya. Ngumiti sya pero di ko na lang pinansin at naglaro na lang ulit sa cellphone ko. 

 "Misa.." may kakaiba sa pagsabi nya ng pangalan ko. Parang, natutuwa na nagtatanong?

"I like Sabrina better"

Deadma na lang. "So, first year ka? Parang ngayon lang kita nakita dito" tanong ni RJ

"Ah, yep. First year. Pero Grad studies." sagot naman nung 

"Oh? Ano naman kinukuha mo?"

"Law. Hehe."

"Tekaaa.. Kilby? Ikaw ba yung Top Notcher sa Board ng CPA?!"

"Ah.. ehh.." Top Notcher?! Sinilip ko si TJ, namumula sya. Nilagay nya yung kamay nya sa batok nya at napakamot na lang.

"Ang galing nya Misa oh" tinignan ko lang si RJ. Halata siguro nyang gulat ako.

"Ah. Ok." nagulat nga ako, pero hindi ako interesado. Napailing si RJ

"Pasensya na dito ha? Ganyan talaga yan, pero mabait yan"

...and They Lived Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon