"Toby!!!" hindi na ako nagdalawang isip na diretsuhin papasok yung unit nya sa condo. "Toby!" sigaw ko ulit. Wala pa ring sumasagot. Paano ko mahahanap yung "happy ever after" ko sa klase ng mga lalakeng iddate nya saken. At kagabi, god! Kagabi, it was the worst date I have ever been to.
"Tob-- Oops. Sorry!" sinara ko agad yung pintuan nya sa kwarto. Nakakahiya. Hindi ko naman alam na maykasama pala sya.
"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga" lumabas sya ng kwarto nya at sinusuot ang t-shirt nya. Hoo! Ganda ng kantawan. No wonder.
"Ah.. Ano kase.. Balik na lang ako mamaya? Ah. Wala hayaan mo na lang. Alis na ako" sa totoo lang. Nahihiya ako sa nakita ko kanina. Hindi nga naman kasi saken tong lugar na to. And I'm sure dad thought me good manners. Nawawala lang talaga lahat yun sa taong to. Hindi ako makatining sa kanya ng diretso. Feeling ko din kasing pula na ako ng kamatis. "Uhm. Aalis na lang ak--"
"Babe, sino yung babae... kaninaa?" biglang may babaeng lumabas galing sa kwarto nya. Walang ibang suot kundi ang t-shirt ni Toby. Hmm. Ang ganda nya. Para siyang mga babaeng nakikita sa mga commercial o kaya yung mga tipong nakikita sa fashion magazines.
Lumapit si Toby sa babae at hinalikan ito sa pisngi bago nya ako pinakilala "Babe, sya si Sab-- Misa. Yung ex ni Carlo" tumingin naman sa akin si Toby at pinakilala yung babe nya "Misa, si Miranda. Girlfriend ko" lumapit naman papalapit sa akin si Miranda at nakipagkamay. She gave me a smile, pero nasense ko na may iba sa ngiti nya saken. Para bang pilit? At yung grip nya sa kamay ko. Masyadong mahigpit.
"Hey" bati ko sa kanya.
"So. Ikaw pala si Sabrina" sabay taas baba ng mata nya saken. WTF?! Anong problema ng babaeng to?
"Ako nga" smile, pero fake smile. "May girlfriend ka pala?" sabay tingin kay Toby. Hindi naman nya nababanggit na may girlfriend sya. Parang ang dami nga nyang libreng oras e.
"Ah. Eh" woops! Guilty face. Haha. Ang sama ng tingin sa kanya ni Miranda. Psh.
"Sige, una na ako. Mamaya ko na lang sasabihin sayo yung dinaan ko dito. Bye" sabay suntok ng balikat nya. Nung naglakad na ako papaalis, bigla nyang hinawakan yung kamay ko para pigilan ako. Nagualt ako, bat naman nya yung ginawa sa harap ni Miranda. He's just like his friend, psh. He doesn't know his limits.
Tinignan ko lang yung kamay namin. Si Miranda naman, umubo, na alam kong fake kaya natauhan si Toby. "S-sorry. Ngayon mo na sabihin. Ano ba yun?"
"Di naman importante eh. Mamaya na lang" giit ko. Sa tingin pa lang na binibigay ni Miranda saken, at sa mga galaw nya alam kong ayaw nya saken. Well, I don't really care. Edi ayaw ko din sa kanya. She's not a lost.
"Sigurado ka? Baka naman may nangyaring masama sayo?" tanong nya. Tinginan ko lang sya. Haay. Eto na naman sya. Yung tingin nya. Yung tipong tingin na magpapalambot ng puso mo.
"Oo, mam--" bago ko pa matuloy yung sasabihin ko, may sumingit na naman at pinutol ako. Hay.
"Can you just tell him? Psh" kung nakakamatay lang siguro ang tingin.. "It's what? 8:30 in the morning and it's even a Sunday. Importante naman siguro yan para magpunta ka dito ng ganito kaaga" ok?? Ayoko sa kanya. Wala pa akong 20 minutes na kasama sya sa isang kwarto di ko na sya matagalan. Gaano na kaya sila katagal ni Toby? Paano nya kaya yan natatagalan?
BINABASA MO ANG
...and They Lived Happily Ever After
RomanceTypical, not-so-typical cliche. Boy meets girl, girl hates boy, boy makes girl fall, girl falls in love..