Nagising ako bigla dahil nilalamig ako. Ang huling naalala 'ko ay nasa studio kami ni Bada, pagkatapos nuon ay wala na.
"Cass? Okay ka lang ba?" nagulat ako ng may biglang nagsalita at si Bada ito.
"Hmm, where are we?" tanong 'ko. "Nasa hospital tayo. Bigla kang hinimatay at hindi 'ko alam ang gagawin 'ko kaya sinugod agad kita dito." nagtatarantang sabi nito. Alam niya kasing ayaw 'ko sa hospital kahit dito ang pangarap 'kong trabaho.
Hindi 'ko alam. Hospital feels like home when I'm wearing my white coat, pero kapag ako naman ang nakahimlay sa kama, takot ang nararamdaman 'ko.
"Okay lang, Bada. Salamat and sorry dahil naabala pa kita." Paghawak 'ko sa kamay nito.
"Ano ba kasing nangyari sayo? Okay ka naman ha? Paglabas 'ko ng studio bigla ka na lang nakaratay dun." Pang-aasar nito. Tumawa na lang ako at nag explain. "Nahihilo kasi ako. Ayaw 'ko lang sabihin sayo nung una dahil alam 'kong ititigil mo 'yung klase para lang maalagaan ako at alam mo namang hindi ako papayag sa ganun."
Magsasalita pa lang siya pero pumasok na ang isang Doctor. "Doc. Valdez, andito ka pala. Kamusta naman ang nararamdaman mo?" ngumiti ako sakanya. "Hi Doc. Ogaya, I'm feeling a lot better na. Ano po ba ang nangyari sa akin?" tumango ito at nagexplain sa akin. "You're over working yourself, Cassandra. I know mahirap ang pagiging PGI, pero kailangan mo din ng pahinga. Ako na mismo ang mag ffile ng leave mo. Magpahinga ka at tama na muna ang mga night shift mo, ija." Wala na akong angal pa dahil ang si Doc na ang nag-utos sa akin.
"Thank you so much, Doc." ngiti ni Bada.
Nilagay ni Doc. Ogaya ang kanyang kamay sa balikat nito. "Thank you din at naidala mo siya agad sa hospital. Fast thinking, Lee."
Nang makaalis na ang doctor, agad agad naman akong niyakap ni Bada. "Tangina mo, akala 'ko kung ano na nangyari sayo. Alam mo naman na pwede ka'ng mag sabi sa akin, pero tama naman ang doctor. Magpahinga ka naman! Masyado ka nang pinapatay ng pangarap mo." Nginitian ko na lang siya. I find her cute when she's worried. Parang lahat ng santo dinadasalan nito para lang hindi ako magkasakit.
"Uwi na tayo, Lee." Sabi 'ko. Tumango ito at sinabi iyon sa mga doctor. Pumayag naman ang mga ito at binigyan siya ng discharge papers. "Ako na magbayad, nasa wallet 'ko yung card 'ko." Sambit 'ko. Pumayag naman agad si Lee at hindi na nakipagaway pa. Nagpalit na ako ng damit 'ko, at sumakay sa wheelchair.
"Get well soon, Doc!" sabi ng mga mas nakakabatang interns sa akin. Nginitian 'ko sila. Tinulak na ako ni Bada papuntang elevator pababa sa parking.
Tatayo na sana ako ng bigla niyang sinabi "HEEEEP! Bubuhatin kita." Natawa ako dahil hindi naman ako baldado para gawin niya iyon. "Tanga, kaya 'ko sarili ko." at tumayo bigla. Napakamot na lang ito sa ulo niya at wala ng nagawa.
We're both quiet. The silence is deafening, ika nga nila.
"Alex." Seryosong sabi nito. Kapag binanggit na ni Bada ang first name 'ko, alam 'kong may gusto siyang sabihin na seryoso.
Tumingin lang ako sakanya. "Matutulog ako sa bahay niyo ng isang linggo, ha? Aalagaan kita. Wag ka na humindi dahil I won't take no for an answer." bigla akong kinabahan sa tono ng boses nito. "I can take care of myself, Lee." sagot 'ko. "I know you're big enough to take care of yourself, but you're my responsibility. I promised tito and tita to take care of you. Parang napabayaan tuloy kita dahil sa nangyari." Ito na naman, kumikirot na naman dibdib 'ko. Gusto lang pala niya akong alagaan dahil pinangako niya ito sa mga magulang 'ko.
Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa labas. "Sorry. Dapat hindi na kita pinilit sumama sakin. Miss lang talaga kita. Halos ilang linggo na din kitang hindi nakikita." Hawak nito sa kamay 'ko. Tumingin ako sakanya at hinawakan din ang kamay nito. "Okay lang, gusto 'ko rin namang sumama. Wag mo na sisihin sarili mo." I gave her a faint smile.
BINABASA MO ANG
Stay with me?
General FictionCassandra, a Doctor who's in love with Bada Lee, the top choreographer of the Philippines and Korea. Will they end up together or will the fate go against them?