Alam 'kong hindi ako nananaginip kagabi sa narinig 'ko. Alam 'kong ayaw ako ni Bada umalis kaya mas lalo akong madaming iniisip.
Nagising ako dahil sa tirik ng araw sa mukha 'ko. Dahan dahan 'kong dinilat ang mata 'ko at nakaramdam ako ng sakit ng katawan bigla. Lasing ba 'ko? Andito naman lahat ng damit 'ko? At duon 'ko napagtanto na hindi pala komportable matulog sa sofa na nabili 'ko. Tumayo na ako at nagulat dahil nasa floor si Bada.
"Lee, may kama at sofa oh?" sabi 'ko. "Ang yaman yaman mo pero hindi ka makabili ng maayos na sofa na pwedeng tulugan." inis na sabi nito. Natawa ako. "Bakit ka ba dito natulog?" tanong 'ko. "Hindi kasi ako sanay na hindi ka katabi." may kung ano mang kiliti akong naramdaman sa tiyan 'ko nang sinabi niya iyon.
Clingy si Bada kapag trip niya o kaya may kailangan ito. Pero naisip 'ko din na isang buwan na lang din ang meron kami para magsama bago ako umalis kaya mas naiintindihan 'ko kung bakit ito nagiging clingy lalo.
We did our usual routine. Araw-araw kaming magkasama ni Bada. Inalagaan niya ako. Paano ako aalis nito? The more na lumilipas ang araw, the more na mas ayokong umalis.
Natapos na ang isang linggo, at back to reality na ulit ako. Papasok na ulit ako ngayon at syempre, night shift ulit. Hindi naman natatapos ang ikot ng mundo kaya kailangan 'ko na ulit pumasok.
"Ano oras pasok mo?" biglang tanong ni Bada. "7. pero aagahan 'ko pagpasok kasi kailangan 'kong makacatch up sa mga pasyente 'ko ngayon." tumango ito. Nagprepare na ako. As a PGI, I wore black slacks and white blouse. I tucked it in para hindi siya ganun kahaba sa akin. I made sure that I had everything in my bag. My stethoscope, my pens, at ang maliit na notepad so I can take notes. I made sure to pack extra shirt na lang din just in case hindi 'ko makayanan umuwi bukas. "Eh out mo?" tanong na naman nito. "Dami mong tanong." iritable 'kong sabi.
"Ano nga, Alex." seryoso nitong sabi. "10 am." sagot 'ko.
Oo, ganyan ang buhay PGI. 13 hours ang duty, minsan umaabot pa yan ng 17 hours. Minsan, split duty naman. 10 hours, tapos uuwi ka ng ilang oras at papasok na naman ng 5 hours. Mahirap, pero kinakaya 'ko naman dahil ito ang pangarap 'ko.
"Alis na 'ko, Lee" paalam 'ko dito. "Hatid na kita." Labas nito sa kwarto na nakapang alis din pala. She was wearing her black transcendence hoodie na regalo 'ko nuong birthday niya at black sweatpants. Nag slides at cap na lang siya dahil wala pa daw siyang ligo. Natawa ako dito at pinabayaan siya sa gusto niya dahil ayoko na makipagaway.
Nang makarating kami sa parking, nakatabi namin ang isa pang doctor na kasama 'ko. Si Doc. Lopez. She's one of the best PGIs that I know, and maganda ang teamwork naming dalawa lalo na sa night shift. Nakababa na ako ng sasakyan at nagpaalam kay Bada.
"See you tomorrow." she said. Alam 'ko namang susunduin niya ako dahil nagtanong ito ng oras ng out 'ko. I waved goodbye and went straight to greet Doc. Lopez. "Goodevening, Doc!" nakangiti 'kong sabi.
"Cut the formalities pag nasa labas tayo ng hospital, Cassandra" natawa nitong sabi. "Ah, baka kasi ayaw mo na tawagin ka by your first name eh. Sorry na, Gab."
Pumasok na kami sa hospital and we were greeted by our Chief Doctor at syempre ang mga nurse. "Rounds in 5." sabi ng Head PGI namin. Nagpalit na ako ng lab gown na may pangalan 'ko sa left side. Valdez, C. A. MD
Nag rounds kami sa mga pasyente namin at bago kami makapasok sa pinakahuling kwarto ng pasyente, we were warned by the head PGI na wag magmake-face dahil sensitive ang case nito. I was curious agad and knew that this was what I was reading earlier on the way here.
"Doctor Valdez, please present." Nagulat ako dahil tinawag ako ni Doc. Ogaya but I didn't show any fear.
"This is patient Davis, he's 47 years old. He's suffering from severe malnutrition and difficulty in breathing. Went in because he was feeling a severe sharp pain from his right abdomen. CT scan was order and so was CBC, and Chem Panel." I confidently said. Everyone was staring at me.
BINABASA MO ANG
Stay with me?
Aktuelle LiteraturCassandra, a Doctor who's in love with Bada Lee, the top choreographer of the Philippines and Korea. Will they end up together or will the fate go against them?