Chapter 1:

180 0 0
                                    

Authors note:

PGI: POST-GRADUATE INTERN - Last year of College of Medicine. Requirement siya before you take your boards for MD. :)

*****

Cassandra's POV:

9:37 AM

"Annyeong, Cass!!! Sagutin mo tawag 'ko" "Annyeong, Cass!! Sagutin mo tawag 'ko" "Annyeong, Cass!! Sagutin mo tawag 'ko"

Tanginang ringtone 'to alam 'ko na kung sino 'to ngunit hindi 'ko padin ito sinasagot dahil kakatulog 'ko lang. Ang hirap pala maging PGI, para ka na din talagang doctor with less privileges nga lang.

Vibrate nang vibrate ang aking telepono at alam 'kong siya padin itong nangungulit.

Lee: Ganda ka ba? Hindi mo man lang sinasagot yung tawag 'ko.

Lee: Hoy Valdez, ano na? Baka naman gusto mo 'ko pansinin.

Lee: Patay ka na ba?

Lee: Alexandria Cassandra Valdez.

Ito ang ayoko eh. 'Yung tinatawag ako gamit ng buong pangalan 'ko. Wala na naman siguro 'tong makausap kaya ganito. Pero nanaig ang pagkaantok 'ko kaya hindi 'ko ito pinansin. I turned off my phone para hindi na niya ako istorbohin.

Makalipas ng ilang minuto, may naririnig akong kumakatok. Hindi 'ko padin ito pinapansin dahil siguro naman aalis din ito kapag hindi 'ko sinagot at aakalaing walang tao.

"ABA!! Valdez, anong oras na bakit tulog ka padin?" Nagulat ako ng may biglang sumigaw. Alam 'kong si Lee ito kaya tinakpan 'ko ng unan ang aking mukha. Hindi na ako nagtaka kung paano ito nakapasok kasi halos lahat ng gamit 'ko, share kami. Maliban syempre sa mga underwears 'no! Kadiri!

"Bebi, wag ka na matulog. Ito na nga lang oras mo para sa akin, mas pipiliin mo pang matulog." Tinanggal 'ko ang unan at tinignan siya ng masama. "Bads, una sa lahat, NGAYON PALANG AKO MATUTULOG. Pangalawa, anong "bebi"? nakashabu ka ba." Tumawa ito ng malakas. "Cass, I just want us to have a call sign na pang bestfriends." Ahh, bestfriends. Parang may kirot sa puso 'ko nang marinig ito mula sa bibig niya. Hindi 'ko ito pinansin at pinagpatuloy matulog.

"Huy, sige hindi na kita guguluhin pero pwede panuorin mo muna itong choreo 'ko? ituturo 'ko kasi siya sa klase 'ko mamaya at mukhang hindi kasi akong nasatisfied sa gawa 'ko. Kailangan 'ko ng approval ng masungit 'kong judge." Hindi ako kumibo at hinayaan siyang magsalita. "Please, Cass?" pagmamakaawa nito.

Tumayo ako ng kama at dumiretso sa banyo upang maghilamos para makafocus ako sa gusto niyang ipakita. Pagkalabas 'ko ng banyo ay nakita 'ko siyang sine-set up ang speaker. Pinagmasdan 'ko ang likod nito. Tangina, napaka pogi mo naman kahit nakatalikod. Napaka simple ng suot niya. Black na sweatpants, at crop top na black din na hapit sa katawan niya kaya kitang kita mo ang shape ng katawan niya. Her long black and blonde hair is let down that covers some of her back. Kung hindi lang kita bestfriend, baka umamin na ako sayo ngayon din.

"Sasayaw ka na lang kailangan mag cap ka pa? Ako lang naman andito" pang-aasar 'ko habang naghahanap ako ng komportableng pwesto sa kama 'ko.

Hindi niya ako pinansin at nagsimula na itong sumayaw. I really like the way she moves. She has complete control of her movements. Alam niya kung saan sasayaw ng todo, at kung kailan sasayaw ng mahinahon. She knows how to groove and attract her audiences. Ito ang dahilan kung bakit sobrang hinahangaan 'ko siya kahit nung highschool palang kami. She has her way with the crowd.

"Oh ano, okay ba?" Hindi ko namalayan na tapos na pala ang kanta kakaadmire 'ko sakanya. "Uhm, okay lang ba maging honest?" Tanong 'ko. Ayaw kasi nito na nassecond guess siya, minsan sumasama ang loob niya. "Oo naman." seryosong sagot nito. "Sa may bridge part, instead of not doing anything, bakit hindi mag freestyle or magsayaw ng kaunti yung mga students mo? Kasama mo ba sila Lush sumayaw nito?" Tumango siya at nag isip.

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon