Chapter 21:

72 1 0
                                    

Tinulungan ako ni Bada mag bihis dahil siya din naman daw ang nagtanggal ng mga damit 'ko. Natawa ako sa sinabi nito. Pero mas nanaig pa din sakin ang hiya dahil ginawa namin 'yun sa isang publikong lugar.

"It's okay. Wala namang tao ng ganitong oras" bigla siyang nagsalita. She knew what I was thinking about. I nodded and tried standing up but my knees felt weak. Tinulungan ako nito tumayo. "Sorry, Alex" sabi nito habang nakasmirk. "Ang yabang." sabi 'ko sabay irap.

Nakakalakad naman ako ng maayos pagkatapos ng ilang minuto. Tinulungan 'ko si Bada mag-ayos ng studio at nilock na namin ito.

"Nagugutom ka ba?" sabi nito habang nag ddrive. I nodded. "Drive through na lang tayo sa Mcdo, para hindi na tayo bababa." ngumiti ito at nagdrive na papunta sa mcdo. Nag order lang ako ng isang chicken burger na may fries at coke float. She ordered fries and sundae dahil busog na daw siya. Napaka mo, Bada Lee!

Habang nakapark kami at kumakain, bigla siyang nagsalita. "So.. what are we?" it was an unexpected question pero alam 'ko naman ang isasagot 'ko but before that, I decided to tease her. "Masaya?" sabay tingin 'ko sa labas at kumagat ng burger 'ko. Sumimangot ito at pinagpatuloy ang pagkain niya.

"Hindi pa ba sapat ang nangyari para malaman mo kung ano tayo?" sabi 'ko pagkalunok. "We made love, Bada. Hell, we had sex." sagot 'ko. Uminom muna ako ng coke float bago nagpatuloy ng sasabihin 'ko. "I love you. I never stopped loving you. I never stopped wishing for your success. I never stopped thinking about you." tinignan 'ko siya ng diretso at mukhang naiiyak na naman ito.

"Don't cry, Lee.." kumuha ako ng tissue mula sa compartment nito at dinampi ang tissue sa pisngi nito. I'd wipe it with my hand kaso amoy pagkain. "I love you, I want to be with you. Not just today, but everyday. Hanggang sa next life, kung pwede." ngiti 'ko dito.

"I love you so much, Alex." halik nito sa akin.

I'm happy. My heart is happy. Para akong bata na nakuha ang prize sa mga birthday games. I know masaya din si Bada dahil sa nangyayari sa amin ngayon.

A few days left before her camp at sobrang excited ako dahil makikita 'ko ulit ito magturo ng sayaw at nakasuporta lang ako sakanya all through out.

We stayed at home for the last few days that were left, at sa lahat ata ng sulok ng condo ni Bada ay may naiwanan na kaming marka namin dito. Hindi kami nag sasawa sa isa't isa. Whenever she leaves even just for a minute ay para na akong nangungulila sakanya agad. Mawala lang din ako sa paningin nito ng ilang minuto ay para na siyang nawawalang bata.

"Kailan ka uuwi?" tanong nito sa akin habang nakayakap ito sa akin. My big baby. She was writing circles on my belly habang nararamdaman 'ko ang lungkot nito sa boses. I haven't told her na hindi pa pala ako nakakabook ng ticket. Naalala 'ko pala na 2 weeks lang ang sinabi 'ko rito. Nagpipigil ako ng tawa habang tinatanong kung bakit niya ito natanong. "Wala. Mamimiss kita eh. Wala na 'kong kasama, wala na din magbbaby sa akin. My girlfriend will be out of my sight already. Mamimiss 'ko 'yung amoy mo. 'Yung ngiti mo." narinig 'kong nag crack ang boses nito.

"I haven't booked a ticket to Philippines yet. Kahit na nung pumunta ako dito. It's like something was stopping me na magbook ng ticket pabalik sa Pilipinas." pumatong agad ito sa akin at nakita 'ko ang nagliliwanag nitong mukha "jinjja????" sigaw nito. Natawa ako sa itsura niya. "Yes po, mahal 'ko" tinadtad niya ng halik ang mukha 'ko. "Kailan mo balak bumalik??" pahabol niya. "Balak 'ko sanang..." kunwaring nag-iisip ako. "Dito na lang kumuha ng trabaho?" at sabay tumingin sakanya. Mas lumaki ang ngiti nito at mas lalong dinamihan ang halik sa mukha 'ko.

Kinuha 'ko ang laptop 'ko at agad naman akong nag-email sa HR ng MMC upang sabihin na pinili 'kong magstay dito sa Korea upang makahanap pa ng mas magandang oportunidad. They were saddened by the news dahil I would be a great addition daw to their team but they totally understood. It's going to be a huge step for me to stay here in a familiar-unfamiliar place but being here, with Bada, feels like home.

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon