Andito padin kami sa party. I'm hanging out with the younger members dahil kinikilig daw sila sa amin ng teacher nila. I find them cute. "So ano na kayo, Eunnie?" tanong ni Kyma. One of the youngest sa dance crew ni Bada. Nagulat ako sa tanong nito. "Masaya?" pang-aasar ni Aiki. "Tanong niyo si Bada." sagot 'ko na lang dahil kahit ako mismo ay hindi 'ko alam kung ano ba kami. Hindi na namin kailangan pang tawagin si Bada dahil bigla itong umupo sa tabi 'ko.
"I heard my name?" sabay halik nito sa pisngi 'ko. "Bada-nim!" Bati nito na parang kinabahan. "What are we nga ba, Alex?" tanong nito sa akin. I stared at her asking myself ano nga ba? "Lets talk about it when we get home?" Sabi 'ko na. Pumayag naman ito.
The party continued at sabi ni Aiki ay magiinom daw kami mamaya sa Xylo. Tumango ako. Umalis na din silang lahat dahil magpprepare pa daw ang mga ito para sa inuman mamaya. Syempre, ang mga baby girls ni Bada ay hindi nito pinayagan dahil mga bata pa nga. "Bada-nim!!" Pagpapacute ni Kyma. "I said no, Ky" mariin niya sinabi. "I'm sorry, Ky. Pero tama naman si Bada." Paghaplos 'ko ng buhok nito. Tumango na lang ito as a sign of defeat at umalis na sila ni Che-Che.
Bada opened the passenger's seat door for me habang hinayaan niya sila Aiki buksan ang pinto nila mag-isa. "Grabe ka na tol." Pang-aasar nito. "Wag kang sumakay ah." Balik nito. "Joke lang. Ito naman hindi mabiro." Tawa ni Aiki. Hinatid na namin si Aiki, Tatter at Lusher sa kani-kanilang condo. Nauna muna si Tatter, sumunod naman si Lusher at pinakahuli si Aiki.
"Tol. Si Noze nasa labas." Sabi ni Bada. Nagulat ito at sinabing "Puta. Anong ginagawa nito dito?" Naiinis na sabi ni Noze. Bumaba na ito at nagpasalamat sa aming dalawa. "Anong meron? Did they break up?" Pagtatanong 'ko. "Nakipaghiwalay si Noze dahil nasasakal na daw siya kay Aiki." Nagkaroon ng question mark sa mukha 'ko dahil sa pagkakaalam 'ko, mahal na mahal nila ang isa't isa simula palang nung college kami. Ginulo ni Bada ang buhok 'ko. "Chismosa." Inirapan 'ko ito.
"Alex, an--" magsasalita palang ito nang sinagot 'ko ulit ito. "Bada, aalis din kasi ako. Paano tayo?" mukhang nagulat siya sa tanong 'ko. "Anong gusto mo sanang regalo ang itatanong 'ko. Hindi 'ko naman alam na ngayon na pala natin 'yan pag-uusapan" tumawa ako. "Seryoso nga, Bada?" nanahimik ito at nag-isip.
Nasaktuhan na naka red ang stop light kaya hinawakan nito ang kamay 'ko. "Kailan ba nagkaroon ng paghihirap sa relasyon natin dalawa? Oo, alam 'ko nawala ako sayo nung naging kami ni Redlic, pero hindi naman naging hadlang ang distansya sa ating dalawa diba?" tanong nito. "But we were bestfriends, Lee." tumango ito. "And? Mas alam natin kung paano ihhandle ang ganitong sitwasyon dahil kilala natin ang isa't isa more than anyone in this world, hindi ba?" she gave a reassuring smile at bumalik ang atensyon sa daan dahil nag green na ulit ito.
"Natakot ako." mahina 'kong sabi. "Alam 'ko, at ako din naman." sagot nito without looking at me. "Pero saan tayo dadalhin ng takot, Alex? Sa buong 27 years ng buhay 'ko, natakot akong umamin sayo for 15 years." nagulat ako. 15 years na niya akong gusto? "Oo. 15 years." sagot nito. "Hindi ka nga umamin. Hinalikan lang kita." Pang-aasar 'ko.
"Kahit kailan talaga panira ka ng moment." Naiinis nitong sabi. "Aamin na nga sana ako ngayon kaso naunahan mo 'ko." she explained.
"Lee." tinignan 'ko siya.
"Hmm?" tanong niya.
"I like you." Pag amin 'ko. "No, scratch that. I love you. I love you from the moment I opened my eyes nung nasa ospital ako at nakita 'kong wala ka dun. I love you ever since then. Hindi lang ako makaamin sayo dahil bigla kang nawala and you got your heart broken by someone else. I've always felt something for you pero hindi 'ko ito pinansin dahil baka ako lang ang nakakaramdam nito." I started crying. "Nalaman 'kong mahal kita dahil sa mga araw na wala ka sa tabi 'ko, namimiss agad kita. Na makita lang kita saglit kahit hindi ako ang kakausapin mo, masaya na 'ko. Nabubuo mo na ang araw 'ko." I wiped my tears.

BINABASA MO ANG
Stay with me?
General FictionCassandra, a Doctor who's in love with Bada Lee, the top choreographer of the Philippines and Korea. Will they end up together or will the fate go against them?