Chapter 31:

110 3 1
                                        

Hindi pa kami nakakarating sa tapat ng bahay ni Bada ay naaninag na namin ang taong nakaupo sa labas ng gate. Si Aiki.

"Mahal, baba ka na? I'll just park the car. Ako na din kukuha kay Aurelia, samahan mo na muna si Aiki." sabi nito. Bumaba na din naman ako agad at mukhang nagulat si Aiki. I can see how tired she was from crying.

Ngayon 'ko lang nakita si Aiki na ganito. She's always the one who glues us all back together. Siya lagi 'yung ray of sunshine namin, ang clown namin. Hindi niya sinasabi samin mga problema niya dahil mas gusto niyang sinasarili 'to pero ngayon, parang may iba. Ngayon lang humingi si Aiki ng kasama sa mga gantong bagay at mas lalong ngayon lang siya nag-aya uminom ng may dahilan.

Niyakap 'ko ito agad at naramdaman 'kong tumulo ang mga luho nito sa balikat 'ko. "Tahan na." sabi 'ko. Pumasok naman na agad kami sa loob ng bahay ni Bada at dumiretso sa may balcony nito. Umupo agad si Aiki at sinubsob ang mukha niya sa mga kamay nito. Naririnig 'ko ang mga hikbi niya, habang ako naman ay kumukuha ng baso at yelo. Kumuha na rin ako ng tubig baka kasi gusto niya rin, pero kung alak naman ang trip niyang tunggain agad, g lang.

Umupo ako sa tabing upuan nito at hinayaan lang siyang umiyak. It's not that hindi ako marunong mag comfort pero dahil alam 'ko namang wala akong maiintindihan kapag tinanong 'ko siya kung anong nangyari na umiiyak pa siya.

Nakaramdam ako na may humawak sa balikat 'ko, tumingala ako at hinalikan naman agad ni Bada ang noo 'ko. I smiled. Ngumuso ako na yakapin si Aiki pero pabulong niyang sinabi na mamaya na. Kumuha ng upuan si Bada sa dulo ng balcony at umupo sa harapan ni Aiki.

Inalok 'ko ito ng tubig pero umiling ito. "Mamaya na alak, Aiks." saway 'ko sakanya. Sumandal ito sa upuan. "Tangina. Lahat naman ginagawa 'ko para hindi niya ako pag hinalaan. Lahat ng pag-update, ng pag send ng picture, lahat!" nagkatinginan kami ni Bada dahil parang nagkaintindihan kami kung ano bang nangyayari kay Aiki. "Ang hirap naman! Parang lahat ng gawin 'ko, hindi sapat!" sigaw nito.

Pinalo ni Bada ang bibig ni Aiki. "Tanga, magising 'yung bata bahala ka." natawa ng kaunti si Aiki at humingi ng paumanhin. "Ano ba kasing ginawa mo?" nagpapakwento ako. "Pumunta kasi sa bahay si Lee Jung, eh nasa trabaho si Noze. Bumisita lang naman siya sa bahay para na rin maging okay sana sila ni Noze eh kaso 'tong si Noze, 'di 'ko alam kung anong ihip ng hangin meron sa mundo non." kamot ni Aiki sa ulo niya.

"Bakla ka! Alam mo namang insecure 'tong si Noze kay Lee Jung dati pa diba?" tumango si Aiki sa sinabi 'ko. "Oh!! Bakit kailangan mong ipilit ang hindi dapat?" sabat ni Bada. "Para sana makamove on na ang lahat." napakamot na rin ako sa ulo 'ko sa rason na sinabi ni Aiki sa amin. "Tanga mo kahit kailan!!" sabi 'ko rito. "Mahal mo, diba? Intindihin mo saan siya nanggagaling. Hindi naman siguro sa hindi sapat lahat ng ginagawa mo, pre. Pero may mga instances kasi na kailangan mo din makiramdam. Alam 'ko naman na gusto mo lang naman maayos yung nangyari between them pero hindi mo kailangan ipilit na ayusin sila" payo ni Aiki.

Uminom na lang ng beer si Aiki habang nakatingin sa malayo. Tahimik lang kaming tatlo na nakadungaw sa malayo. "Buti pa kayo, masaya." basag katahimikan ni Aiki. Ngumiti na lang ako sakanya. "Masaya ka din naman. Hindi naman porket nag-aaway na kayo ngayon, hindi ka na o kayo masaya. Step 1 palang 'yan, Aiks. What more pag talagang mag-asawa na kayo."

"Matulog na kayo. Balita 'ko, madami kang gagawin bukas pre." sabi ni Aiki sa amin. "Dito ka na matulog, Aiki." sabi ni Bada. Tumango lang naman si Aiki.


Nagising kami ni Bada dahil sa katok ni Aurelia sa pintuan namin. Umiiyak ito. I checked the time and it's already 8 AM. Tumayo si Bada sa kama at binuksan ang pintuan sabay buhat sa bata. "What's wrong, anak?" tanong nito habang hinahaplos ang mukha. "B-bad dream.." sagot nito habang humihikbi. Ay sus ang baby namin :(

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon