"Salamat sa paghatid, Bada-nim!!" Ngiting ngiti na sinabi ni Lusher pagkababa ng sasakyan. Ang susunod naman namin na ihahatid ay si Tatter dahil mas malapit daw ito sa condo unit ni Bada.
"Wala naman klase mamaya diba?" tanong ni Tatter. "Wala. Bakit, gusto niyo ba?" Taas kilay na sinabi ni Bada. "Bye, Bada-nim" sabay takbo ni Tatter papasok sa kanyang building.
The whole car ride puro lang kwento sila Lusher at Tatter sa akin ng mga naging ganap sa buhay nila. I figured out that Lusher has a boyfriend named Min-seok, a well-known actor daw dito. Si Tatter naman ay wala daw oras sa mga ganun at sa pagsayaw daw muna ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Bada on the other hand was nothing but quiet while driving.
"Dito ka upo sa harapan. Hindi mo naman ako driver, di'ba?" masungit na sabi nito. Sumunod na lang ako dahil ganun din naman ang balak 'ko as a sign of respect for her.
"Bada, thank you sa pag-alok. I'll find an airbnb na lang para hindi na 'ko abala sayo" sabi 'ko pero nagdadasal ako na sana hindi siya pumayag.
"No need, I'm barely home naman dahil madami akong inaasikaso." Walang emosyon na sabi nito. "Bumili ka pa ng bahay." I whispered. Mukhang hindi naman ito narinig dahil nakafocus pa din ito sa pagddrive.
"Andito na tayo." sabi niya makalipas ng 15 minutes. Bumaba na ako at nakita ang 3 story na building. Kinuha 'ko ang maliit na bag na dala 'ko pati na din ang hoodie 'ko. I wrapped the sleeves around my waist. Kukunin 'ko na sana ang mga maleta 'ko nang sabihin ni Bada na siya na daw. Hindi ako pumayag at kinuha na lang ang medium sized na maleta 'ko.
Pinauna 'ko siya pumasok sa building dahil hindi naman ako pamilyar dito. "Dito lang tayo sa 1st floor." Nagtaka ako dahil gusto niya na lagi siyang nasa pinakataas ng building palagi. Hindi na ako nagtanong at pumasok na lang sa bahay nito.
Bada's condo wasn't what I expected. Sobrang minimalist lang nito. Pagpasok sa pinto ay meron pang isa pang pintuan na merong tatlong staircase. Tradisyon ng mga Koreano na iwanan ang mga sapatos na galing sa labas sa baba ng hagdan at iba ang tsinelas sa loob ng bahay. Inabutan ako ni Bada ng mukhang bagong biling slides. I can't stop smiling dahil binigay pa niya sa akin ang bago niyang bili at sobrang laki nito sa paa 'ko.
Once you enter the door, makikita mo agad ang black sofa nito dahil sa puting pintura ng bahay niya. May malaking sliding door sa gilid nito papunta sa garden nito. Katabi naman ng salas ni Bada ay ang maliit na kusina. May malaking ref, at marble countertop pati na rin ang gas stove nito ay maliit lang.
Dinala na ni Bada ang mga maleta 'ko sa kwarto kung saan daw ako magsstay. Katabi 'ko lang ang kwarto niya kaya nakalock lang ito. May sarili din namang banyo ang kwarto 'ko kaya hindi 'ko na kailangan lumabas pa. Thank you, Lord. Ang awkward 'ho kasi.
"Ang bigat ng mga dala mo. Ano ba 'tong laman nito, bahay mo?" banat nito. Wala pa nga akong sinasabi sakanya at inaasar na agad ako nito. "Wala ka na bang balak bumalik ng Pilipinas sa dami mong dala?" tanong pa nito. "Baliw, babalik din ako after 2 weeks" kako. Kahit na wala pa akong nabbook na ticket pabalik.
Bumalik na naman sa katahimikan si Bada at iniwanan ako. Sinarado 'ko ang pintuan at pinagmasdan ang kwarto na ito. Meron itong king-sized bed, malaking window na pwede 'kong upuan kapag gusto 'kong pagmasdan ang paligid. Meron din malaking table dito. Siguro dito siya nagttrabaho. Sabi 'ko sa sarili 'ko. Nilapag 'ko na ang mga necessities 'ko sa table na iyon at ang mga toiletries 'ko sa banyo.
Kumatok si Bada at binigyan ako ng twalya at isa pang kumot. "Oh ito. Baka kasi lamigin ka sa gabi and I figured na wala kang dalang twalya dahil sabi ni Aiki na 'wag ka na magdala." pag-explain nito. "Ahh. Oo. Salamat." sambit 'ko. Umalis naman na din siya agad sa harapan 'ko at pumasok ulit sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Stay with me?
General FictionCassandra, a Doctor who's in love with Bada Lee, the top choreographer of the Philippines and Korea. Will they end up together or will the fate go against them?