Bada's POV:
I was excited to be with Cass in Elyu. Pangarap kasi niyang pumunta dito dahil bukod sa magaganda ang tanawi, payapa pa. Cass has always been a fan of the sea. Dahil daw 'yun daw ang translation ng pangalan 'ko. Ang cute talaga niya.
Andito na kaming lahat sa airport at siya na lang ang wala pa. Natural naman na late comer si Cassandra pero hindi padin ako mapalagay.
Me: Saan ka na?
Me: Alex.
Me: Cassandra, nasaan ka na? Lahat kami andito na.
Tinatadtad 'ko na siya ng text nang may biglang tumawag sa akin.
Caller: Hi, is this Ms. Lee?
Me: Yes po, speaking.
Caller: Sinugod po dito sa St. Lukes si Miss Valdez, please come immediately.
Walang sabi akong umalis at iniwan ang gamit kay Tatter. Nagulat ito at hinabol ako ngunit hindi na niya ako naabutan. I immediately drove to St. Lukes at dumiretso sa ER.
Bakit 'ko ba kasi siya pinilit? Tangina naman, Bada. Pagpapagalit 'ko sa sarili 'ko.
"Miss Lee?" tanong ng isang nurse. "Yes po. Nasaan po si Cassandra?" walang pagdadalawang isip na pagtanong 'ko. "Kaano ano niyo po ang pasyente?" kaano ano nga ba kita, Cassandra. Tangina, bahala na. "Girlfriend niya po ako." Bahala na pag gising ni Cass.
I saw all the doctors cutting all her clothes off dahil malala ang pagkakabangga nito. Wala akong masyadong makita dahil napupuno na ng luha ang mata 'ko at madaming nakapalibot kay Cass.
Kung ano anong test at mga likido ang nakikita 'kong buhat ng mga nurse papunta sa kwarto ni Cass. May nakita din akong dalawang bag ng dugo. "She's B+" kako. All the doctors stared at me and nodded. The nurse guided me to the waiting room dahil pinapaalis na din ako ng mga doctor sa paligid. Dinala nila si Cassandra sa operating room.
Umiiyak ako ng naramdaman 'kong nag vibrate ang telepono 'ko.
Lusher: Bada-nim, saan ka? Hindi ka namin nakitang umalis.
Me: Nasa St. Lukes ako. Sinugod si Cassandra sa ospital.
Walang sabi ay binaba na ni Lusher ang telepono. Malipas ang ilang minuto na tila oras para sa akin ay nakaramdam ako ng kamay sa balikat 'ko.
"We're so sorry." Narinig 'kong sabi nito. Alam 'kong boses ni Aiki iyon. Napatingala na lang ako at umiyak pa lalo. Lusher hugged me. Kahit sino atang yumakap sa akin ngayon ay hindi ako maccomfort dahil ang gusto 'ko lang ay sana makasurvive si Cassandra.
Hindi 'ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kinauupuan 'ko nang gisingin ako ni Lusher at sinabing gusto daw ako kausapin ng doctor. Napatayo agad ako at naramdaman ang panlalamig ng buong katawan 'ko.
"The operation was successful. She had few broken ribs, and nagkaroon din siya ng concussion. Hopefully she will be able to wake up without anything wrong." Napaiyak ako sa saya dahil magiging okay siya. Magiging okay yung taong gusto 'ko pa makasama araw-araw.
I stayed by her side everyday. I missed a few of our classes pero my friends always made sure na makakakuha sila ng notes for Cassandra and I. Our professors were kind enough to give us a recorded lecture dahil alam nila ang kalagayan ni Cass.
Ilang araw na hindi nagigising si Cassandra. Nag-aalala na ako pero nagtataka padin ako dahil hindi 'ko man lang nakitang tumawag ang mga magulang ni Cassandra. Mas madalas pa ang pagbisita ni Mommy dito.

BINABASA MO ANG
Stay with me?
Ficción GeneralCassandra, a Doctor who's in love with Bada Lee, the top choreographer of the Philippines and Korea. Will they end up together or will the fate go against them?