Chapter 9:

62 0 0
                                    

5 Months have passed nang makarating ako dito sa Arizona. Alam ng parents 'ko na andito ako sa America but I don't plan on meeting them, dahil alam 'kong wala naman silang pakielam sa nangyayari sa buhay 'ko.

I bought my first apartment here in Arizona. Hindi naman ito kalakihan pero sapat na ito para sa akin. Bumili din ako ng isa pang telepono para new start. Punong puno kasi ng memorya namin ni Bada ang isa 'kong telepono. Ayoko naman ito burahin dahil halos buong buhay namin anduon na. Bakit kasi gumawa pa ng cloud eh.

I still love her. Kayo ba naman ang lumaki na magkasama simula pagkabata. I still miss seeing her smile, seeing her dance, seeing her as a whole. Dinala 'ko ang naiwanang hoodie ni Bada sa condo 'ko. Simpleng grey hoodie lang ito na may Nike na tatak sa may left side. I always wear this kapag namimiss 'ko siya. Parang yakap niya kasi ako kapag suot suot 'ko ito.

Day off 'ko ngayon at napag pasyahan 'kong mag pamper day. I wore a plain white crop top at sweatpants na grey with slides para comfortable ako. There's a saloon near my apartment building kaya dito ako pumunta. I plan on coloring my hair ash blue. Tutal naman maputi ako and I think babagay ito sa akin.

The hairstylist said that she had a better idea which is giving me an ash blue highlight and cutting my hair short. Hindi ako pumayag sa length ng hair na gusto niya at nagsuggest na lang na maglagay ng bangs dahil hindi 'ko pa ito nasusubukan. I also got a manicure and pedicure. I also decided to get a hair treatment tutal andito naman na ako.

"You look beautiful, Ma'am" sabi ng isang hairstylist. Hindi 'ko alam kung ginogoyo lang ako ng mga ito para bumalik ako dito.

Habang nagaantay ako matapos ang ginagawa sa akin, tumawag si Gabrielle. Siya lang ang sinabihan 'ko ng number 'ko dito sa america.

Gab: Taray ni Madam, oh.
Me: Annyeong, Gab!
Gab: Korean ka na uli? Hahahah
Me: What do you want?
Gab: Pumunta na naman siya dito kanina, asking kung nakausap na daw ba kita.
Me: Ano sabi mo?
Gab: Hindi ako nagpakita. Ayoko na magsinungaling, Xandra.

Si Gabrielle ang nagsilbing bestfriend 'ko. Dapat ay kasama 'ko siya dito ngayon pero on an unfortunate event, hindi na siya tumuloy. Pinili niyang magstay sa Pilipinas para daw kasama niya ang asawa niya. Gabrielle's been there since day 1 'ko dito sa America. Hindi niya ako pinabayaan. Laking pagsasalamat 'ko sakanya. Kapag nagrrelapse ako, kahit madaling araw pa sa Pilipinas as sinasagot niya ito. Her wife understood everything and I'm also grateful for Christine dahil hindi niya ako pinapalayo sa asawa niya.

Noong nakarating ako dito sa America, sa apartment niya muna ako tumira dahil wala naman daw nakatira dun hanggang sa nakapundar ako ng pera para makabili ng sarili 'kong place. If it weren't for Gab, siguro walang direksyon ang buhay 'ko dito sa America ngayon.

My parents just give me money as an allowance pero hindi talaga ako humihingi sakanila. They insisted on helping me out lang. Thankful na din ako sakanila kahit papaano dahil sinusustentuhan padin nila ako, kami ni Summer.

Nagpatuloy lang kami ng kwentuhan at nang natapos ako, nag paalam na din ako sakanya. Palagi daw akong hinahanap ni Bada sa lahat ng mga kaibigan namin. Wala naman akong pinagbigyan ng number 'ko. Hindi 'ko na rin kinakausap sila Tatter, at hindi na rin ako active sa social media 'ko. I didn't mean to leave them hanging or cut connections with them. I just thought it would be better for me and for Bada.

5 months na akong nagttry sirain ang binuo ni Bada. Ginawa 'kong bisyo ang pagttrabaho. Bahay at ospital lang gawa 'ko.

I felt confident with how I looked, I was admiring myself in the mirror when I received an unknown caller. Walang number na nakasulat, Unknown Caller ID lang talaga. Sagutin 'ko ba 'to? Baka si Bada 'to.

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon