Warning: Sexual Assault; Rape.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang marinig 'ko na nasa ospital ang kapatid 'ko. Hindi man kami ganun kaclose ay kapatid 'ko padin siya at responsibilidad 'ko siya. I immediately booked a flight back home for today. Fingers crossed na meron pang flight ngayong araw na ito at meron nga! Last seat available kaya may kamahalan ito kumpara sa normal na rate. Wala na 'kong pakielam dahil para naman ito sa kapatid 'ko.
Wala na akong dalang gamit at dali daling pumara ng taxi sa labas. Sarili 'ko lang ang dala 'ko at suot 'ko padin ang suot 'ko kanina sa presentation 'ko.
Nang makarating ako sa airport, dire-diretso ako sa counter para kunin ang boarding pass 'ko. Napansin siguro nito na nagmamadali kaya wala na itong masyadong madaming tanong. Immigration went smooth than usual dahil meron naman akong American passport, at sinabi 'kong kailangan 'kong makauwi agad dahil sa sitwasyon ng kapatid 'ko. Tumakbo agad ako sa gate dahil boarding na ito agad. Ako ang pinaka huling pasahero na sumakay.
Ang daming tumatakbo sa isip 'ko. Anong nangyari sa kapatid 'ko, anong gagawin 'ko, sasabihin 'ko ba kila Mama at Papa? Anong mangyayari kapag nakita 'ko si Bada, andun kaya siya? Alam 'kong isa din sa emergency contact ni Summer ang ate Bada niya.
Nakatulog ako kakaisip. I barely ate anything sa flight na ito. Pag lapag ng eroplano ay mas hindi ako napakali dahil gusto 'ko lang makita si Summer at malamang kung okay lang ba siya. Dali dali akong lumabas ng eroplano, dumiretso papuntang taxi bay. Naintindihan naman ng driver na nagmamadali ako kaya wala itong masyadong tanong.
Thank God dahil walang nangiinis sa akin ngayon dahil baka mapaaway ako.
Nang makarating ako sa ospital, si Gab agad ang nakita 'ko sa may Nurse's station. "ICU Bed 1, Cassandra." sagot agad nito. Sinamahan niya ako at hinawakan ang kamay 'ko. I'm not used to seeing my sister like this. Mas matapang ito sa akin, mas palaban. Mas marunong lumaban. Seeing her like this makes me angry. Napupuno ng galit ang puso 'ko. Sa sarili 'ko, sa mundo, sa magulang 'ko. "Anong nangyari, Gab?" tanong 'ko.
"Dinala siya dito ng isang babae, hindi daw niya ito kilala at mukhang ginahasa daw sa may P. Noval." kumuyom ang palad 'ko. "We already tested her area with the rape kit.." dahan dahan akong tinignan nito. "It turned out positive." bumigay ang buong katawan 'ko sa sahig. Lumuhod naman agad si Gab para alalayan ako. "She suffered head injuries at stab wound sa may bandang kaliwang bahagi ng katawan niya." Pag eexplain pa nito. "Doctor's already stopped the bleeding and did a Craniotomy." alam niyang gusto 'ko marinig lahat kahit sobrang bigat nito para sa akin.
"Nagbigay na din kami ng 5 mg of Morphine for her to help her relieve the pain." Saad pa nito. "Simula kagabi, stable naman lahat ng vital signs niya. She's a fighter, Cassandra. She will be okay." Yakap nito sa akin ng mahigpit.
Inupo ako ni Gab sa sofa na nasa room ni Summer. We all used to call her Ellie. Well, ako lang. She called Ate Alex. Police came in to interview Ellie pero hindi padin ito gising kaya nag pasya akong mag tanong kung anong nangyari.
"Base sa mga reports na nakuha namin sa mga huling kasama niya, hinila daw siya ng boyfriend nito sa may eskenita ng P. Noval. Tinanong na din namin ang naturingang boyfriend nito at hindi naman daw totoo. We're getting more information, Miss Valdez." sagot ng isang police. "Hanapin niyo kung sinong may gawa nito sa kapatid 'ko!" sigaw 'ko. Tumango lang ang mga ito at umalis na.
"Forensics already took evidences, Cassandra." Pagpapakalma ni Gab sa akin.
Sa dami dami ng pwedeng mangyari sa kapatid 'ko, ito pa. Bakit naman? Masama ba kaming tao? Mabuting anak, kapatid at kaibigan itong si Ellie. Hindi dapat niya ito naranasan. Iniiyakan 'ko ang kapatid 'ko habang nakaupo ako sa gilid nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/353187030-288-k323095.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay with me?
General FictionCassandra, a Doctor who's in love with Bada Lee, the top choreographer of the Philippines and Korea. Will they end up together or will the fate go against them?