Chapter 24:

54 0 0
                                        

I left Korea with nothing left but my letter for her and the polaroid. Masakit man isipin na aalis na naman ako at iiwan siya pero para na din siguro ito sa aming dalawa. I guess hindi talaga kami para sa isa't isa. Baka hanggang magkaibigan lang talaga kami, or worse, baka we're just meant to be a part of each other's story. Ang unfair ng mundo 'no? Hindi ako hinahayaan maging masaya.

I was seated by the window when a man who's wearing a suit and tie sat next to me. "Doc. Valdez???" tanong nito. I faced him and realized that it was my mentor before. "Doc. Ogaya??" nakingiti 'kong binati ito kahit na namumugto ang mga mata 'ko. "Are you alright, ija?" tanong nito. "Ahh, sa totoo niyan doc.. Hindi po kasi ako pinagpala sa Korea. My score was off by 2 kaya unfortunately, I had to come back." sabi 'ko sakanya. I can see how the smile on his face faded. "Okay lang 'yan, ija. Wala namang nagsisimula sa itaas diba?" sabi nito sa akin. I nodded and gave him a smile.

"Ano na balak mo niyan?" tanong nito. "I'll find a work na lang po ulit sa Pilipinas, Doc. I'm also planning to pursue pediatrics and as an ER doctor po." sabi 'ko rito. "Saktong sakto pala at hiring kami ngayon sa St. Lukes. I'll talk to the HR once we land." sabi nito sa akin. I gave him a big thanks. "Oh, magpapahinga na muna ako ha? Galing kasi akong 16 hour surgery dito sa Korea at ito lang ang oras ng pahinga 'ko." tumango ako at nagpasalamat na ulit sakanya.

After 4 hours ay nakarating na din kami sa Pilipinas. Sabay kami ni Doc lumabas ng plane at agad naman niya tinawagan ang HR nila. "You're hired already, Doc Valdez." laking ngiti ni Doc. "Talaga Doc????" napatigil ako sa paglalakad. "Yes. You start on Monday." sabi nito sa akin. I shook his hand and thanked him for the opportunity.

Pagkadating 'ko sa bahay ay nakita 'ko si Ellie na nakahiga sa sofa at nanunuod. Hindi 'ko sinabi sakanya na uuwi ako kaya gulat na gulat ito. She even screamed her lungs out when she saw me open the door. "Putangina mo ang sakit sa tenga!!!" sigaw 'ko rin. She ran to me and hugged me really tight as if hindi ako makahinga. "Ate!!! YOU'RE HOME!!!!" sabi niya sa akin. "Alis na ba 'ko?" tanong 'ko rito na may halong pang-aasar. She pouted. Manang mana sa akin 'tong babaeng 'to.

She helped me unpack my bags. "Anong nangyari 'te?" tanong agad nito sa akin. Lagi naman kami nag-uusap ni Summer kahit nung nasa Korea pa ako pero yung mga recent events ay hindi 'ko nasabi sakanya. Tumigil ako sa pag-aayos at tinanong siya "May alak ka ba dito?" nagtaka ito pero sumagot naman na meron daw siyang tequila sa may likod ng kabinet.

Kinuha 'ko ito at kumuha na rin ng dalawang shot glass. I think I need to drink to open up this topic again. "Inom muna tayo." there's a huge question mark on her face pero hindi 'ko na ito pinansin dahil umupo naman ito sa gilid 'ko. I gave her a shot at sabay kaming uminom. Inumpisahan 'ko na ang kwento hanggang sa pinaka huling nangyari when I didn't realize na ako na lang pala ang umiinom dahil hindi 'ko na binibigyan ng shot si Ellie. Hindi 'ko rin napansin na umiiyak na naman ako.

"I'm so sorry that I wasn't there, ate. Sana tinawagan mo ako.." sabi nito na naiiyak din. "Hindi mo naman dapat problemahin problema namin, Ellie." sabi 'ko rito. Niyakap niya ako. "You are loved by many, ate. Lalo na si Ate Bada, alam 'ko 'yan." I just looked at her with nothing but pain in my eyes.

I didn't realize that I was already too drunk when I stood up. Tumakbo agad ako sa CR para sumuka. Ellie held my hair up and helped me wash my face. Siya na din ang nagbihis sa akin. Nakatulog naman ako agad pagkatapos nun. Naalimpungatan na lang ako nang marinig 'kong may kausap si Ellie sa telepono.

"Ate, I think you should give her some space muna. Mukhang madaming kinimkim si Ate Cass. Let her be na lang muna."
"I will. Pero not now, I hope you understand."
"No, please don't. Hindi ka makakatulong sa sitwasyon."

Ayun lang ang narinig 'ko at nakatulog na ulit ako.


It's finally Monday today. First day 'ko bilang isang ganap na doctor, at first day 'ko din as a pediatric and ER resident. I'm so happy dahil dito, kahit na sobrang hirap ng buhay, ay pakiramdam 'kong welcome ako at pakiramdam 'ko din na Philippines is the right place for me to be in.

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon