Chapter 17

63 1 0
                                        

Author's Note:

Mahaba po ang POV ni Bada kaya sana 'wag kayong magsasawa basahin ito! :) I'll try to separate it into 3-4 chapters.

Thank you! Enjoy, Bada babes! <3

***

Bada's POV

Buong buhay 'kong kasama si Alex kaya hindi ako sanay at hindi ako masasanay na wala ito sa paligid 'ko kapag umalis ito. Sabi niya kay Aiki ay pigilan daw namin ito pero hindi ako papayag na tigilan niyang abutin ang pangarap niya nang dahil sa akin o sa amin.

I've been with her through her ups and downs simula nang napagpasyahan niyang maging MedTech at maging isang doctor. Kaya ayaw 'kong masayang ang isang malaking oportunidad para sa kinabukasan niya.

Kinumutan 'ko ito at hinalikan ang noo. Binulungan ko siya na wag na siyang umalis dahil sa ganuong paraan lamang ako nagkaroon ng lakas na sabihin ito sakanya. Dumiretso na ako sa kwarto niya pagkatapos pero hindi ako makatulog ng hindi 'ko siya katabi. Kaya napagpasya 'kong matulog sa sahig dahil masyado akong matangkad kung ipipilit 'ko pa ang sarili 'ko sa sofga niya ay baka mabalian ako ng buto.

Makalipas ng isang linggo ay may pasok na si Alex ngayong araw na ito kaya napagpasyahan 'kong ihatid sundo ito hanggang sa makaalis siya ng bansa. Kahit na palagi siyang night duty, at kailangan 'kong gumising ng maaga para sunduin siya ay okay lang. Para sakanya. Para makasama 'ko pa siya.

Naawa na ako dito sa mahal 'ko. Wala na siyang oras ng pahinga kaya ang tanging dasal 'ko lang araw-araw ay maging doctor na ito agad.

Nang maibaba 'ko si Cass sa may parking area ng ospital ay nakita 'ko si Gabrielle, ang bestfriend niya daw sa ospital. Kampante ako at may kasama si Cass ngayon dahil madalas ay siya lang mag-isa. Magaan ang loob 'ko kay Gab kaya okay lang sa akin na madikit ito kay Alex.

I went on with my night after 'kong ihatid si Cass. I made sure to alarm at around 2 AM dahil alam 'kong itong oras ang pipiliin ni Cass para  kumain. I wanted to see her face kaya I called her through facetime.

Me: Kumain ka na? Open mo cam mo.

Sumunod naman ito agad sa utos 'ko. I saw her eating a salad at para akong nakahinga ng maluwag dahil nakakain naman ito kahit na alam 'kong toxic ang shift niya. Gabing gabi pero parang ang daming sinusugod sa ospital ng ganung oras.

Napansin 'kong parang kakaiyak lang nito kaya agad 'kong tinanong kung okay lang ba siya pero sumagot si Gab in a way na hindi 'ko ito maintindihan.

Sinagot naman nito ang tanong 'ko kaya nagpaalam na ako para matulog dahil susunduin 'ko pa si Alex mamayang umaga.

Nakatulog ako ng mahimbing kaya 9 AM ay gising na ako. Nag gayak na ako para saktong 10 ay nandun na agad ako sa harap ng ospital nila. Alam 'ko kasing mag bbook iyon ng grab para hindi na makaabala sa akin kaya agad 'ko itong tinext.

Me: I'm here.

Nakita 'ko itong lumabas ng may ngiti sa mukha. Kinwento niya sa akin ang mga nangyari sa duty niya at kahit mismo ako ay naging proud dahil nakahabol agad ito. She's so smart. My love is so smart.

Kasama 'ko lang si Alex buong linggo at November 30 pala ngayon kaya napagpasyahan 'kong wag muna siyang samahan ngayong sunday dahil pagpplanuhan 'ko ang birthday nito. Ayaw na ayaw niya ang araw na pinanganak siya kaya I'll make it special kahit pa palagi kaming magkasama kahit dati pa. Bukas 'ko din balak na aminin ang nararamdaman 'ko para sakanya.

Pumunta ako sa ospital kung saan si Cass nakadestino at hinanap si Doc Ogaya upang mapakiusapan kung pwedeng bigyan si Cass ng break buhkas dahil birthday niya. Pumayag naman agad si Doc at inaya 'ko na rin ang iba niyang mga PGI. Luckily, they all agreed. Some of them were assigned to morning duties kaya ang mga night duty na lang ang pumayag.

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon