Chapter 22:

56 2 1
                                    

Months later, everything went smooth after Bada's Summer camp. She became busier than she usually is. She changes from one studio to another, sometimes being recruited to teach dance lessons to another studio as well. After the success of her choreography for Aespa's Next Level, mas lalong naging madami ang mga artist na ginagawan niya ng sayaw.

Of course, when her dance became even more popular, kahit na sa chorus part lang ito, when Aespa filmed their dance practice video, dumami ang nagrrequest kay Bada na ituro ito sa klase niya. Nung una ay nahihiya pa ito pero nung sumakailan naman ay tinanong niya if gusto 'ko daw ba siyang videohan. Syempre, pumayag ako.

Me, on the other hand, I started applying for jobs in the medical field here in Korea pero dahil kulang ako sa experience, kailangan 'kong pang mahasa sa lingwahe dito at kailangan 'ko din ng lisensya ng Korea ay napagpasya 'kong mag stay na lang bilang videographer ni Bada sa mga dance classes niya o kaya sa mga events niya. It's a huge step for me dahil I gave up my life long dream of becoming a doctor pero okay lang din dahil nakakasama 'ko naman si Bada. Her agency also gives me a good enough pay for every video that I take and mas malaki pa ito kapag nag viral.

I live with her, I see her everyday, I go with her everywhere. Masaya ako sa mga nangyayari para sakanya dahil nakikita 'ko 'yung Bada na dati ay hinihiling na sana makagawa siya ng mga sayaw para sa mga iba't ibang artist, sa Bada ngayon na naabot na ang pangarap niya. I couldn't be more proud.

"OKAY IN 3, 2, 1!!" sigaw niya sa mga studyante niya. Nasa JustJerk Academy kami ngayon at nagtuturo siya ng Shirt by Sza. Mas dumami ang mga nagiging studyante ni Bada sa bawat pasok niya. She only teaches every Tuesday and Saturday dito sa JustJerk, Mondays and Thursdays naman sa Urban Play. Sa mga ibang araw ay kung hindi ito busy sa mga meetings niya ay kami naman ang magkasama, pero sobrang dalang lang ng mga moments na ganun.

I was sitting on one corner dahil pinagmamasdan 'ko si Bada na nagtuturo sa harapan. She's wearing a white baby tee, may blue flannel long sleeves itong suot. She partnered it with her grey sweatpants at black air jordans. The logo of her boxers can be seen para daw maangas tignan. She can pull it off kaya tinatawanan 'ko na lang.

She asked me to put her hair in a bun habang pinagpapahinga niya ang mga studyante niya for the final calling ng mga sasayaw at vvideohan 'ko. "Hand me the towel, baby?" pakikisuyo 'ko. Pupunasan 'ko kasi ang mga pawis nito at ang anit niya para maayos 'kong matali ang buhok nito. Inabot naman niya agad ang tuwalya sa akin na nakangiti pa.

"My pretty big baby" sabi 'ko habang tinitignan siya. "Kiss?" she pouted lang a cute little kid. Haaay, this woman. I gave her a quick peck on the lips dahil baka makita ng ibang tao pero buti na lang ay busy ang mga ito.

After a few minutes ng pagpapahinga ay sinabihan na niya ako na mag-vvideo na daw ako. Tumango ako at sinundan siya. I also dimmed the lights and changed it into color blue to match her outfit pero not dimmed enough na wala akong makikita sa video. I saw her through the camera and I was, again, captivated by her beauty. She called upon Tatter, Che-che and Kyma to dance with her.

Yes, andito na din si Kyma, Che-che, Minah at ang newly recruited daw nila na si Sowoen.

They did some markings first before I can take a video. When Bada gave me a go signal, I gave her a thumbs up. I filmed everything smoothly and even got caught up in the moment dahil pakiramdam 'ko ako ang sinasayawan ni Bada.

Pagkatapos ng klase nito ay nagpasalamat na siya sa lahat ng dumalo. Nagpapahinga ito sa gilid 'ko nang bigla niya akong tinanong "are you happy?" nagulat ako rito dahil parang may alam ito na hindi 'ko alam o hindi 'ko pinapansin. I couldn't look at her in the eye dahil alam 'kong baka may masabi ako kaya patuloy lang ako sa pag-edit ng video niya. "Look at me." utos nito. "Wait lang po." I said to stall a few seconds for myself to think.

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon