"Oh? Ano 'yun?"
"Sige tanong 'ko si Ate Alex niyo."Humarap ito sa akin at biglang sinabi "Punta daw tayo sa Cheongsando Island. Nag-aaya sila Tatter." ngumiti ako at tumango.
"Oo daw."
"Ha? Bukas agad? O sige sige."Mukhang excited ang mga ito makapag relax. I appreciate Tatter for wanting me to come. Opportunity 'ko na rito para malibot ang Korea kahit papaano. Nagbayad na si Bada dahil siya daw ang magbabayad at wag na raw ako makipagaway. Hands down talaga dito sa babaeng 'to kapag gusto manglibre eh.
Umuwi na din kami agad dahil mageempake pa kami. 3 days daw kami duon.
Pagkatapos 'ko mag empake ay tinapos 'ko na agad ang pag-edit ng video nila dahil kailangan daw ito sa isang araw. I prefer finishing all my tasks within the day dahil hindi na ako magccram pa.
Kumatok ako sa kwarto ni Bada. "Lee? Papakita 'ko lang sana 'yung dance video niyo kanina. Tapos 'ko na kasi iedit." Binuksan naman niya agad ang pintuan at nakita 'kong nageempake pa rin ito. Nilapag 'ko ang laptop 'ko sa kama niya at pinlay ito.
"That's nice, Alex. Thank you ulit ha?" Pinakita 'ko rin ang isa pang video na gawa 'ko. Nakalimutan 'kong picture pala namin na magkadikit ang mukha at nagpapacute siya ang screensaver ng laptop 'ko kaya dali-dali 'kong tinago ito sakanya. Buti na lang ay busy ito sa pagempake. "Ito pa oh. Pili ka na lang." pinanuod niya din ito. She chose the first one dahil mas clean daw ang transitions nito to the next part ng kanta. Tumango ako at pinasa sa email niya ang video.
Inupload naman agad ni Bada ito sa YouTube channel ng JustJerk dahil dito sila nag film. Wala pang isang oras naka 100,000 views na agad ito.
"Gara ng mga fans mo, Lee. Dami mo agad views." Pang-aasar 'ko rito habang tinutulungan 'ko siya impake. Napaka arte naman kasi nito. Gusto niya daw pogi siya tignan sa mga pictures niya kaya nahihrapan siya mamili ng damit. "Fans ng aespa 'yan, tanga. Anong fans 'ko?" sabi nito. Napaka humble talaga nito ni Bada. "Ay ewan 'ko sayo, bulag!" sabi 'ko na lang.
Natulog na kami parehas sa kanya-kanya naming kwarto dahil maaga pa daw kami aalis dahil may mga dadaanan pa itong si Bada.
Gumising ako ng 8 AM ulit para makapagluto ng breakfast namin ni Bada. Saktong sakto naman ay nagising na ito pagkatapos 'ko at umupo na sa may mataas na upuan. Kinakamot pa nito ang mga mata na parang batang kakagising lang. Ang cute.
"Kain ka na, maliligo na ako." Tumango lang ito. Dumiretso na ako sa CR para maligo na. Pagkatapos 'ko ay nagbihis agad ako. I chose to wear a denim shorts today at baby tee ulit. Who am I without my baby tees. Medyo may kalakihan naman ang dibdib 'ko kaya mukhang naka hang ito. I preferred to wear a normal bra today instead of sports bra. I partnered it with my Jordan 1s na color black.
Hindi pa ako nakakasuklay pero lumabas na ako sa kwarto habang pinupunasan ang buhok 'ko. Muntik nang mabulunan si Bada nang makita ako. "Oh, okay ka lang?" tumango lang ito habang uminom ng tubig.
Diretso ito sa bigla sa kwarto niya. I figured that she wanted to take a bath. Makalipas ang isang oras ay hindi padin ito lumalabas sa kwarto niya. I decided to check up on her. "Lee, okay ka lang?" tanong 'ko habang kumakatok. "O-Oo." para itong nasasaktan. "Huy, bilisan mo na! Kala 'ko ba may aasikasuhin ka pa?" sigaw 'ko. "Wala na." sagot niya lamang. I decided to wait in the living room.
"Sorry. Uh. May ginawa pa kasi ako." sabi nito. "Tara na?" Tumango ito. Magttaxi lang daw kami papunta sa bus terminal. Duon na din daw kami magkikita nila Tatter.
BINABASA MO ANG
Stay with me?
General FictionCassandra, a Doctor who's in love with Bada Lee, the top choreographer of the Philippines and Korea. Will they end up together or will the fate go against them?