Chapter 34:

130 3 2
                                    

Andito na ulit ako sa studio dahil nauna na si Bada sa akin umalis. Kasama 'ko padin 'yung dalawa. Hindi pa naman nagsisimula ang pag shoot kaya naman nagkkwentuhan muna kaming tatlo dito. Ngayon 'ko lang nalaman na breadwinner pala itong si Rachel, at ganun din si Michael. Miss na miss na daw nila ang pamilya nila lalo na't malapit na mag pasko. "Galingan niyo, para makauwi kayo." sabi 'ko sa mga ito. "Ikaw, doc? Hindi ka uuwi?" sabi agad sa akin ni Rachel. Sasagutin 'ko na sana ito but my phone rang. Lumabas muna ako sandali dahil si Doc. Ji Hye ang tumatawag.

Me: Hi, Doc.

Doc. Ji Hye: Goodmorning, Doc. Valdez. I just want to inform you that I'll be separating the three of you for tomorrow's shoot. I think you'll be instructed by the directors there where the sets will be. I've added new people to your team for tomorrow only. Please relay this to Rachel and Michael.

Me: Noted, Doc. Thank you.

Anong separate? Huh? Napakamot ako sa ulo 'ko nang bigla din akong nilapitan ng assistant ng director and I figured na it's about tomorrow. She was speaking in Korean. Sabi nito ay mag ffilm na daw sila ng music video for the chosen main dancer for each class. I was assigned to be with the Leader's group at sila Rachel at Michael naman ay sa ibang grupo. I relayed it to them after being instructed at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Rachel. "Pipicturan 'ko para sayo!" sabi 'ko rito na ikinaliwanag naman ng mata niya.

Nagbalik kami sa mga pwesto namin dahil everyone else was there at nakita 'ko din na hinahanap ako ni Bada. I smiled at her and gave her a slight nod which means "kaya mo yan" for us. She smiled back. Nag aannounce na ang host kung ano ang mga rules at mga kailangan gawin ng mga dancers per class. Kung sino daw ang mapipiling main dancer, siya daw ang bahala sa lahat ng mangyayari sa shoot bukas. Magiging director ang mga ito at sila din ang bahala sa pag position ng mga dancers.

It was starting already and kahit nanunuod lang ako, ako ang kinakabahan para sakanila. Nauna ang rookie class kung nasaan si Tatter. She was dancing with all her might. Grabe manghang mangha ako dito kahit na palagi 'ko naman siyang nakikitang sumayaw. She was called again dahil kailangan daw mamili ulit ng mga judge. I saw Bada and Tatter hug at narinig 'kong sabi nito na "I'm passing my energy to you!" cuties!

Tatter didn't make it as a main dancer pero sobrang ramdam 'ko ang pagkaproud ng buong Bebe team dito. Kahit ako, sobrang proud rito. Sumunod naman ang Middle Class kung saan by pair ang mga ito. Unfortunately, Che-che and Kyma weren't chosen but they really proved themselves by dancing. I was so proud of them at nakita 'ko din kung gaano kasaya si Bada.

Sumunod naman ang mga sub-leaders kung nasaan si Lusher. My eyes went straight to her giving her a huge smile. Napangiti naman ito at sumayaw with her own style. She literally slayed the dance pero sadly, hindi ito napili. Ramdam 'ko ang pagka dismaya niya pero I gave her a thumbs up when she looked my way. Para akong nanay ng mga 'to! Ngumiti naman ito.

Lastly, it was the leaders turn. Lahat ata ng mga nanunuod ay ito ang pinaka inaabangan. I immediately stood where Bada can see me with her peripheral view. I saw her wearing a black sleeveless shirt na nakatucked-in ang kalahati nito sa bra which also mimicks the shape of a sports bra and the same leather jacket and pants she wore yesterday. Hot mo, tangina. Tinanong muna ng isang judge kung kanino ang choreograph na napili at inexplain naman ni Bada agad na sakanya 'yun and what was her concept in making the song.

They were in 2 lines. Nauna si Bada, Mina, Nob at Funky_Y sumayaw. Sumunod naman sina Akanen, Kirsten, Lia Kim at Halo. My eyes were pierced and focused on Bada dahil siya lang ang nakakalamang sa unang linya. Nang matapos ang linya nila Bada ay narinig 'ko ang mga bulungan ng mga direktor na sobrang galing daw ni Bada sumayaw. Kahit sila ay napapanganga sa pag galaw nito. Kirsten was the one that caught my eye sa second line. Habang sumasayaw siya ay nakita 'ko kung paano imonitor ni Bada ang mga kilos nito. I knew she was going to try something to level the competition. That's how her mind works.

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon