Chapter 3:

100 1 0
                                    

Bada's POV:

Miss 'ko na si Cass. Ilang linggo 'ko na siyang hindi nakikita. Grabe naman kasi siya sa pagmamahal niya sa pangarap niya. Hindi 'to mamamatay dahil sa kung ano eh. Sa pagiging doctor niya 'to mamamatay eh. 

Tawagan 'ko nga. 

Aba, hindi ako sinasagot. 

To: Alex ♡ 

Ganda ka ba? Hindi mo man lang sagutin tawag 'ko? 

To: Alex 

Hoy Valdez, ano na? Baka naman gusto mo 'ko pansinin.

To: Alex 

Patay ka na ba?

Ayaw mo 'ko sagutin ah. Sige, galitin mo 'ko.

To: Alex 

Alexandria Cassandra Valdez. 

I call her a lot of things. Alex, Cass, Valdez, Lex, etc. I only call her Alex when I want to tell her something serious which is very seldom. Cass for everyday use. Ang cute lang niya dahil she doesn't like it when other people call her Cass or Alex. Gusto niya daw na ako lang tatawag nun sakanya. 

Napaka-ganda mo naman, Cass. Ayaw mo 'kong pansinin. Puntahan na lang nga kita. 

Nag-ayos ako ng sarili. Nagsuot ako ng black sweatpants at black na crop top na hapit sa katawan 'ko. I love wearing oversized shirts and sweaters dahil matangkad ako, pero on most days, gusto 'ko din ipakita yung hubog ng katawan 'ko dahil maipagmamalaki 'ko naman ito. Cass always gives me the confidence on wearing these type of clothes. Lagi 'ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin, para akong matutunaw sa tuwing titignan niya 'ko. Mali, Bada. Bestfriend mo 'yan. Hindi ba pwede?  Ay hindi, Bada. Tigilan. 

Nagbook na lang ako ng grab dahil gusto 'ko din magtipid sa gas. Wala pang ilang minuto ay may nag accept agad. Habang inaantay 'kong dumating ang driver, nagpabango na ako. Again, si Cass ang nagbigay nito. YSL Libre. Its a mix of Moroccan orange blossom, French lavender, and a good dose of florals and musks. Tamang tama lang sa gusto 'kong amoy. Nag apply na din ako ng light na lip tint dahil hindi ako nakakalabas ng bahay ng wala ito. Nag dala na din ako ng cap dahil ipapakita ko sakanya ang bago 'kong chinoreograph. 

Cass knows me so well. We've been best of friends since we were kindergartens. Hindi na kami mapaghiwalay ever since. From Korea to US, to PH, hindi 'ko hinayaan na magkahiwalay kami. Buti na lang, my mom loves her so much and treats her as if she's her own kaya hinahayaan niya akong makasama si Cass sa kung saan mang lupalop ng mundo. 

Dumating na ang driver at agad agad akong bumaba ng condo. Excited na 'kong makita si Alex. 

After 30 minutes, finally dumating na din ako sa baba ng condo ni Cass. Tumakbo agad ako sa elevator. Kilala naman na ako ng receptionist dito kaya hindi 'ko na kailangan mag surrender ng ID sakanila.

"Boss Lee!" Bati ng isang receptionist na lalaki. "Hi, Axel! In a hurry!!" I kept pressing the up button as if its going to speed up the processed. 

Ding ~ 

Finally. I pressed the 10th floor, and waited patiently. 

Pag dating 'ko sa harap ng room ni Cass, kumatok ako ng kumatok. Aba, hindi talaga ako pinapansin. Buti na lang, alam 'ko na may spare key siya sa taas ng pintuan niya. Kinapa 'ko ito hoping na andito pa nga siya. 

Nang makapasok ako, dahan dahan akong pumasok sa kwarto niya at sumigaw ng "ABA!! Valdez, anong oras na bakit tulog ka padin?" hindi ako sinagot nito at tinakpan ang mukha gamit ng unan. 

Stay with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon