Nagising na lang ako ng nakaramdam ako ng init sa mga palad 'ko at malamig tubig na tumutulo mula sa ulo 'ko. It was hard to even open my eyes but I had to dahil kailangan 'kong kumain. Nagulat ako nang maramdaman 'kong may basang tuwalya sa noo 'ko at nakahawak sa kamay 'ko si Bada. Tinignan 'ko muna siya at pinagmasdan ang mukha niya.
Napaka ganda padin niya. Ang matangos niyang ilong, 'yung labi niyang mapula. Kahit ata paghinga nito, nakakakilig. Dahan dahan 'kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay 'ko.
Hindi naman ito nagising kaya dumiretso agad ako sa banyo para maligo. After taking a bath, I just wore a pajama with an oversized black shirt. I sprayed some perfume kahit ba nasa bahay ako para naman mabango ako. Baka amuyin ako ni Bada eh, nakakahiya.
Pag labas 'ko ng banyo ay nakita 'kong wala ito sa kwarto. I figured she went out to the kitchen dahil wala na din 'yung tuwalya at 'yung tabo na andito. I saw her cooking some breakfast for me and her. Hindi 'ko alam kung kikiligin ako sa ginagawa niya.
"How are you feeling?" tanong agad nito pagkakita niya sa akin. "What are you doing here? How'd you get in? How's Aurelia?" sunod sunod 'kong tanong. She shook her head at tumawa ng kaunti.
"I'm taking care of you. Both Aiki and I were worried dahil sabi ng nurse dun ay may sakit ka daw. I got in dahil sinabi 'ko rin sitwasyon mo kay Ellie. She quickly gave me her spare keys at okay naman si Aurelia. She misses her pretty doctor daw." sabi nito. The last part made me smile dahil sa sobrang sweet ng anak niya. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to after how I treated you the other day." tinitignan 'ko padin ito. "Okay na 'yun." sabi niya. Nilagyan na niya ng pagkain ang plato 'ko at inabot ito sa akin. She also gave me coffee katabi ng tubig at mga gamot na kailangan 'kong inumin.
Pagkatapos namin kumain ay sinabihan niya akong magpahinga na pero nagpipilit padin ako na ako na ang maghuhugas ng plato. Makulit din siya at sinabing tutulungan niya raw ako. Tahimik lang kaming nag liligpit ng kusina. Ramdam na ramdam 'ko ang tensyon sa aming dalawa. Dapat ba 'kong makipag usap? Magpasalamat? Hindi 'ko alam ang gagawin 'ko.
"Thank you." sabi 'ko na lang. Tumingin sa akin si Bada na bahagyang may gulat sa mukha. "For taking care of me kahit na dapat anak mo ang alagaan mo." pag-explain 'ko. "Andun naman si Aiki. Paalis na din ako maya-maya. Aantayin lang kita makatulog ulit." sabi nito. "Si Aiki naman mag-aalaga sayo mamaya." sunod nitong sabi. Tumango na lang ako at bumalik sa kwarto.
Okay naman na pakiramdam 'ko. Kailangan 'kong maging okay dahil may pasok na ako ulit bukas. Pinili 'ko na lang ulit matulog. Narinig 'kong umalis na ito matapos ang ilang oras.
"Cass, kain ka na muna." pag gising sakin ni Aiki. Tumayo naman ako agad sa kama at naghilamos. Aiki prepared dinner for me. Nagluto ito ng Tinola. Natutunan niya daw sa YouTube dahil papagalitan daw siya ni Bada kapag puro trashy food ang mga kinakain 'ko. Napailing na lang ako.
"Cass." sabi nito at agad naman akong napatingala. "Masarap, 'wag ka mag-alala." sabi 'ko rito dahil akala 'ko kinakabahan siya sa luto niya. "Bada wants you guys to talk pero hindi daw niya alam paano ka iaapproach." dire-diretso nitong sabi. Napatigil ako sa pagkain at napaupo ng diretso. Hindi naman ako handang harapin si Bada dahil kahit papano ay iniwanan 'ko padin ito sa Korea. Ni hindi 'ko nga alam kung anong sinabi ni Aiki sakanya. We never talked about it ever since I left.
"I think you guys need to clear things out dahil 2 years na din, Cass. Wala padin kayong closure sa isa't isa. You don't need to fix things or go back to being bestfriends, atleast give her and yourself a proper goodbye this time. Deserve niyo naman siguro 'yun?" sabi ni Aiki, which again, is right. I just nodded and tried to gather my thoughts. "Hindi naman kita minamadali, you can take your time as much as you want pero I just want to let you know na babalik na din siya sa Korea next month with Aurelia." sabi niya. "Bakit ba sila andito in the first place? Not saying na hindi dapat sila andito ha? But why?" I couldn't help myself but ask.
BINABASA MO ANG
Stay with me?
Ficción GeneralCassandra, a Doctor who's in love with Bada Lee, the top choreographer of the Philippines and Korea. Will they end up together or will the fate go against them?
