Bella's POV
"So ito na nga ang pinakang mastermind ng lahat ng ito ay si Christine" seryosong sambit ni Lewis.
"A-ano si Christine? as in yung ex mong baliw na baliw sayo?" naiinis na sagot ko
"Oo siya nga, tama yung hinala natin Lucas. Siya lahat may pakana mula sa mga death threats and iba pang nangayari sa'tin recently" dagdag pa nito.
"Bakit kailangan niya idamay ang anak ko?! Anong kasalanan ng bata sakanya?" gigil na sigaw ko kay Lewis
"Hindi ko din alam kung ano binabalak niya, pero sa ngayon ginagawa lahat ng investigator yung makakaya niya para matrace si Christine ngayon" nanghina ako bigla hindi ko alam kung bakit niya kailangan idamay yung bata.
Lumabas na kami sa office ng security humingi din kami ng copy ng cctv para maipasa namin sa presinto as evidence. Inasikaso na rin ni Lewis ang pag papakalat ng picture ni Roxy, Christine at Quinn para kung may nakakita sakanila ay mapagbigay alam agad nila sa'min.
"Babe hindi ko na kaya, kailangan na natin makita si Quinn mababaliw na ko" naiiyak na sambit ko kay Matt, agad naman ako nitong niyakap.
"Ssshh kaya natin to Babe lahat naman nakakaya natin di'ba? Saka mag tiwala nalang tayo kay Lord na hindi niya pababayaan ang anak natin" medyo gumaan ang loob ko sa mga sinabi ni Matt. Kasabay ng pag bitaw sa yakap ni Matt ay dumating na sila Joyce.
"Bes naikot na namin ang buong mall pero wala na talaga sila, nag tanong tanong na rin kami sa mga tao kung nakita nila si Quinn at Roxy pero wala eh. Malinis yung pag kakagawa nila."
"Salamat Bes buti nalang andito ka hindi ko lalo kakayanin kung walang natulong samin sa pag hahanap" ngumiti naman si Joyce sa sinabi ko
"Ano ka ba inaanak ko si Quinn, kailangan talaga na andito ko lika nga dito" akmang yayakapin ako ni Joyce nang tumunog ang phone ko at aksidente ko itong nabitawan dahil sa gulat agad ko naman tong pinulot. Napatigil ako nang makita ko ang sapatos na suot ni Joyce.
Yun yung sapatos nang nakatayo kanina sa harap ng cubicle ko. Nagkataon lang ba? Madami naman sigurong ganung sapatos di'ba?
"Bes huy ano ka na jan hindi ka na nakatayo" natigil ako sa pag iisip nang biglang mag salita si Joyce.
"Ah ano kasi nahilo ko bigla" agad naman lumapit sa'kin si Matt at Lewis
"Belle mabuti pa umuwi ka na muna kami na ni Lucas bahala dito mag uupdate nalang kami sayo" suggestion ni Lewis na agad namang sinangayunan ni Matt.
"No hindi pwede dito lang ako mag hihintay kaya ko pa naman, gutom lang siguro ko." pag dadahilan ko. Hindi ako pwedeng umalis dito lalo na ngayon na alam ko na kung sino ang kalaban. Kailangan ko nalang malaman kung may iba pa ba siyang kasabwat bukod kay Roxy.
"So ako nalang muna ang uuwi guys, kasi ano may naiwan kasi ako sa bahay babalik din ako agad and dadaan nadin ako sa presinto para makahingi ng balita" sabat ni Joyce agad ko naman siyang tinignan at nagtaka ko dahil bigla siyang nag iwas ng tingin sa'kin
"Sige bes maraming salamat talaga sa tulong mo. Balitaan ka nalang namin kung sakaling aalis kami dito kasi anong oras nadin naman malapit na magsara tong mall" agad naman siyang yumakap sa'kin para mag paalam.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)