Revised.
___________________________________________
Bella's POV
Nagising ako nang makarinig ako ng iyak, napamulat ako tska ko lang naalala na nanganak na nga pala ko. Babangon na sana ako ng hawakan ako sa braso ni Matt.
"Dahan dahan Ysa baka mabinat ka" Nag aalalang sambit niya
"Matt si Baby nasan siya? Gusto ko na siyang makita." Na-eexcite na tanong ko sakaniya. Ngumiti naman siya sa'kin bago lumapit sa isang maliit na crib na malapit lang din sa kama ko nakita kong dahan dahan niyang kinuha doon ang aking munting anghel.
Lumapit siya sa'kin at marahang nilipat sa mga bisig ko ang aking anak. Mula sa kaninang umiiyak na sanggol ay bigla itong tumigil malamang naamoy niya na nanay na niya ang may karga sakaniya. Unti-unti namuo ang mga luha sa'king mata hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko sarap sa feeling na hawak ko na siya ngayon.
"Kamukha niya yung tatay niya" Naiinis na sambit ni Matt na ikinatawa ko tama siya kamuha siya ni Lewis.
"Yeah right 9 months kong inalagaan sa tyan ko tapos lalabas kamukha lang nung hayup niyang tatay pero okay lang love ko parin si Baby" Natatawang sagot ko sakaniya.
"Ano nang plano mo uuwi na ba tayo" Nag aalalang tanong niya habang inaayos ung gamit ni baby kasi kailangan na daw mag palit ng diaper.
"Hindi ko pa alam ayoko muna hindi pa ko handa siguro pag ilang taon na si baby" Masyado pang maaga para umuwi kami at natatakot ako na baka kunin niya sa'kin ang anak ko.
Marahang kinuha sa'kin ni Matt si Baby dahil siya na daw ang mag papalit ng diaper at damit nito, natuwa naman ako dahil alagang alaga niya talaga ang anak ko. Hindi naman siguro masama kung ito na muna ang tatayong tatay ni Baby di'ba?
"Ano pala ipapangalan mo sa Baby? Dumating kasi si Doc kanina hinihingi na ung name ni baby hindi ko naman alam kaya ang sabi ko pag gising mo nalang" Biglang tanong ni Matt, matagal na ko naka isip ng name ni Baby eh.
"Actually may naisip na ko eh matagal na gusto ko ipangalan sakaniya Quinn Mattea T. Marquez. Quinn meaning wisdom and intelligence while Mattea is Gift of God." Nakangiti kong sambit kay Matt nakita ko naman siyang ngumiti at tumango maganda naman kasi pangalan na naisip ko may meaning talaga and hindi naman ako ganun kasama para hindi ibigay kay Quinn ang surname ng Daddy niya.
"Pero sure ka ba na papagamit mo surname ng asawa mo jan sa anak niyo" Nag aalalang tanong ni Matt.
"Oo naman karapatan naman niya yun eh and besides kasal parin kami di'ba and ayoko naman na may masabi sila sa'kin pag dumating na yung panahon na makilala nila ang anak ko kasi hindi naman habang buhay maitatago ko si Quinn sakanila" Paliwanag ko.
"May point ka naman jan and para hindi ka rin mahirapan mag ayos ng papers niya kung sakaling maging okay kayo ni Lewis" Mapang asar na sagot niya sa'kin mabilis ko naman siyang binato ng unan buti nalang pala ay nailapag na niya si baby kundi malamang si Quinn ang natamaan.
"Maging okay your face! Wala akong balak makipag ayos sakaniya noh as much as possible mas gusto ko nang hiwalayan siya kaya please yung pinapaasikaso ko kay Joyce na annulment papers namin ni Lewis ayusin na niya" Nakapag decide na kasi ako na gusto ko nang putulin ang anumang ugnayan namin ni Lewis para narin maging tahimik na ang buhay ko. Hindi ko ipagdadamot sakaniya ang anak namin pero ayoko na na magsama kami sapat na yung sakit na naranasan ko sa puder niya ayoko nang dagdagan pa.
"Seryoso ka na ba talaga dyan? Hindi mo manlang ba iisipin yung kapakanan ng anak mo? Hahayaan mo siyang lumaki sa isang broken family ha? Alam mo kung gaano kahirap iyon dahil ganun ang napagdaanan ko at nandun ka ng mga panahon na iyon" Nag aalalang tanong ni Matt. Si Matt kasi elementary palang kami nang maghiwalay ang mga magulang niya at ako ang dumamay sakaniya. Kaya siguro ganun nalang siya kung mag alala sa magiging buhay ng anak ko.
"Andiyan ka naman eh! Ikaw nalang tumayong tatay ni Quinn alam ko naman na kaya mo eh pero kung ayaw mo okay lang naman ayoko naman ipasok ka sa isang situation tapos napipilitan ka lang pala" Natigilan siya sa sinabi ko
"Huh? Seryoso ka ba Ysa hindi ginagawang biro yang ganyan sinasabi ko sayo pag yan pinatulan ko bahala ka jan magsisi ka sa huli" Natatawang sagot niya, alam ko kung ano yung tinutukoy niya at willing ako mag take ng risk para sa anak ko.
"Matt seryoso ko, gusto kitang bigyan ng chance hindi dahil sa kabutihan mo sa'kin kundi dahil mas deserve mo yung pagmamahal ko" Seryosong sagot ko sakaniya dahan dahan naman siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Ysa alam ko na alam mo yung tunay na nararamdaman ko sayo noon pa man pero mas pinili ko nalang manahimik dahil nalang din sa nirerespeto ko yung pagiging magkaibigan natin at ayaw kong masira yun nang dahil lang sa pagiging selfish ko kaya please ngayon palang sinasabi ko na sayo baka hindi mo kayanin pag tinuloy natin tong gusto mo" Hinawakan ko din ang kamay niya at tinignan siya sa mata.
"Hindi naman kita papabayaan eh hindi din ako mag tatake-advantage sayo. Pero if ayaw mo okay lang naman ayoko naman na mag mukhang desperada kakapilit nang sarili ko sayo" Paliwanag ko binitawan niya ang kamay ko bago ako niyaka, niyakap ko naman siya pabalik para maparamdam sakaniya na seryoso talaga ko sa sinasabi ko.
"Oo na sige na pumapayag na ko sa trip mo pasalamat ka mahal kita hindi ko pinipilit na mahalin mo din ako dahil alam ko naman na hindi ko mapapalitan si Lewis jan sa puso mo pero sana hayaan mo ko na mahalin ka" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya ngayon lang niya kasi ako sinabihan ng ganun I mean before na i-i love you kami sa isa't isa nila Joyce pero alam namin na walang malisya yun. Ngayon lang yung medyo meron na dahil nga alam ko naman na yung nararamdaman niya para sa'kin.
"Thank you so much Matt hindi ko siguro alam yung gagawin ko kung sakaling wala ka sa tabi ko" Naiiyak na sambit ko sakaniya habang magkayakap parin kami. Napatigil kami bigla nang umiyak si Quinn.
Mabilis na tumayo si Matt para kunin si Quinn at marahan niya itong binigay sa'kin. Gutom na siguro kailangan ko na siyang i-breastfeed.
"Labas na muna ko ayusin ko yung bill and papers niyo kasi sabi ni Doc pwede na daw kayo makalabas bukas" Paalam ni Matt, tumango nalang ako at inayos ang pag papa-breastfeed kay Quinn.
Tinignan ko ang anghel na natutulog sa aking bisig. Hindi parin ako makapaniwala na andito na siya sa kamay ko. Nung inakala ko na mawawala siya sobra akong natakot dahil alam ko na siya nalang ang magiging source of happiness ko kaya nang malaman ko na safe siya hindi na ko nagdalawang isip na maging selfish at isipin muna ang safety namin mag-ina.
Sorry Quinn kung hindi ko kaya ipakilala ka sa Daddy mo, mas mabuti narin siguro muna to. Mahal na mahal kita Anak.
________________________________________________
Vote and Comment :)
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)