Bella's POV
"Babe tama ba yung ginawa natin laban kina Joyce? What if matunugan nila at lalong mapahamak si Quinn?" nag aalalang tanong ko kay Matt.
"Wag ka mag alala sinabihan ko naman yung tao natin na mag iingat siya sa mga bawat kilos niya at wag siya mag papahalata. Wag mo na masyado istressin yung sarili mo baka naman magkasakit ka niyan" hindi ko maiwasan na hindi mag alala dahil buhay ng anak ko ang nakasalalay dito.
"Hindi kasi ako mapakali, iniisip ko palang na baka sinasaktan siya ng Christine na yun parang hindi ko na kakayanin"
"Kailangan mo lang tibayan ang loob mo dahil kailangan natin mas maging malakas laban sakanila. Dahil pag nakita nila na nanghihina tayo mas mahihirapan tayong labanan sila." may point naman si Matt pero hays hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa anak ko.
"Wala pa ba balita kay Ash kung nasan na sila?"
"Wala pa eh ayaw ko naman tawagan ng tawagan dahil baka makahalata si Joyce kung lagi natin sila hahanapin kaya hayaan na muna natin sila wag ka na masyadong mag alala mababawi din natin si Quinn" hays mababaliw na ata ako kakaisip kung ano na bang nangyayari sa anak ko.
"Hanggang ngayon hindi ko maisip kung paano nagawa ni Joyce to, like I treated her bilang kapatid ko na and lahat ng problema ko sakanya ko inilalabas. Besides inaanak niya si Quinn, bakit niya hahayaan mangyari to, ano ang kasalanan ko sakanya para gawin niya sa'kin to? She knows all my struggles kaya hindi ko padin maisip kung bakit niya magagawa sa'kin to the worst part is dinamay niya ang anak ko. " Nagtatakang tanong ko kay Matt. Hindi ko kasi talaga magets.
"Babe sa totoo lang hindi ko din kasi alam, kaibigan natin si Joyce for as long as I can remember. And kayong dalawa? You both are inseparable, kaya hindi ko alam kung bakit nagagawa ka niyang saktan ngayon lalo na ang inaanak niya. " mas lalo kong nag overthink sa sinabi ni Matt.
"Wag na wag lang talaga niyang sasaktan ang anak ko dahil makakalimutan ko lahat ng pinagsamahan namin dalawa" Sorry Joyce dinamay mo yung anak ko kaya hinding hindi ko alam kung kaya ko bang patawarin ka.
"Hindi naman siguro siya aabot sa point na sasaktan niya ung bata lalo na't inaanak niya si Quinn, hopefully she'll come to her senses and maisip niya tong ginagawa nila" sana nga ganun ang mangyari dahil baka sakaling mapatawad ko pa siya. Hayop na Christine yan di na ata naka move on ilang taon na ang nakalipas ang lalim pa rin ng galit sa'kin dinamay pa ang anak ko.
"Sana nga Babe" Sana nga.
Nandito padin kami sa bahay nag hihintay ng update kay Ash kung nasan na ba sila pero wala pa rin update. Hindi ko din alam kung ano ang exact na inutos sakanya ni Lewis dahil sila lang nag usap ni Ash para narin siguro hindi na ko masyadong mag isip pa.
"Bella nahanap ko na ang location nila Ash" biglang sulpot ni Lewis sa sala. Dali dali naman akong napatayo.
"Ha? Paano mo nalaman? Teka asan sila? kasama ba nila ang anak ko?" natataranta kong tanong. Agad naman akong nilapitan ni Matt para pakalmahin dahil nahalata siguro niya na nanginginig na ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)