Revised
_______________________________
Bella's POV
Pagkatapos niya ko saktan iniwan nalang niya ko. Lasing nanaman siguro siya kaya nanakit nanaman, hanggang ngayon umiiyak ako dahil ang sakit ng katawan ko. Nahihilo na din ako dahil sinapak niya ko kanina sa mukha.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Joyce.
"Hello bes napatawag ka?" Bungad niya sa'kin huminga ako ng malalim para sana makapag salita ako ng maayos.
"B-bes s-sunduin mo ko sa bahay" Nahihirapan na sagot ko sakanya.
"Bakit? Anong nangyari sayo? Bakit ganyan boses mo? Sinaktan ka nanaman ba ng asawa mo?" Nag aalalang tanong niya.
"Nang h-hina na a-ako bes sunduin mo ako si--"
Joyce's POV
Kumaripas ako ng takbo nang marinig ko ang pag bagsak ng cellphone ni Bella hinimatay na siguro siya dahil maging ang sasabihin niya ay hindi na natuloy. Sinaktan nanaman siya ng demonyo niyang asawa.
Alam kong hindi ito pwede malaman ni Lucas pero kailangan na hindi ko kaya bitbitin mag isa si Bella. Habang nag mamaneho ako ay tinatawagan ko si Lucas ang tagal pa sumagot kung kelan kailangan siya eh.
"Joyce baket may ginagawa ako hindi ko agad nakita na tumatawag ka eh" Paliwanag niya kaya pala ang tagal sumagot eh.
"Lucas I need your help as in right now"
"Bakit ano nangyari? May problem ka ba?" Nag aalalang tanong niya kung wala sigurong problema kay Bella ngayon ay malamang kinikilig na ko.
"No hindi ako Im on my way kay Bella ngayon tumawag siya kanina mukhang may hindi magandang nangyari sakanya and I need you to be there baka kasi makita ako ni Lewis" Paliwanag ko
*toot toot*
Hindi ko na siya narinig na sumagot sa halip ay ibinaba na niya ang tawag malamang nagtatakbo yun papunta sa sasakyan niya. Pag dating talaga kay Bella ang bilis niya.
Hindi nag tagal ay nakarating na ko sa tapat ng bahay ni Bella iniisip ko kung papasok na ba ko o hihintayin ko si Lucas. Natatakot kasi ako kay Lewis baka pati ako saktan nung hay*p na yun.
Nag decide ako na pumasok na sa loob doon ko nalang hihintayin si Lucas malalaman naman niyang andito na ko dahil nasa labas naman ang kotse ko.
Pag bukas ko ng pinto halos manghina ako sa nakita ko. Mahal na mahal siya ni Bella pero nagagawa niyang saktan ito.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)