Chapter XXXVII

9.4K 155 0
                                    

Revised.

___________________________________________________

Lewis' POV

Andito na kami ngayon sa kotse papunta sa Condo kung saan sila tumutuloy ngayon. Kinakabahan ako hindi ko alam kung makikilala ba ko ni Quinn. Hindi ko din alam kung paano ko siya kakausapin. 



"Wag kang kabahan mabait na bata si Quinn and I'm sure na makikilala ka niya agad. Ilang beses na kayong nag kita di'ba?" Seryosong sambit ni Lucas. 

"Salamat Pre medyo kinakabahan nga ako hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin or kung paano ko makakapag pigil na hindi masabi sakanya ang totoo. Baka di ako makapag pigil umiyak ako mamaya" Nahihiyang sambit ko. 


"Darating din naman ang panahon na malalaman niya ang totoo hindi man ngayon pero soon malalaman din niya. Karapatan mo naman yun at mas deserve ni Quinn na malaman ang totoo" Bigla akong nahiya kina Bella at Lucas dahil sa mga nakaraang araw na lagi kami nagtatalo ni Bella hindi ko manlang narealize yung hirap na pinag daanan niya habang buntis siya at wala ako sa tabi niya. 

"Salamat pala sa pag aalaga at pag mamahal mo sakanila." Nagulat siya sa sinabi ko dahil bigla siya napa-preno


"Totoo ba yan? Ikaw mag papasalamat sa'kin? Himala ata ah iiyak na ba ko?" Natatawang sambit niya

"Oo na wag ka nang tumawa jan alam naman nating impossible nga pero basta maraming salamat sa pag aalaga mo at pag mamahal mo sakanila noong mga panahong ang gago ko" Seryosong sambit ko. 


"Hindi mo kailangan mag pasalamat dahil ginawa ko iyon dahil mahal ko silang dalawa." That word hit me, sila nga pala ngayon and ang alam ng anak ko si Lucas ang Daddy niya.



Nag simula na ulit siyang mag maneho hanggang sa pumasok kami sa parking ng isang Condo. I can say na maganda at safe naman yung lugar bigla tuloy akong nahiya mahahalata kasi talaga na mahal na mahal ni Lucas ang mag ina ko. Halatang alagang alaga ang mga ito sa kanya dahil sa lugar palang kung saan sila natuloy ay napaka ganda at mukhang mahal talaga dito. I can afford here din naman pero siya kasi nakaya niyang gumastos ng ganun para kay Bella at Quinn na hindi naman niya anak o asawa. 


Bumaba na ko ng sasakyan samantalang siya ay may kinukuha pa sa loob. Hindi nag tagal bumaba na din siyang may dalang paper bags. Binigay niya sa'kin ang isa. 



"Ano to?" Nag tatakang tanong ko. 



"Ibigay mo kay Quinn sabihin mo pasalubong mo sakanya. Mukhang hindi ka kasi prepared mahilig si Quinn manghingi ng pasalubong sa amin ni Ysa." paliwanag niya, nahiya naman ako dahil tama siya wala manlang akong nadala para sa anak ko biglaan din naman kasi ito, 


"Ganun ba? Salamat ah kanina ko lang din kasi naisip na puntahan siya tapos medyo kinakabahan padin kasi talaga ko eh. Hindi ko alam kung matutuwa ba siyang makita ako" Nahihiyang sambit ko.


"Kaya mo yan ikaw pa kakabahan? Kilala ka naman niya so no need to worry" Pag papagaan niya ng loob ko. Pumasok na kami sa lobby at dumiretso sa elevator nakita kong pinindot niya ang level 14.

Hindi nag tagal ay nakarating na kami sa harap ng unit nila. Yung puso ko parang sasabog halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya akong kinakabahan at the same time excited dahil makakasama ko ang anak ko. Binuksan na niya ang pinto niyaya na niya kong pumasok at nakita ko ang kabuuan ng living room nila malinis ito at halatang alagang alaga miski ang kusina ay napaka ayos. 

The Battered Wife (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon