Chapter XXXV

9.7K 175 7
                                    

Revised. 

___________________________________________________


Bella's POV


Hindi padin mawala sa isip ko yung patay na daga na natanggap namin kahapon sa isang unknown sender. Kung sino man ang gumawa nun I can say na marunong siya at sanay na siya sa ginagawa niya dahil wala kaming nakuha bakas niya kahapon. Alam niya kung saan nakalagay ang mga cctv ng buong building kaya naiwasan niya ito. Malamang ay matagal na niyang pinlano ang bagay na ito. Nag report na kami kaninang umaga sa police nalaman din ni Joyce ang nangyari kaya agad niya akong pinuntahan dito sa unit.


Hanggang ngayon ay hindi ako nalabas ng condo dahil natatakot ako na baka nasa tabi tabi lang yung gumawa nito samin. Pinakiusapan ko si Joyce na wag na muna ipaalam kay Mommy ang nangyari dahil ayoko ng dagdagan pa ang mga iniisip niya dahil ngayon hindi parin nagigising si Daddy. Nalalapit na rin ang event kung saan iaannounce formally ang pag memerge ng company namin nila Lewis. 



"Babe aalis lang ako saglit kasi wala na tayo stocks mag grocery lang ako. Si Quinn na sa kwarto natin naglalaro  lang pinakain ko na rin yun para wala ka na iba isipin pa. Please wag ka na mag overthink ilang araw nalang big event na." Malambing na sambit ni Matt andito kasi ako ngayon sa sala tulala parin dahil kakaisip ng kung ano anong nangyayari. 



"Oh okay ingat ka sorry dahil pre-occupied yung utak ko hindi ko kayo maasikaso dami ko din kasi iniisip eh pati yung trabaho ko sa US hindi ko na maasikaso hindi ko na alam ang gagawin ko idagdag mo pa ung patay na daga na nakuha natin the other day" Naiiyak na sagot ko sakanya. 



"Wag mo na isipin yun ako na bahala dun malalaman din natin kung sino ang may gawa nun. By the way Babe ngayon dadating yung yaya na mag aalaga kay Quinn habang andito tayo sa Philippines" Napalingon naman ako sakanya saka ko lang naalala na naghahanap nga pala kami ng mag aalaga kay Quinn. 



"Hay salamat naman at mayroon nang mag aalaga kay Quinn. Sino pala nakahanap ikaw?" Tanong ko sakanya sakto naman na may kumatok, bigla ako kinabahan baka kasi kung ano nanaman ang nasa labas. Mabilis na sinilip ni Matt ang peep hole to check kung sino ang nasa labas ng unit. 



"B-babe sinong tao?" Kinakabahang tanong ko. 



"Si Joyce lang Babe chill ka lang okay? Kasama niya yung yaya siya kasi yung nakahanap eh" Nakangiti niyang sagot sa'kin agad naman akong nakahinga ng maluwag nang malaman ko na si Joyce lang pala ang dumating. Agad na binuksan ni Matt ang pinto tumambad sa'kin si Joyce na nakangiti at isang babae na nasa mid 20's na nakangiti din ito sa'kin.

The Battered Wife (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon