Revised.
_________________________________
Lucas' POV
The meeting with Ms. Gonzales awhile ago went well, pumayag siya na mag invest sa company and that is a great news dahil malaki ang maitutulong niya sa amin dahil isa siya sa mga sikat at maunlad na business woman dito sa US. Hindi ko parin makalimutan yung masamang titig ni Ysa kanina sa restaurant parang gusto niya ko batuhin nung hawak niya na steak knife.
5 pm na pala buti nalang natapos ko na yung mga papers na kailangan ko i-sign medyo maaga ko makakauwi usually kasi 7pm ako nakakauwi. Matutuwa nito si Ysa kasi lagi yun nagrereklamo pag late na ko nakakauwi ewan ko ba bigla siya naging ganun this past few weeks mas naging clingy niya sa'kin she even fired my secretary dahil nakita niya na gusto nito makipag flirt sa'kin. Siya na ang nag hire ng secretary ko iyon yung kasama ko ngayon. Nag ayos na ko ng gamit para makauwi na ko baka ano na nagyari kina Cassandra at Quinn nakalimutan kong tawagan kanina.
"Sir eto na po yung pinapabili niyo na flowers for Ms. Bella" Bungad sa'kin ng secretary ko pag labas ko ng office.
"Thank You Tasha you can go home na para maaga ka rin makauwi sa family mo" Nakangiti kong saad sakanya.
"Thank you sir ingat po pag uwi" Masayang sagot niya sa'kin.
Hindi naging matagal ang byahe ko papuntang condo dahil maaga pa hindi pa rush hour. Paakyat na ko sa unit namin kaso naisip ko bigla hindi ko pala alam kung anong oras ang uwi ni Ysa ngayon sana naman ay nasa bahay na siya para fresh pa tong bulaklak. Pag enter ko ng code namin ay nagulat ako sa nadatnan kong kalat sa sala.
"Cassandra! Ano yan bakit ang kalat?" Naiinis na bungad ko kay Cassandra, mabilis naman niyang tinakpan yung bibig ko.
"Ano ka ba wag ka maingay! Kakapatulog ko palang kay Quinn kakapahinga ko lang kaya please manahimik ka" Bulong na sagot niya saka lang ako napatingin sa crib na nasa sala andun nga si Quinn mahimbing na natutulog.
"Oo nga tulog na nga alaga mo eh bakit ang kalat mo dito puro balat ng chichirya at bote ng softdrinks. Sinabi ko bang mag kalat ka dito sa bahay namin ha?" Napipikon na sagot ko sakanya. Paano ba naman ang kalat ng sala pagod na nga ako sa trabaho ganito pa madadatnan ko. Si Ysa malamang pagod din yun.
"Eto na mag liligpit na sungit nito akala mo naman sobrang kalat! And FYI hindi ako ibang tao sainyo para ganyanin mo ko akala mo katulong ako dito ah" Naiiyak na sagot niya sa'kin lagot na.
"Sorry Cass pagod lang ako sa trabaho and iniisp ko din si Ysa pag naabutan niya to tapos pagod din siya malamang siya pa mag liligpit nito. Sorry na hindi ko sinasadya wag ka mag alala nakahanap na ko kanina ng mag aalaga kay Quinn salamat sa pag aalaga mo sakanya ngayon" Paliwanag ko sakanya agad naman siyang tumawa.
"Baliw ka bes okay lang niloloko lang kita haha takot mo nalang kay Bella kung napaiyak mo talaga ko" Natatawang sagot niya sa'kin totoo naman kasi lagot talaga ko kay Ysa pag nalaman niya na inaway ko ang kanyang bff.
"Bwisit ka kinabahan ako sa'yo bilisan mo na mag ligpit dyan! Mag bibihis lang ako para makapag luto na ng hapunan natin nakakahiya naman kasi sayo baka magutom ka eh" Kunwaring naiirita sagot ko sakanya agad naman niya kong binatukan. Siraulo talaga to may sapak ata utak nito eh paano kaya sila naging mag bff ni Bella eh total opposite sila.
Umakyat na ko sa kuwarto para maligo.Nilagay ko nalang yung bulaklak sa kama para makita niya agad pag tapos kong magbihis ay dumiretso na ko ng kusina para mag ayos ng lulutuin. Adobo nalang niluto dahil eto yung paborito namin tatlo. Sakto naman na pagkatapos kong magluto ay dumating na si Ysa.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)