Chapter IV

17K 291 2
                                    

Revised.

____________________________________________

Lewis' POV (Pronounce as Luwis)



Nagising ako dahil sa sikat ng araw, naramdaman ko na may nakadantay sa'kin nagulat ako nang makita ko sa Bella sa tabi ko. Nilibot ko ang paningin ko saka ko lang napagtanto na wala ako sa kwarto ko isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi panaginip yung kagabi, totoong may nangyari sa'min ni Bella dahil base sa itsura namin ngayon ay pareho kaming walang saplot. Hindi ko alam kung magagalit parin ba ko sakanya o maguiguilty dahil sa nagawa ko kagabi hindi ako nakapag pigil gawa nalang din siguro ng pagkalasing ko. Ang kinagulat ko pa ay ako pala ang nakauna sakaniya buong akala ko ay si Lucas.




Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa pagkakayakap sa'kin at dahan dahan din akong tumayo upang makapagbihis na. Pag labas ko ay napagdesisyunan ko na ipagluto siya ng agahan niya, sana hindi siya galit sa'kin. Teka ano bang pake kung magalit siya asawa ko naman siya di'ba? Bahala na nga siya pag luluto ko siya dahil good mood ako today wala nang iba.




Isang oras din ang ginugol ko sa pagluluto simpleng fried rice, bacon and egg lang naman niluto ko alam ko kasi na iyon ang madalas niyang kinakain. Umakyat na ko sa kuwarto ko para makaligo na dahil may pasok pa kami.




Habang naliligo ako ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi, dapat hindi ko na ito maisip! Si Christine ang mahal ko hindi si Bella iyan dapat ang isipin ko. Pag tapos ko maligo ay dumiretso ko sa kwarto niya para gisingin na siya dahil malalate na siya.





Pag pasok ko ay nakita ko siyang nag aayos ng gamit niya, nakaligo na siya at napalitan narin niya ang sapin ng kama niya. Hindi niya ata alam na andito ako kaya tumikhim ako upang maagaw ko ang atensyon niya. Gulat itong napatingin sa'kin, Hindi ko alam kung ngingiti ba ko o sisimangot.




"Malalate ka na bumaba ka na nagluto ako sa baba ng almusal sabay na tayo kumain" Tila wala ako sa sarili nang banggitin ko iyon at mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko dahil bakas sa mukha niya ang pagka-gulat. Marahil masama talaga ang tingin niya sa'kin which is true naman.




"H-hindi na ko kakain kasi malalate na ko mauuna na ko sa school sige bye!" Mabilis niyang kinuha ang bag niya at nag madaling lumabas ng kwarto samantalang ako ay naiwan na tulala dito. Alam ko kasi na hindi nakakaalis yun nang hindi kumakain iniiwasan niya ba ko? Dahil ba sa nangyari kagabi? Mabilis akong bumaba para habulin siya.





Nakita ko siyang hinahanap ang susi ng sasakyan niya sa may patungan ng TV at nang maramdaman niya ang presensya ko ay lalo itong nataranta.



"Bella kumain ka muna alam kong hindi ka naalis ng hindi ka nakakapag almusal wag nang matigas ang ulo mo" Medyo naiinis na ko sakaniya dahil kanina pa niya ko iniiwasan eh kadalasan naman siya itong nangungulit sa'kin araw araw eh.



"Salamat nalang J una na ko ano kasi hinahanap na ko ni Joyce may utang kasi ako sakanyang libre kaya sabay na kami mag a-almusal bye!" Nagulat ako nang kumaripas siya ng takbo, mabilis akong pumunta sa kusina para igawa nalang siya ng tinapay.




Palabas na ang sasakyan niya ng makalabas ako, mabilis kong kinatok ang bintana niya binaba naman niya ito at hindi nanaman siya makatingin sa'kin ng diretso. Nahihiya ba siya dahil may nangyari na samin kagabi? Normal naman na gawain ng mag asawa yun ah.





"Oh eto baunin mo nalang gumawa akong tinapay alam kong wala kayong usapan ni Joyce hindi ka magaling mag sinungaling Bella tska bakit hindi ka naka uniform?" Ngayon ko lang napansin na naka civilian lang siya.




"Wala ako sa mood mag uniform eh, sige na mauna na ko salamat sa sandwich malalate na ko. Sunduin mo na girlfriend mo late na." Sinara na niya yung bintana at mabilis na lumabas ng garahe pag tingin ko sa relo ko ay nataranta ko dahil late na nga ako pupuntahan ko pa si Christine.




Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at nilock ang bahay bago ko tuluyang umalis. Nang makarating ako sa condo ni Christine ay nabanggit ng guard na naka-alis na ito, dismayado akong nag maneho papunta sa school.





Kailan kaya ako mapapatawad ni Christine? Pag ako talaga hindi napatawad ni Christine sa loob ng isang linggo lagot sa'kin si Bella. Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Bigla kong narealize na hindi ko pala nasabi kay Bella na dapat walang maka alam ng nangyari sa'min kagabi. Bahala na nga alam naman niya siguro ang mangyayari pag may pinagsabihan siya.





______________________________________________

Vote and Comments!

Short UD

The Battered Wife (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon