Revised.
________________________________________
Lewis' POV
2 weeks na ang nakalipas nang huli kong nakita si Bella yun pa yung gabi na sinaktan ko siya until now hindi ko pa nakikita miski anino niya. Nakakainis dahil wala nang nagluluto ng pagkain ko hindi dahil sa namimiss ko siya noh never. Wala lang kasi ako mapagtripan at mautusan dito sa bahay.
Andito ko ngayon sa elevator paakyat sa condo ni Christine balak ko siyang kausapin para makapag paliwanag ng maayos. Dala ko yung mga paborito niyang pagkain maging ang paborito niyang bulaklak.
Hindi ako mahihirapan makapasok dahil last month ay binigay niya sa'kin ang spare key ng condo niya para easy access daw.
Hindi pa ko nakakapasok nang bigla akong nakaramdam ng kaba. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang sapatos ng lalake at mga gamit nito na nakakalat pa. Hindi naman sa'kin yun dahil nasa kuwarto ni Christine ang mga gamit ko.
Habang umaakyat ako ay mas lalo akong kinakabahan,sana hindi tama ang hinala ko. Pag bukas ko ng kuwarto ni Christine ay halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.
"John I can explain" Natarantang tumayo si Christine at nag bihis nang makita ako.
"Explain what Christine? Na naglalaro lang kayo ng lalakeng yan ng walang saplot? Ganun ba ang gusto mong isipin ko?" Galit na singhal ko sakanya.
"It's not what you think Babe" Naiiyak na sagot niya sa'kin
"Babe sino ba yan?" Nagtatakang tanong nung lalakeng kasama ni Christine.
"Tarantad* ka walang hiya ka! Girlfriend ko yang pinatulan mo!" Hinila ko ung lalake mula sa kama nila at pinagsusuntok.
Bigla niya kong tinulak nang marinig niya yung sinabi ko.
"Anong girlfriend ang sinasabi mo? Girlfriend ko si Christine for almost 3 years" Maangas na sabi niya.
"A-ano 3 years na kayo? Christine ano tong sinasabi nito? Totoo ba ha?" Nagtataka kong tanong kay Christine pero hindi siya sumagot sa halip ay umiyak lang siya.
"You heard it right, Christine and I were in a relationship for almost 3 years. Sa States ako naka based pero I decided to move here for her." Paliwanag niya tumingin ako kay Christine na hanggang ngayon ay umiiyak padin.
"Christine sumagot ka naman! Totoo ba? All this time niloloko mo ko? Ikaw tong galit na galit dahil bigla akong kinasal pero ikaw pala tong matagal na kong niloloko" Naiiyak na singhal ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)