Chapter XII

16.3K 263 3
                                    

Revised.

_____________________________________________


Lewis' POV


Andito na kami sa sasakyan papunta na kaming ospital, dito ko na sinakay si Bella kasama si Joyce. Nagulat ako kanina nang makita kong may dugo na umaagos sa binti niya. Buntis ba siya? Ako ba yung ama?



Hindi nag tagal nakarating narin kami sa ospital tumawag agad si Joyce ng nurse para makakuha ng stretcher. Inasikaso naman agad nila si Bella dahil emergency talaga dahil nawalan na ng malay si Bella. Hanggang ngayon hindi padin tumitigil sa pag iyak si Joyce.




"J-joyce a-ano ba nangyari kay Bella bakit siya dinudugo?" Naiilang na tawag ko sakanya mabilis naman siyang tumingin ng masama sa'kin.



"Alam mo kasalanan mo lahat to eh kung hindi dahil sayo hindi mangyayari to sa bestfriend ko. Wala naman siyang ibang ginawa sayo kundi ang mahalin ka eh pero anong ginawa mo? Patuloy mo siyang sinasaktan wala kang kwentang asawa! Alam mo ba na ang saya niya nung nalaman niyang buntis siya pero at the same time sobrang natakot siya wanna know why? Dahil baka idamay mo lang yung bata sa galit mo" Umiiyak na sigaw niya sa'kin tama siya wala nga akong kwenta pero may kailangan pa ko malaman.


"A-akin ba ung dinadala ni Bella?" Mahinang tanong ko bigla nanaman siyang nagalit.


"Tanga ka ba? Malamang oo ikaw nakauna sakanya di'ba nakuha mo siya dahil sinamantala mo yung kahinaan niya dahil alam mong ibibigya niya ito sayo dahil sobra ka niyang mahal." Nagulat ako sa sinabi niya ako yung tatay ng dinadala ni Bella pero ngayon nasa panganib ang mag ina ko.


"Hindi ko alam Joyce ang akala ko kasi--" Hindi na niya ko pinatapos sa sasabihin ko sinampal na niya ko.



"Ano akala mo kay Lucas? Hindi ka lang tanga bobo ka pa hindi mo talaga alam kung gaano ka kamahal ni Bella halos wala na nga siyang tinira para sa sarili niya. Ok nang masaktan siya wag lang ikaw. Bestfriend lang ang tingin niya kay Lucas noon pa man nilinaw na niya yun sa'min tinanggap ni Lucas yun dahil mas mahalaga ang pag kakaibigan nila palibhasa manhid ka" Tumayo na siya at nag lalakad lakad siguro kinakabahan parin siya maski ako kinakabahan eh.


Hindi parin ako makapaniwala na nag bunga ung nagawa ko sakanya. Magiging tatay na ko sana maging okay na sila at ipapangako sakanya na mag babago na ko. Natigil ang pag iisip ko nang biglang tumunog ang phone ko, patay si mama tumatawag.



"H-hello Ma kamusta ka?" Kinakabahan na bungad ko.



"Hello Lucas nasan kayo? Andito ko sa tapat ng bahay niyo pero walang tao eh. Namiss ko na kasi si Ysabelle mag bonding sana kami mag shopping kami" patay na close kasi talaga si Mama at si Bella hindi ko din alam kung paano


"Ah eh Ma kasi andito kasi kami ngayon sa ospital eh" Mahinang sagot ko pero sigurado akong narinig niya yun.

 

"Ha? Bakit kayo nasa ospital ? Sinong may sakit sainyo? Saan yan at pupuntahan ko kayo" Nag aalalang tanong ni Mama yari ako nito mamaya.

The Battered Wife (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon