Revised.
________________________________________________
Bella's POV
Ngayon na yung araw na kinaiinisan ko, Kailangan na namin mag meeting ni Lewis para sa gagawing merging ng company sa ayaw at sa gusto ko wala naman akong magagawa dahil ito lang naman ang maitututlong ko kay Mommy. Napag usapan namin na dito nalang sa mall na malapit sa company kami mag meeting para after nito diretso na ko company para mag review ng files.
Almost 30 minutes na kong naghihintay dito sa restaurant wala parin si Lewis. Seriously ako pa talaga yung pinaghihintay niya pag another 30 Minutes at hindi pa siya dumating bahala na siya sa buhay niya. Umorder na ko na ko ng makakain ko dahil hindi ko na kaya pang tiisin yung gutom ko para lang sa walang kwentang kagaya ni Lewis.
"Sorry I'm late natraffic kasi ako" Bungad ni Lewis nang maka upo siya sa harap ko.
"Sana ikaw yung nag adjust di'ba kung alam mong matraffic sana inagahan mo yung alis nakakahiya naman kasi sayo eh halos mag iisang oras na kong naghihintay sayo. Hindi lang eto yung appointment ko ngayong araw kaya wag kang feeling special ano feeling mo ibabakante ko buong araw ko para sayo?" Naiinis at sunod sunod na sambit ko sakanya.
"Sorry na nga hindi ko naman talaga alam na mattraffic ako ng sobra eh inagahan ko naman yung alis naipit lang talaga ko sa traffic hindi naman kita macontact kasi hindi ko naman alam contact number mo." Pag dadahilan niya.
"So kasalanan ko?" Naiiritang tanong ko sakanya.
"No hindi yun yung sinasabi ko, ang point ko lang naman hindi ko naman sinasadya na ma-late gustuhin ko man abisuhan ka na malalate ako hindi ko magawa dahil nawala ko yung number mo nag palit kasi ako ng phone dun pala sa nasira kong phone naka save yung number mo samantalang si Mommy naman hindi nasagot." Natatarantang paliwanag niya.
"Oo na bahala ka sa buhay mo bilisan mo na umorder ka na kumain ka na muna para makapag isip ka ng tama just please make it fast ang dami ko pang gagawin" Naiinis na sambit ko mabilis naman niyang tinawag yung waiter para maka order na siyang pagkain.
"So kamusta naman kayo ni Lucas? Hindi ka naman ba niya sinasaktan?" Tanong niya habang kumakain.
"Wag mo siyang itulad sayo, Hindi lahat ng lalake kapareho mo wala kang karapatang para itanong sa'kin yung ganyang klaseng bagay dahil alam naman natin dalawa kung sino yung ganun" Nakangiti kong sagot sakanya nanahimik nalang siya at kumain. Bago pa man makapag simula yung meeting namin nakita ko si Quinn patawid ng kalsada papunta dito sa mall kasama si Joyce.
Halos atakihin ako nang makita kong muntik na siyang mahagip ng sasakyan buti nalang mabilis siyang nayakap ni Joyce. Nahalata naman ni Lewis na medyo kinabahan ako.
"Are you okay Bella? Is there something wrong namutla ka bigla eh do you want me to bring you to the hospital." Nag aalalang tanong niya sa'kin lilingon sana siya kung saan ako nakatingin pero agad ko siyang piniglan.
"Ah ano medyo nahilo lang ako kaya sana bilisan mo na sa company nalang tayo mag meeting" Pag dadahilan ko agad naman niya kinuha ung bill pero huli na ang lahat bago pa man kami maka alis ay nakita kong papasok na ng restaurant sila Joyce at Quinn.
"MOMMYYYYY!" Sabay kaming napalingon ni Lewis kay Quinn mabilis na gumuhit sa mukha niya ang gulat at pag tataka.
"B-baby what are you doing here di'ba I told you stay at home? Nag paalam ka ba kay Daddy?" Mahinang tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)